Nang matapos kong gamutin ang sugat niya ay nagpasiya na lamang akong magluto. Tanghali na pala at wala pa siyang pagkain dito.
Sinabi niyang mag-order na lang daw kami pero tumanggi ako, may stock's naman siya dito bakit pa kailangan gumastos?
Kaya hinanda ko na ang mga kakailanganin ko. Habang abala ako sa 'king ginagawa at muling sumagi sa isipan ko ang muntik nang mangyari kanina.
Iba talaga kapag natalo ang sarili mo ng galit at selos.
Parang nawala na si Finley sa kanilang sarili kanina, mabuti na lang talaga ay bigla siyang nauhan at nagpapasalamat ako do'n.
Nagsisisi naman na siya at humingi na rin ng tawad sa kan'yang nagawa. Sapat na sa 'kin 'yon.
"Sweetie, okay ka lang ba d'yan?" Biglang na naman siyang sumulpot sa likuran ko.
'Itong lalaking 'to ang hilig talagang mangulat.'
"Oo malapit na, tawagin na lang kita 'pag luto na 'to para makakain na tayo," ani ko.
Ngunit sumulip siya sa ginagawa ko para makita kung ano ang niluto ko.
"Wow! Ang sarap naman niyan, mukhang mapaparami ang kain ko, ah!
I can't wait na maging asawa na kita, tapos ganito," malambing na sabi ni Finley.
"Hoy Finley! Ayan ka na naman sa mga parinig mo, ha!
Umupo ka na do'n, maghahain na 'ko." Sumunod naman siya habang mahinang natatawa.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at siya naman ay hinintay lang ako na matapos at pinanuod sa mga ginagawa ko.
INang maluto na ay agad na akong naghain, kita ko sa mga mata niya ang paghanga habang nakasunod ang mga mata niya sa aking kilos.
Ako na rin ang naghain sa plato niya, at napapangit pa ang loko. Gustong-gusto.
"Kumain ka na, baka mabaliw ka na diyan! Panay ang ngiti mo, eh," sabi ko da kan'ya.
"Matagal na akong baliw sa 'yo Sweetie, 'di ka pa rin ba kumbinsido?" Sinamaan ko na lamang siya ng tingin dahil nag-uumoisa na naman siya.
Habang kumakain kami ay palihim ko siyang sinulyapan. Sobrang ganado siyang kumain at halatang masaya siya ngayon.
Malayong-malayo sa awra niya kanina.
"Magdahan-dahan ka nga! Baka mabulunan ka," saway ko dahil baka mabulunan siya.
Ngunit ngumisi lang siya sa 'kin at nagtuloy-tuloy lang sa pagsubo.
Hindi na rin ako nagtagal at nagpaalam na akong umuwi, pinunit niya ang damit ko kanina kaya pinabilhan niya ako sa secretary niya.
Nahiya ako bigla dahil baka kung ano ang isipin nito kung bakit ako pinabilhan ng damit ng boss niya.
Ang ending ay siya na rin naman ang nag-prisintang maghatid sa 'kin pauwi.
Ayaw ko na sana dahil baka mahirapan lang siya, namamaga pa kasi ang kamay nito sumabalit mapilit, kung kaya't wala na akong nagawa pa.
Tahimik lamang kami sa biyahe, ngunit nagtaka ako dahil tumigil siya sa tapat ng isang flower shop.
Maya-maya lang ay inabot ng lalaki ang napakagandang Bouque of red roses.
"For you, Sweetie." Binigay niya agad ito sa 'kin kaya tinanggap ko naman ito agad.
"Wow! Thank you, ang ganda," pasasalamat ko sa kan'ya at inamoy-amoy ko 'yon,
napakabango.
"Of course! I'm sorry kung tinapon ko sa basurahan 'yong ibibigay ko dapat sa 'yo no'ng nakaraan, kaya ayan pinalitan ko nang mas maganda, kasing ganda mo," hindi ko ko itatangging minsan ay kinikilig na rin ako sa mga banat niya, eh.
Pero sapat na ba 'yon upang bigyan ko siya ng chance?
Nang makarating kami ay hindi na siya bumaba pa ng kot'se. Nang lingunin ko siya ay nag tahimik na niya bigla kaya Nagtaka ako.
"Hoy! Ang tahimik mo diyan bigla ah, may problema ba?" tanong ko sa kan'ya.
"A-ah, wala naman." Ngunit tipid lang siyang ngumiti.
"Okay, sige baba na 'ko. Ingat ka ha! 'Yong kamay mo pa-check mo 'yan agad," bilin ko sa kan'ya.
Pababa na 'ko ngunit muli siyang nagsalita.
"S-sweetie," tawag niya kaya lumingon ako.
"Oh?"
"I'm leaving," anito.
'Tss. Obvious naman na, kaya nga hindi siya bumaba.'
"Kaya nga binilin ko pang 'wag mong kalimutan 'yang kamay mo na ipa-check-up 'di ba?" sabi ko pa.
"Ah, yeah!
Okay, I have to go." Tuluyan na siyang nagpaalam at umalis.
Nang makapasok na ako sa bahay ay nando'n si Jaica nanunuod ng Tv tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, marahil nagtataka siya kung bakit iba na ang suot ko.
"Oh! Akala ko hindi ka pa uuwi, eh!" Nanunuksong ngiti ang ibinigay nito sa 'kin.
"Sira! Bakit naman aber?"
"Wala lang, baka naisipan niyo lang mag-enjoy. Usap-usap, gano'n,'' aniya.
Hindi na ako nakipagtalo dahil lalo niya lang akong aasarin.
"Ewan ko sa 'yo!" Tinawanan lang ako nito.
Mahigit isang buwan na ako dito sa Palawan pero pakiramdam ko ay kahapon lang ako dito dumating, parang mabilis ng araw.
Next week pala ay 2 months na ako dito, gano'n na din ako katagal na Nililigawan ni Finley.
Kapag naiisip ko ang nangyari kanina ay nanlalambot ako, parang nararamdaman o pa rin ang mga paghalik niya sa 'kin.
Ang mga haplos niya sa balat ko at ang at sa dibdib ko.
'Oh my god! Muntik na talaga ako kanina.'
Hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yon sa 'kin, hinding-hindi. Napatawad ko na siya ngunit kailangan kong dumistansiya,
Hindi ko naman sinabing hindi ko siya papansinin, pero hindi ako makipag-close gaano sa kan'ya.
Hindi ko pa naman sa alam sa ngayon kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kan'ya.
Minsan kasi okay, pero madalas ay hindi.
Nakakalito.
Naniniwala akong mabait naman siyang tao, nakita ko 'yon kahit na sinusupladahan ko siya.
Magalang rin siya lalo na kina tita Janice at sa mga taga rito, nakikihabobilo siya at hindi maarte.
Sa ngayon ay kailangan ko pa siyang mas kilalanin, ayaw ko nang padalos-dalos at magpadala sa mga pinapakita niyang pagkagusto sa 'kin.
Lahat ng lalaki ay kayang gawin 'yon sa kung sino ma'ng babae.
Malay ko ba'ng pakita niya lang 'yon para makuha ako.
Pero marami namang babae na mas nagkakandarapa sa kan'ya, isa na si Bianca. Bakit hindi niya bigyan ng chance?
Hindi 'yong ako ang kinukulit niya palagi.
'Aysstt...bahala na nga! tingnan ko na lang kung saan ba talaga aabot 'to!
kung seryoso talaga,ang mokong na 'yon!'