CHAPTER 8

2271 Words
CLARISSA POV. Nakauwi na ako sa bahay at nakahiga na sa higaan, habang nasa papag naman si Lea at si Mama at nasa ibaba naman kami ni Atong nakahiga. Bahagyang nagtaka ako sa sasakyan na nakita kanina. Iyon ba talaga ang lalaking nakasakay roon, kung siya 'yun bakit tumigil ang sasakyan nito sa harap ko? Baka naman nag park lang pero nakakapagtaka pa rin. Ang haba ng daan para sa tapat ko pa s'ya huminto, hindi kaya may balak gawing masama 'yon. Mugto pa rin ang mga mata sa pag iyak at 'wala pa din habas ang mga luha ko sa pag patak sobrang sakit ng nararamdaman ko ng makita ko si John kanina habang nagtatalik sila ni Jona, doon ay napahawak ako ng mahigpit sa kumot. Nagdaan ang ilang araw wala na ako natatanggap na tawag mula sa Mommy ni John, maging si Jhon ay hindi na ako kino- kontak nito, dalawang linggo na ang nakalipas sa susunod na linggo na ang Anniversary namin ni John, dalawang taon na sana kami kung hindi kami nag kalabuan. Hindi ko namalayan ang takbo ng araw, noon ay training pa lamang si John, ngunit ngayon ay tuluyan na itong naging isang ganap na sundalo. Sa iba't- ibang lugar na ito nade-destino, dahilan para tuluyan na kami hindi mag kita. Sa kabilang banda ng isip ko, gusto ko makipag balikan kay John. Gusto ko s'ya yakapin, gusto ko sabihin sa kaniya na 'wag n'ya ako iwan dahil kailangan ko s'ya. Kailangan ko s'ya dahil nahihirapan na ako. Mahal ko s'ya, hindi dahil may sakit ang Mama ko kung hindi dahil iyon sa totoong nararamdaman ko sa kaniya. Ngunit ngayon sobra n'ya ako nasaktan.Kaya kahit mahirap ay pipilitin ko ang kalimutan si Jhon at lumaban mag isa para sa Mama ko at mga kapatid ko. Kasalukuyan akong Abala sa paghahanda ng tanghalian nang lumapit sa akin ang kapatid ko at nagsalita. "Ate! Hindi pa ba tayo kakain?!.Nagugutom na ako"tanong ni Lea. "Ate! Kailan ba kami pwede na pumasok sa school?!"tanong naman ni Atong, doon ay napatitig ako sa mga ito. Hanggang sa marinig ko ang Mama ko na malakas sumuka, doon ay agad akong napatakbo ako sa kinaroroonan nito. Maagap kong pinunasan ang mga dugo nito sa bibig at nanghihina itong nagsalita. "Anak, ayoko na. Pagod na akong lumaban, hayaan mo na lang akong mamatay"saad ng Mama ko. Doon ay napapikit ako ng mariin at tumalikod. Naglakad ako at nagtungo sa mesa, Mabilis kong tinabig ang mga gamit na nakapatong sa mesa, pati na ang gulay na inutang ko lamang at nagkalat ito lahat sa sahig, humagulgol ako ng iyak at pasigaw akong bumalinga sa kanila. "Kayo lang ba pwedeng mapagod?!" Singhal ko, nang hindi makuntento ay muli pa akong sumigaw sa mga ito. "Iyan lang ba ang maiimbag n'yo sa paghihirap ko ngayon?!! Ang mag reklamo ng mag reklamo!!" Kung napapagod na kayo!"singhal ko. " Pwes, ako hindi.."mahinang dugtong habang lumuluha. "Lumalaban pa rin ako. Kahit sa totoo lang ay ayoko na rin"naghihinang sambit ko pa at napaupo sa sahig. "Kahit kaunti, ipakita n'yo naman sa akin na lumalaban kayo. Nang sa ganun gumaan naman ang loob ko, dahil ang bigat-bigat na! Ang bigat bigat ng loob ko ngayon,"mahaba pang saad ko. Nakatitig sa akin ang dalawa kong kapatid, tahimik umiiyak ang mga ito. Ang Mama ko naman ay wala ang tingin sa'kin ngunit may mga luha rin sa mga mata nito. "Ma! Lumaban ka! 'Wag mo din kami iwan, please Ma! Iniwan na kami ni papa, iniwan na rin ako ni John!" hagulgol sa pag iyak kong baling rito. "H'wag naman sana na pati ikaw! Ma!"dugtong ko pa. Hirap na lumapit si Mama sa akin at niyakap ako nito. Alam kong naramdaman ni Mama na sobra akong nasasaktan kay John. Kaya naman pinalakas nito ang loob ko na dati'y hindi naman ginagawa nito. Marahil dahil batid nito na hindi ganun ka simple mag kondisyon n'ya, kaya pinararamdam na sa amin na mahal na mahal n'ya kami. Isang pag babago ng ugali ni Mama na sobrang lubos na nag pa kaba sa akin. Sumapit ang gabi at ngayo'y tahimik na akong nakaupo sa harap ng mesa, hawak ko ang basong mayroong tubig, wala akong trabaho dahil hindi ko pa nakakausap ulit ang eskwelahan para makabalik ako sa pagiging Janitress ko. Maya maya ay narinig kong muli sumuka ang Mama ko at sa pagkakataon na 'to ay mas maraming dugo ang naisuka ni Mama. "Ma! Bakit?! Ano ang masakit sayo? "nag aalala na tanong ko kay Mama. Doon ay nag umpisa nang mag iyakan ang mga kapatid ko. "Ma! Sumagot ka!!"natatarantang wika ko rito. "Mahal na mahal ko kayo mga anak ko"turan nito na nag pahagulhol ko sa pag iyak. "Mama!!"hiyaw ko sa pag iyak habang nakatitig ito sa akin, humigpit ang pagkaka hawak ko mula kay Mama at nagsalita . "Hindi ako papayag, Ma! Hinding-hindi!"saad ko at nagmamadaling lumabas ako ng bahay , tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa narating ko ang bahay nila John. Doon ay nagsi-sigaw ako sa gate upang lumabas ang Mommy ni John at nang lumabas ito. Binuksan naman ng baguhang katulong nito ang gate nila at hinarap ako nito. "Ipada-dampot kita sa pulis kapag hindi ka tumigil! Ano ang problema mo, Clarissa!"singhal nito sa akin. Basang-basa ng luha ko ang pisngi ko, nakatitig ako rito at nagsusumamo ang mga mata. Dahan-dahan akong lumuhod sa harap ng Mommy ni John at nagsalita. "Tita..please...kahit ngayon na lang, Tulungan n'yo ang Mama ko"garalgar sa pag iyak na saad ko rito. "Kailangan s'ya madala sa ospital, nakikiusap ako tulungan n'yo ako..."umiiyak na sambit ko rito. Tinitigan ako nito, at nang magsawa ay akmang aalis ito sa harap ko ngunit agad kumapit sa suot nitong pants na itim. "Parang awa n'yo na po!"umiiyak na pakiusap ko rito. "Ano ba! Bitawan mo ako!"Taboy nito sa akin. At tinulak ako dahilan ng pag bitiw ko rito. "Hayaan mo na ang Mama mong mamatay!! 'Wag mo na ipilit pa, Clarissa! 'Wala ka nang magagawa, maawa ka sa sarili mo! Kung oras na ng nanay mo, tanggapin mo! Hindi ka na rin dapat pa mag punta rito. Dahil iniwan ka na ng anak ko! And just accept it!!"pasigaw na baling nito at agad rin pumasok sa loob ng malaking bahay nito. Napasabunot ako sa buhok ko at tumayo. Kahit makahanap ako ng trabaho bukas, hindi ko alam kung maiisalba ko pa ang mama ko. Dahan-dahan ako nag lakad palayo sa bahay nina Jhon. Umiiyak akong naglakad at tila 'wala sa sarili, napailing ako habang iniisip na tuluyan mawawala sa amin ng mga kapatid ko si Mama dahil sa malubhang sakit nito. Hindi!!Umiiyak na hagulgol kong sambit kasabay ng pag iyak. Ngunit maya-maya ay meron pumasok sa isip ko, natigilan ako at nahinto sa pag iyak. Tumakbo ako ng mabilis para makarating agad sa bahay. Naratnan ko na nakaupo si Mama at ngayon malinis na ang damit n'ya na kanina ay puno ng dugo. "Ate, nilinisan na namin si Mama,"wika ni Atong habang bakas pa rin ang kaninang pag iyak. Matapos balingan ng tingin sina Mama ay patakbo ako nagtungo sa sira-sirang kabinet namin. Nangalkal ako sa damitan ko at hinalughog ang buong laman ng kabinet. Isa-isa ko hinagis ang mga damit na naroon pero hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko. "Nasaan na 'yon!"Inis kong sambit. "Ate, ano hinahanap mo?"tanong ni Atong. "Iyong papel na maliit. Calling card 'yun Atong! Kailangan na'tin 'yun para mapagamot si Mama ngayon,"natataranta kong baling sa kapatid ko. Ilang oras kami naghanap at nangalkal ng mga damit sa kabinet, kulang na lang ay sirain ko na ang kabinet at itaob ito dahil hindi ko pa rin makita ang calling card ng babae. "Ate! Ito ba?!"saad ni Atong at nilingon ito. Nakita kong hawak na ni Atong ito at mataman pinagmamasdan. "Akin na 'yan!"mabilis kong baling ritoat tumayo. Kinuha ko ang phone ko at nagsimula na tawagan ito. Nakailang tawag pa ako pero hindi pa rin sinasagot ang linya, at maya-maya lang ay sumagot na ito. "Yes! Hello, 'who is it?"tanong sa kabilang linya. "He.....hello po ma'am, a..ako po si Clarissa gomez, tatanggapin ko na po ang trabahong inalok n'yo,"mabilis kong wika sa linya. Bahagya tumahimik ang kabilang linya matapos ko mag salita. Nakaramdam ako ng takot at baka Nakahanap na sila ng ibang gagawa ng trabaho na iyon. "Good! I will call you back,"wika nito sa kabilang linya ngunit agad ako nagsalita. "Ma'am! Sandali! Kailangan ko na po ang pera ngayon ma'am. Ipapagamot ko po ang mama ko sa ospital Kailangan n'ya magamot ngayon, please magkita po tayo,"habol kong saad. Tumahimik ang kabilang linya, pero maya-maya lang din ay sumagot na ito. "Saan ka nakatira? Pupuntahan kita," wika nito sa linya na nag patulo ng luha ko, tipid na maluha-luha akong napangiti nya, at sinabi kung saan ako nakatira. Ilang sandali ay natapos na ang usapan namin. Nanghihina akong napaupo sa sahig, at nakahinga ng maluwag, napangiti ako habang lumalandas ang luha ko sa pisnge ko. Ilang oras ay mahigpit kong hawak ang phone ko. palakad-lakad ako sa harapan ni Antong at Lea. Samantalang si Mama ay nakahiga at nakapikit ang mga mata ngunit ramdam ko nakikirdam ito sa nangyayari. "Ate! Ano ba! Nahihilo na kami sa'yo!"sambit ni Lea. "Para kang trumpo, Ate. Pa ikot-ikot ka,"wika ni Atong. "Ate! Hindi ka ba nahihilo sa ginawa mo?"sabat naman ni Lea. "Shh! Tahimik nga!"saway ko sa mga ito. Ilang oras ay narinig ko ang ang ingay ng sasakyan sa labas ng bahay namin. Mabilis kong binuksan ang pinto, nakita ko ang isang puting van sa tapat ng bahay namin. Humito ang puting van sa tapat ng bahay namin at agad bumaba ang babae. Pinapasok ko ang babae sa loob ng bahay namin. Nahihiya man ako sa kalagayan namin at sa itsura ng bahay namin dahil sa batid kong mayamanan ang babaeng nasa harap ko ngayon. Nilibot nito ang mga tingin sa kabuan ng barong-baro na bahay namin. Binalingan rin ng tingin ang dalawang kapatid kong nakatingin habang naka upo sa sulok ng bahay. Naglipat ng tingin ang babae at tipid na ngumiti sa akin. "Pasensya na po kayo at pinapunta ko pa kayo rito,"wika ko rito. "Don't worry, it's okay darling,"turan nito. Doon ay nabaling na ang tingin nito kay Mama na nakaratay sa lumang kahoy naminna papag. Pinakita ko ang kalagayan ng Mama ko, nakita ko ang pagka bakas ng awa ng babae sa mukha nito habang pinagmamasdan nito ang mama ko. Mabilis n'ya tinawag ang nasa likuran na dalawang lalaking kasama na tiyak kong body guard nito base sa ayos ng dalawang lalaki. Nakasuot ang mga. ito ng pormal na damit na suit at nagsalita na babae. "Isakay n'yo s'ya sa van, dadalhin natin s'ya sa ospital"Utos sa mga ito ng babae" Naluha ako at mabilis hinawakan ang kamay ng babae, hinalikan ko pa ang mga kamay nito habang naluluha naka baling rito. "Maraming salamat po"sambit ko rito. Nakarating kami sa ospital na ang tingin ko, ay isang private hospital. Batid kong mahal at pribado ang ospital kaya't nagalak ang puso ko dahil tiyak kong gagaling na ang Mama ko. Mabilis kinuha ng mga doctor ang Mama ko at bumaling sa akin ang babae. "Wag ka na mag-aalala sa mama mo, magiging maayos na s'ya kahit paano,"baling ng babae at matamis ako napangiti. Ilang sandali ay inaya n'ya kaming lumabas sa ospital ng babae. Pinakain kami ng mga kapatid ko kami sa isang mamahalin na restaurant at napauwang ang labi ko sa presyo ng mga pagkain naroon. Pinagmasdan ko ang mga kapatid ko habang tuwang-tuwa kumakain. Mapungay ang mga mata ko habang nakatingin sa mga kapatid nang magsalita ang babaeng katabi ko. "Kumain ka na, iha,"baling ng babae sa akin. "Ayos lang po ako, sa mga kapatid ko na lang po iyan,"wika ko. Matagal akong tinitigan ng babae bago muli nagsalita. "I like you, what is your name?"tanong nito "Clarissa po, Riss na lang po itawag n'yo sa akin,"turan ko na may ngiti. Maya-maya ay tumunog ang phone ng babae. Sumenyas s'ya sa akin upang putulin ang pag uusap at bumaling sa hawak nitong phone. Hindi ako nakinig sa usapan sa phone na hawak nito at itinuon ang atensyon ko sa pagkain nasa harap ko. Pinagmasdan ko rin ang mga kapatid ko na hindi magkandaugaga kakain sa mga masasarap na nakahain sa mesa. Nang matapos kausapin ng babae ang linya ng phone ay bumaling na ito sa akin. "My name is Amanda tawagin mo nalang ako sa Amanda."Pakilala nito sa akin. Akang mag sasalita ako ngunit agad ito sumabat. "And! Don't call me, Ate or what. Hindi naman tayo nagkakalayo ng figure,"dugtong pa nito at napangiti ako. "Sige po, Ma'am Amanda,"wika ko. "Magsimula ka na ngayon sa trabaho mo,"sambit nito na nagpagulat sa akin. "P...po?"tpid na turan. "Bibigyan kita ng mag-aalalay sayo sa lahat ng gagawin mo. Ituring mo s'yang kaibigan,"wika pa nito at agad tinawag ang babae na kararating lang at naupo sa kabilang mesa. Hindi ko akalaing kilala pala iyon ni Ma'am Amanda. Lumapit ang babae at nagpakilala. "Hi! Ako si Ani,"baling agad nito sa akin. "Ani, Ikaw na bahala sa kaniya, dalhhin mo sila sa Xander at doon mo sila patirahin sa unit ko. Bihisan mo s'ya at pagandahin mo ngayon,"wika nito. "Alam mo na kung saan mo s'ya dadalhin at samahan mo s'ya" mahaba pang dugtong nito sa babaeng si Ani. "Yes, madam","turan ni Ani. Tumayo si ma'am Amanda at nagpaalam sa amin, nagpasalamat ulit ako rito hanggang sa nakaalis na ito. Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng si Ani. "So, pagtapos n'yo d'yan ay isasama ko na kayo sa condo"nakangiting baling nito at mahina akong tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD