Tinignan ko na ang laman ng ref niya para magahnap ng mga pwedeng iluto sakaniya. Merong itlog doon at hotdog. Wala naman ng iba kaya naman ito nalang ang inilabas ko para makapag-luto na. PEro akala ko lang iyon dahil lahat yata ng gamit niya sa kusina ay ansa lababo pa kaya naman hinugasan ko pa iyon lahat. Siya naman ay pinagmamasdan lang ako, at sa tuwing mapapatingin ako sakaniya ay nakangisi lang siya kaya naman iniirapan ko lang siya.
"Sungit mo naman." sabi niya.
" Huwag ka nalang nga magsalita diyan." Sabi ko sakaniya. Nagsimula akong magprito doon nang makapag hugas ako ng mga kasangkapan niya. Napakadaming linisin ni Adam dito kaya kailangan niya ipalinis itong unit niya!
Habang naghihintay maluto ay humarap ako sakaniya. Nagulat naman siya sa biglaan kong pagharap sakaniya.
"Hanggang kailan ko ba ito gagawin para mabayaran yung shirt mo?" direkta kong tanong sakaniya. Umayos siya ng upo sa stool na inuupuan niya.
"Hanggang gusto ko." simple niyang sagot. Natawa nalang ako ng bahagya sa kayabang neto. LAkas pala ng tama nito sa utak.
"Magkano ba yang ipinnagmamalaki mong shirt?" tanong kong sakaniya. Gusto ko nalang iyon bayaran sakaniya para hindi ko na siya kailangan pang gawan ng pabor palagi.
"Gusto mo talaga malaman? nasa 80,000 yung damit kong tinapunan mo ng juice. At hindi lang basta iyon, galing pa iyon ng Italy." mayabang niyang sagot sakin sabay ngisi saakin. Nagulat naman ako sa presyong inilahad niya saakin. Kaya kong bayaran iyon pero paniguradong magtataka si Daddy doon.
"Grabe naman yan! May ginto bang kasama yan at sobrang mahal?" pagtatanong ko sakaniya. Natawa siya ng malakas. As in malakas, na parang ipinamumukha saakin na mahirap ako. Bwisit to.
"You're funny. It looks like you're not aware of designer clothes, huh? Knowing na yung kakambal mo puro designer clothes ang sinusuot." Sabi niya. Napatahimik naman ako sa sinabi niya dhail totoong wala akong alam sa designer clothes. Aware ako sa brands pero hindi ko alam yon until makita ko yung tag sa likod ng mga damit.
Totoo rin naman na isa si Jewel sa mga popular girl sa school dahil sa way ng pananamit nito. Fashionista talaga kaya nga siguro siya ang president ng art fashion club sa school namin na pagmamay-ari nila Adam. Napalingon anlang ako sa nilulutop ko atsak aiyon itinuloy na lutuin.
"I hope you're not offended although totoo naman iyon. May I ask bakit?" usisa naman niya. Gusto ko siyang pasakan nalang ng basahan sa bibig para hindi na magsalita pa.
"Hindi ko alam. Gusto ko yung ganito lang." simple kong sagot sakaniya. I know he is not convinced dahil nagtanogn pa siya.
"I don't think so. Hindi naman totoo yung rumors sa school na hindi kayo talaga related kasi halata namang kambal talaga kayo. Siguro hindi ka favorite sainyo" out of nowhere niyang sabi. Hindi ko siya nilingon pero napahinto ako sa hli niyang sinabi.
Aware ako doon at matagal ko na iyon iniisip na hindi ako ang favorite ni Dad. Simula nang mawala si Mommy, hindi na ako napansin ni Daddy. Kaya lahat ng magagandang gamit, kay Jewel napupunta at kapag naman umuuwi si dad galing abroad ay laging sil Jewel at Kuya ang may pasalubogn sakaniya. KAaya nga sigurop I matured early dahil ayokong makita ni daddy na naiinggit ako. Gusto ko pakita lagi sakaniya na ayos lamng sakin kung wala ako ng mga materyal na bagay, basta meron parin akong pamilya, basta nandiyan si Dad.
"Let's say na opposite talaga ang mga kambal. Hindi lahat ng gusto niya ay gusto ko rin." simpleng sagot ko sakaniya. MAbuti namana y tumigil an siya. Hinango ko na ang itlog at hotdog atsaka naman ako nagsandok ng kanin. Inilapag ko na iyon sa lamesa.
"Kumain ka na. Alis na ako." Sbai ko atsaka kinuha na agad ang bag ko. Akmang aalis na ako nang pinigilan niya ako.
"Upo ka muna. Pag-usapan natin yung rules at pano mo ko mababayaran." Sabi niya at matagal ko siyang tinginan bago ako umupo sa may tapat niya.
"SImple lang ang gagawin mo. Tulungan mo kong maging kami ng kapatid mo." diretsa niyang sabi. Gusto kong mapasigaw ng "Ano?" sakaniya pero pinigilan ko.
"Bakit ako? Pareho kayong kialla sa school kaya hindi ka mahihirapan lapitan yon." sabi ko naman sakaniya.
"Alam ko. Pero alam naman natin kung sino ang boyfriend ng kapatid mo ngayon, hindi ba?"
Bigla naman nag pop-up sa utak ko ang nakita ko kagabi na kahalikan ni Jewel. Si Maxx iyon na isa ring kilala sa school dahil MVP lagi sa Basketball.
"Hindi mo ba kakclose si Maxx?" Usisa ko. Umiling naman siya. Gusto ko san amagtanong kung bakit pero nagsalitya siya kaagad.
" Tulungan mo kong masulot si Jewel kay Maxx. Kapag naging kami ni Jewel, we're good. Hindi na kita guguluhin kahit kailan. Just set me a date with her kahit mga tatlong beses lang then we're all quits." simpleng sabi niya. Akala mo naman napakadali nang hinihiling niya saakin. Hindi naman kami nag0uusap ni Jewel at halos puro pagtataray lang naman ang sinasbai non saakin. MAlabong magawa ko ito. Alam ko iyon sa sarili ko.
"Paano kapag hindi ko nagawa?" tanong ko na rin sakaniya.
"You'll pay for the price. At sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan." mayabang naman siyang sabi.
"Ang yabang mo naman!"
"I know you'll help me. I know your Dad. Engineer Victor Villareal, right?" nagulat ako na kialal niya si Daddy. Kaya naman sa gulat ko ay napaayos ako ng upo.
"Teka, pano mo nakilala si Daddy?"
"My dad is an Engineer too. Hindi na imporatante pa ang ibang detalye pano ko nakilala ang daddy mo. Ang importante dito, kapag hindi mo nagawa nag pinapagawa ko, ill talk to your dad at sasabihin ko saknaiyang may utang ka saakin. Nakakahiya iyon kung malalaman ng Daddy mo." He sounds like he is blackmailing me. Natahimik nalang ako at naisip kong mapapahiya ko si Dad kapag nalaman niya iyon. Wala akong lusot kung hindi ang sundin itong bwisit na Adam na ito.
"You only have a month to do that. Hindi lang pala iyon ang gagawin mo, every morning you'll cook for me, kasama na ang dinner and you'll also do my chores" sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama atsaka tumayo na para lumabas sa condo niya. Buti naman ay hindi na niya ako pinigilan kaya naman bumaba na ako ng condo niya. PAgtingin ko sa relo ko ay 8:04 na pala. Sumakay na ako ng taxi atsaka nagpahatid sa school.
Ngayon lang nagsink in saakin ang katotoohanang gagawin niya akong tulay para sa mga gusto niya at intensyon kay Jewel at hindi lang iyon, gagawin rin niya akong katulong! For Pete's sake, guysto ko lang ng simpleng buhay. Bakit ba kasi ang tanga tanaga ko na sa lahat ng pwedeng tapunan ng juice ay si Adam pa. Napakatanga ko!
Kaya mo to, Michelle. Isang buwan lang naman. Isang buwan lang ikaw maghihirap at pakikisamahan si Jewel at Adam. After non, babalik na ulit sa normal, okay? Matagal ko pang pinakalma ang sarili ko sa mga napagusapan namin ni Adam. Hanggang sa marating ko ang school ay iniisip ko parin paano ko kakausapin si Jewel.
Pagpasok ko sa classroom ay una ko pang nakita ay si Jewel habang kalandian si Maxx. Nakita niya akong duamting pumasok ng room at hindi naman din nagtagal ay inalis na rin niya ang tingin niya saakin. Umupo na ako sa may likuran atsaka ko naalala yung librong hihiramin ko sa library. Akmang tatayo na ako nang biglang duamting ang prof namin. Hay, malamang ay wala na din doon ang librong kailangan ko.
Hindi na ako nakaalis pa sa pwesto ko dahil nagsimula na rin magturo ang prof namin. NApansin kong hindi umattend ng klase si Adam at malamang ay mamaya nanaman iyon papasok. Teka, bakit ko ba siya iniintindi? MAs okay nga wala siya dito para hindi ako naiimbyerna sakaniya. Inalis ko na muna sa isip ko ang lahat atsaka ako nakinig na sa prof namin. tatlong oras ang nakalipas at mabuti nalang ay natapos na rin ang klase. Lunch break na namin.
"Mich, kain tayo sa canteen.' Aya saakin ni Min. Inilagay ko na ang gamit ko sa bag ko atsaka naman ako napaisip kung sasama ba ako. Nabawasan kasi yung allowance ko dahil nagcommute ako papunta dito. Kpaag kumain ako sa canteen ay paniguradong hindi na aabot ang pera ko hanggang sa susunod na linggo.
"Hindi pa ako nagugutom. Pupunta muna akong library para kunin yung librong kailangan ko sa indiividual experiment natin." Sabi ko kay Min. Napatingin anman siya saakin na parang nagtataka.
"Yung book ba natin sa Chemistry?" tanong niya. Nahihiya akong tumawa sakaniya atsaka tumango.
"Hindi ka ba bumili ng book?" tanong ni Min saakin.
"Ano kasi, nahihiya ako kay Dad humingi ng pambili. Pero baka next week mabili ko na yon, nagiipon lang ako." sabi ko naman sakaniya. Buti nalang talaga ay may kaibigana kong nasasabihan. Lahat naman saakin ay alam ni Min.
"Bakit hindi mo agad sinabi? May extra ako dito pwede kitang pahiramin." sabi niya saakina t akmang kukuha sya sa wallet niya ng pigilan ko siya.
"Huy ano ka ba, Min. Okay lang. May choice pa naman ako kaya wag ka mag-alala sakin." sbai ko saknaiya. Nahihiya na rin kasi ako sa bestfriend ko kasi lagi niya kao sinesave kapag may ganitong problema ako.
"Alam mo, ikaw lang yung mayaman na kakilala ko na ganiyan. Ang yaman ng pamilya niyo tapos sobrang tipid mo. Ibang iba ka talaga sa kambal mo no?" sabi ni Min. Tumawa nalang ako sakaniya.
"Alam mo naman kung bakit, Min." sabi ko sakaniya. NAgsimual kaming maglakad palabas ng room.
"Hanggang ngayon ba naman ay guilty ka parin? Ilang taon na din ang lumipas, Michelle. Patawarin mo na ang sarili mo.' Sabi ni Min. Tinutukoy niya ang pagkawala ni Mommy. Ngumiti lang ako sakaniya atsinabi kong okay naman na ako.
"Okay naman na ako, Min.Pero alam ko naman sa sarili ko na mahirap na lapitan ngayon si Daddy simula noon kaya kailangan ko talaga mag-sikap muna. Every month naman may allowance ako." sabi ko kay Min.
"Pero alam rin natin na hindi sumasapat yung allowance na yan. ang mahal kaya dito sa school."
"Management lang yan, Min. Kaya ko to. Tiwala lang."
"Osige, basta sabihin mo lang sakin kapag need mo ng pera ha? Nandito lang ako, nagiintay sa mga kailangan mo. Una na muna ako sa canteen ha, nagugutom na rin kasi ako." Sabi ni Min atsaka ako tumango sakaniya. Naghiwalay na kami ng daan. Bumaba na siay at ako naman ay umakyat sa Library.
Pagdating ko sa Library ay agad kogn hinanapo yugn libro naminsa Chemistry na gagamitin ko sa experiment namin. At tama ako, wala na nga doon. Hiniram aniyon panigurado ng ilang schoalrs. Hindi ko afford bumili ng libro ngayon kaya naman nagspend nalang ako ng oras sa pagbrowse sa internet para humanap ng pdf.
Isang oras ang lunch namin kaya dito ko na sa library inubos iyon. Nag-aral lang ako ng sususnod namin subejct. Laging ganito ang ginagawa ko kapag hindi ako naglulunch at kapag ayaw ko talaga gumastos. Hindi kalayuan ay nakita kong nasa kabilang table si Adam at hawak niya ang libro ng Chemistry! Aba, imposibleng wala siyang sariling libro ng Chemistry! Agad ko siyang nilapitan. Parang hindi naman siya nagulat sa presensya ko dahil tuloy lang siya sa pagabbasa kunwari.
"Property ba ng library yung book na yan?" mahina kong tanong. MAy ilang estudyante ang tumitingin saamin dahil alam naman natin na popular si Adam dito sa school at isa lang naman akong ordinary/nerd.
"Obvious ba?" sagot naman niya saakin.
"Imposibleng wala kang sariling libro ng Chem,istry. PWede bang sakin nalang mo ipahiram yan?" sabi ko sakaniya. Hindi iyon rude, sinadya kong magign tono na nangangailangan para ibigay niya saakin kaagad.
"Gagamitin ko rin itong librong ito." sabi niya. Hindi siya tumitingin sakin, kunwari pa itong nagbabasa. Napaka plastik talaga.
"Please, Adam. Wala talaga akong libro ng Chemistry." Sabi ko sakaniya. Tumingin siya saakin atsakan naman isinara ang libro.
"Okay, Sige. Sayo na to" sabi niya at napangiti ako. Akmang kukuhanin ko na ng bawiin ng kamay niya iyon at nagsalita.
"Pero sa isang kondisyon muna."
"A-ano yon?" tanong ko sakaniya. Nakakainis, lagi nalang kailang ng kapalit nitong kumag na to
"Gawin mo rin yung expoperiment research ko sa Chemistry natin." sabay ngiti. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang bisyo naman nito.
"Grabe ka na, Adam ha. angg dami mo na pinapagawa sakin." sabi ko sakaniya pero hininaan ko lang ang boses ko para walang makaalam,
"Okay, bumili ka nalang ng book." kaswal niyang sabi. napapikit nalang ako sa sinabi niya atsak napabuntong hinga sa inis sakaniya.
"Okay, fine. Amin na na yung book. Deal na." sabi ko. Mabilis naman niyang iniabot ang libro saakin at ngumisi. Inirapan ko naman siya atysaka ako umalis na.
Pagbalik ko sa room ay sakto namang pagdating ng professor namin. Nakita ko si Min an nakabalik na sa upuan. Pag-upo ko ay iniabot sakin ni Min ang isang Sandwich atsaka isang Bottled Juice. Nagtataka ako kung bakit niya iyon iniabot saakin.
"Kumain ka na. Alam ko kung bakit ka ganyan." Sabi niya saka ngumiti saakin. Ngumiti naman ako sakaniya atsaka nagpasalamat. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Min, alam na alam na niya talaga yung mga bagay na hindi ko kayang sabihin sakaniya. Mabuti anlang ay pwede kumain sa klase kaya habang nakikinig ay kumakagat ako sa tinapay na bigay ni Min. Hindi ko napansin na gutom na pala ako. Sa mga susunod na araw ay baka magbaon na ako gn pagkain apra mas makatipid ako. Isa pa, buti rin ay walang pasok bukas, makakpagsimula na ako sa experiement research.
"Gusto mo gawa tayo sa bahay bukas ng Chemistry?" tanong ni Min saakin.
"Okay lang din. Pero may libro naman na din ako nakakuha ako sa library kanina." sabi ko.
"Buti umabot ka pa sa book n ayan. Ang dami nagahahanap niyan kanina dito sbai nila wala na." pagkuwkento niya.
"Baka hindi lang nila nakita kanina." sabi ko atsak aawkward na tumawa. AYoko naman na rin kasi sabihin pa kay Min yung deal namin ni Adam dahil paniguradong may sasabihin ito. Sa susunod ko nalang siguro sasabihin sakaniya.
Natapos na ang kalse at wala na kaming susunod na klase pa. Dating gawi ay umuwi na si Min dahil sususnduin siya ng driver nila. Ako naman ay sumunod na sa may meeting place ng photography org na sinalihan ko. Pagdating ko sa 2nd floor, room 25 ay wala pang tao kahit 10 minutes nalang ay magmemeeting na. Pumasok aprin ako doon atsaka ako naupo sa bandang dulo.
Ibinaba ko ang bag ko atsaka ko atsaka ako naghinaty muna na may dumating. Hanggang sa lkumipas pa ilang minuto ay walang dumarating na ka-org ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako kakaintay sa mga ka-org ko. Madilim na sa labas at ang ilaw lamang sa labas ang liwanag na meron sa room. Nakaramdam ako ng takot kaya agad akong tumayo ay kinuha ang bag ko at lumapit na sa may pintuan. Pero nakalock na ito. Mas kinabahan ako.
"Kuya Guard, tulong po!" sigaw ko.
Tinry ko buksan ang pinto pero ayaw talaga. Kahit yung isang pintuan ay ayaw din mabuksan na. Dahil madimim na rin siguro ay hindi na napansin na may tao pa dito. Kinakabahan ako dahil madilim na at ayoko pa naman ng madilim at tahimik. Natatakot ako. Nagtry ako tumawag pero wala na pala akong laod. Sumigaw nalamang ako para may makarinig saakin pero wala talaga. Pinipigilan kong umiyak kahit nabubuo at nababalot na ng takot ang pagkatao ko.
"Tulungan niyo po ako."
Nagtry ako magreach out sa mga taong kakilala ko maski sa mga ka-org ko pero walang sumasagot saakin. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba na baka may kung ano akong makita dito. Natatakot ako. Napaupo nalang ako sa sahig na hawak ang phone ko. Hinihiling ko nalang na may tumawag saakin para makahingi ako ng tulong.
Naiyak nalamang ako hindi lang dahil sa natatakot ako pero alam kong dahil kinakabahan ako. Gusto ko nalang maka-uwi. Bakit ba napaka-malas ko ngayong araw. Lahat yata ng kamalasan ngayong araw ay sinalo ko na. Hindi ba pwedeng maging swerte namana ko akhit ngayon lang. Napalakas ang iyak ko dahil hindi ko na alam ano gagawin ko para makalabas pa rito. Malamang ay bukas na ako makakalabas.
Natigil ako ng iyak nang may narinig akong yapak sa labas. Tumayo ako agad atsaka ako humingi ng tulong.
"Tulong! May tao po dito." buong lakas kong isinigaw iyon para lang sure na maringi ako. Ilang ulit pang sigaw nang marinig kong binubuksan na ang pointuan. May kung anong galak akong naramdamanan doon at pagbukas noon ay bigla kong niyakap ang taong iyon. Wala akong pakialam kugn sino man ito pero sobrang pasasalamat ko nalang na narinig niya ako.
Pag-alis ko ng yakap ay tinginan ko kung sino ito at laging gualt ko nang makita ko si....Adam.