Kabanata 11

1634 Words
Flashback... Nagising ako ng maaga  dahil balak kong pumasok agad para makahirap ng libro sa library dahil yung hihiramin kong libro ay maraming gagamit kaya mas okay sana kung mauuna akong humiram non. Pwede ko naman iyon hanapin nalang sa bookstore malapit sa school pero nasasayangan ako sa pera kong hinihingi kay Dad. Kaya mas pinipili ko palagi ang mag-tipid. Inayos ko na kaagad ang higaan ko atsaka dumiretsop sa banyo para makaligo. Ilang minuto lang ay natapos na rin akong maligo kaya naman nagbihis na ako ng uniform ko. Wash day namin ngayon sa scool kaya naman nag denim na pants nalang ako atsaka ako nag tshirt ng org ng photography na sinalihan ko. Iyon lang atsaka ako nag doll shoes. Sinuklay ko lang ang buhok at natapos ko iyon ng 6:30 am palang. 9am pa ang pasok ko kaya naman bumaba ako para makapag-umagahan.  Nadatnan ko si Nanay Elena sa baba na nag-aayos nang pagkain. Si Jewel ang nadatnan ko roon, malamang ay umalis na ng maaga si Daddy. Nagkasalubong ang mga mata namin at una naman siyang umiwas ng tingin. Siguro ay alam nya na nakita ko ang klaganapan niya kagabi. Umupo ako sa kabilang side ng lamesa kaya naging magkaharapan kami. Hindi ko siya tinitignan dahil baka awkward siya saakin. Ang sakin lang naman ay wala naman akong ikikibo sakaniya dahil alam kong alam na niya ang ginagawa niya.  "Good morning, Michelle. Ito yung kape mo, 'nak." bati saakin ni Nanay Elena. Nginitian ko siya atsaka ako nagpasalamat. Si Nanay Elena ay matagal na saamin nagkakasambahay. Halos lahat ng gusto at ayaw namin ay alam na alam na niya dahil mga bata palang kami, kasama na namin siya. Lalo na ni Kuya, sila ni Nanay Elena ang laging magkasama pero simula nang mag-abroad si Kuya para mag-aral ng business ay kami na ni Jewel ang antutukan ni Nanay Elena.  "Salamat po, Nanay. Kain na rin po kayo." Aya ko sakaniya. Tumanggi naman siyang sumabay saakin dahil sabi niya ay kaka-kape lang din  niya kaya medyo busog pa raw siya. May nakahain na itlog, hotdog, kanin, bacon at pancake sa lamesa. Kumuha ako ng kaunting kanin at ilang ulam na nakahanda sa lamesa atsak nag simulang kumain. Bahagya kong sinilip si Jewel at kumakain rin siya pero patigil tigil dahil may ka-text ito sa cellphone. Binalewala nalang niya iyon at kumain lang dahil papasojk na rin siya maya maya. Nagcheck lang ako ng ilang group chat sa f*******: para maging updated parin ako sa mga kailangan kong gawin ngayong araw. Mayroon pala kaming meeting ng org mamaya kaya late pala ako makakauwi. Akala ko pa naman ay maaga ako makakauwi ng bahay dahil hanggang 3pm lang ang klase ko. Inexit ko na ang f*******: app sa Ipad ko at bigla kong nabasa ang isa sa notes na nandoon. "make breakfast tomorrow. Salvatore Residences. Room 612" Napamura ako bigla sa isipan ko. Oo nga pala! Out of way pa naman sa school itong Salavatore Residences na sinasabi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyon sa pinakakilalang condo sa QC. At sobra pa traffic doon.  Wala sa sarili akong napabuntong hininga. Napatingin naman saakin si Jewel. "Will you please stop doing that? It's so annoying!" Sabi niya sabay irap saakin. Nag-sorry nalang ako atsaka naman nag-isip. Buti nalang pala ay 9am pa ang pasok ko. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 6:48 na rin pala. Tinapos ko na ang [agkain ko atsaka naman nagdesisyon na tumayo na para makaalis na. Nagpa-hatid nalang ako sa driver namin para hindi hassle. Si Jewel naman ay mamaya pa rin yon papasok dahil nga 9am pa ang talagang pasok namin at may sarili naman siyang sasakyan kaya naman hindi rin siya nahuhuli. "Kuya, sa Salvatore residences po ninyo ako ihatid. Sasabay po ako pumasok sa kaklase ko po." Hindi naman na siya nagtanong kaya naman umalis na rin kami kaagad. Medyo malayo ito sa school kaya naman nagbasa muna ako ng mga lesson anmin nung nakaraan para marefresh ang utak ko. PEro hindi maalis sa isip ko na maaring wala na yung librong hihiramin ko sa library pagdating ko sa school mamaya. Kapag may nauna kasi saakin paniguradong bukas or sa isang araw pa niya iyon maisasauli kaya no choice ako non kung hindi ang mag-cram. Muli nanaman akong napabuntong hininga. Tinignan ko ang wallet ko at nakita kong 2000 nalang ang laman non at mayroon pa akong dalawang linggo para pagkasyahin iyon.  Bakit ba kasi hindi nalang ako manghingi kay Dad? Pero kasi nahihiya ako kay Dad. Last time na nanghingi ako sakaniya noon ay akala nioya ginagamit ko lang pang-gala at pang bili ng mga damit kahit na sa totoo lang ay mahal talaga ang mga bilihin sa school. Ganoon talaga si Dad simula palang Elementary kami pero mulat naman ako sa katotoohanan na saakin lang siya mahigpit sa allowance pero kela Jewel ay lagi siyang nagbibigay kaya nga siguro napagkakamalan ako lagi na hindi anak ni Dad dahil kugn titignan ako ay para lamang akonmg isang ordinaryong ao na may ordinaryong magulang. Wala saakin yon dahil gusto ko naman yung ganito lang, yung tahimik at wala masyadong nakakaalam ng buhay ko. Napapikit nalang ako. Kaya ko pa naman itong pagkasyahin hanggang dalawang linggo. Yung mga cards ko kasi alam ni daddy kapag nagwiwithdraw ako kaya hindi ko rin magalaw ang funds ko. Kaunting tipid lang, Michelle kakasya din ito. "Maa'am, Dito na po tayo." sabi ng Driver kaya at napatingin ako sa bintana at nakita kong ito nga iyon.  "Iintayin ko po ba kayo, Maam?" tanong nito. "Hindi na po. Una na po kayo. Huwag niyo nalang din po sabihin kay Daddy na dito ako nagpahatid. Salamat po." sabi ko at lumabas na ako ng sasakyan. Pumusok ako  doon at bumungad saakin ang napakagandang reception area. Dumiretso ako sa desk atsaka sinabi yung room. Nagulat sila dahil room ni Adam ang sinabi ko. "Excuse me, Ma'am. Kilala po ba kayo ni Sir Adam?" tanong ng isang receptionist at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Nakakinsulto yon ah pero siguro ay mga magaganda talaga at mayayaman tignan ang mga bumibisita kay Adam. "Yes po. Schoolmate po kami. Pinapupunta niya po ako dito." sabi ko sakaniya at ipinakita ang text ni Adam sakanila. Cinonfirm muna nila kung number nga ba iyon ni Adam atsaka naman nila kinontact si Adam. "Good morning, Sir. May inaasahan po ba kayong bisita this morning?" tanoing ng receptionist. Hindi ko naririnig ang sagot ni Adam dahil telephone ito kaya naman naghihintay lang ako matapos ang tawag. "Si Ma'am..." natigil ito at alam kong hinihingi niya nag pangalan ko kaya ipinakita ko nalang ang school ID ko sakaniya. "Si Ma'am Michelle Villareal po. Schoolmate daw po kayo." ilang minuto pa ay natapos rin ang tawag. Ngumiti saakin ang receptionist atsaka naman ibinigay ang susi.  "Ito yung spare key ni Sir Adam. Ibigay daw po namin sainyo. Room 612 po." Tumango naman ako atsaka nagpasalamat. Dumiretso na ako sa elevator atsaka naman pinindot ang pang 6th floor.  Narating ko ang room ni Adam at kumatok muna ako bago pa man pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang maruming unit. Napangiwi nalang ako sa nakita ko dahil sa dami ng kalat doon pati maruruming damit niya ay nakakalat sa sahig. Hindi ko akalaing ganitong klaseng lalaki ang pinagkakaguluha nila sa school.  "Adam?" tawag ko sa pangalan niya. Isinara ko na ang pinto at dahan dahan nilibot ang condo niya. Malaki ito at may magandang view. "Adam?" tawag kong muli. inangat ko ang blinds ng bintana niya para pumasok ang liwanag sa loob pero parang maling desisyon iyon dahil mas nakita ko lalo ang dami ng kalat ng condo niya! Kinuha ko muna ang mga nakakalat na chips sa living area niuya at inilagay iyon sa bar counter malapit doon. Nasaan na ba si Adam? gising naman na siya kanina nung tumawag yung receptionist pero bakit wala parin siya? Teka, bakit ko ba nililinis tong bulok niyang condo? Hindi ko lubos akalain na dahil lang sa natapon kong jusice sa damit niya ay ipapagawa niya ito. "Kadiri naman, bulok na ayaw pang itapon?" sabi ko sa sarili ko habang tinatapos ang bulok na pasta na nasa coffee table niya. sunod kong inipon ay ang marurumi niyang damit na kung saan saan nakasabit. Nakuha ko yung shirt niya sa ilalim ng sofa, sa ibabaw ng tv, sa sahig at sa kung saan saan pa. Hanggang sa may nasilip pa akong damit sa ilalim ng upuan niya pang isa. Dahil malayo iyopn ay yumuko ako para maabot iyon. Sa una ay nahirapan akong abutin iyon kaya naman mas inexrtend ko pa ang katawan ko. Nang maabot ko iyon ay tumayo ako para tignan kugn ano iyon. Nagulat ako dahil brief pala iyon! "Like what you see?" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Hindi ako makakilos dahil hindi ko alam kung haharap ba ako sakaniya nang hawak ang brief niya or itatapon iyon ulit sa sahig. Siya ang umikot sa harap ko ay hinila sa kamay ko ang brief niya. Humakbang siya palapit sakin kaya naman ams kinabahan ako. "A-ano, hindi ko naman s-sinasadya. Nakakalat kasi e." opag eexplain ko sakanya. Ngumisi naman siya saakin. "Hindi mo naman sinabi na crush mo rin pala ako kaya pati brief ko tinitignan mo." mayabang niyang sabi. "Mahiya ka nga sa sinasabi mo." sabi ko sabay irap sakaniya. Itinulak ko siya palayo saakin. " Sa sususnod kasi wag mo ikinakalat yung mga gamit mo para hindi ko itinatabi." sabi ko sakaniya ataska pumunta sa kusina. "Masungit ka pala no? Akala ko aksi tahimik ka lang." pang-aasar niya. Tahimik naman talaga ako sa school pero dahil sa mga sianbi niya nung nakaraan sakin ay naiimbyerna ako sakaniya dahil sobrang yabang niya! *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD