Chapter 15

1006 Words
~Shantal~ Takot na takot na ako! Hindi ko siya kaya! Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila hindi niya ako naririnig. 'Gano'n na ba talaga siya kagalit?' Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang, pinaasa ko lang siya at pinaglaruan ko ang damdamin niya! Wala na raw akong alam gawin kun 'di ang saktan siya. Sinampal ko rin siya nang malakas dahil nabigla ako sa ginawa niyang paghalik sa 'kin. Parang hindi na siya ang Finley na nakilala ko! Ang malambing at sinasabing takot siya kapag nagagalit na 'ko! Sa ngayon ay sarado na talaga ang isip niya, ang utak niya. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatigil. Napunit na niya ang bistida ko! Nahawakan na niya ang dibdib ko! Halos mawalan na talaga ako nang pag-asa. Kaya wala na akong nagawa kun 'di ang paulit-ulit na nagmamakaawa sa kan'ya. Itigil na niya ang anumang binabalak niya sa 'kin, sobrang takot na takot na ako. Paano ko ba siya pakikiusapan na ganitong sarado ang isip niya. Humihikbi na talaga ako at nahihirapan na ring huminga. "F-finley...m-maawa k-ka, p-please. N-natatakot n-na 'k-ko!" Huminga ako nang malalim. "S-sayo!" dugtong ko pa. Do'n ay natigilan na siya, alam ko nang natauhan na siya kahit papaano. hiwawalay siya sa 'kin at parang 'yong oras pa lang niya ako no'n pinagmasdan. Bakas sa kan'ya ang pagkabigla, pangangamba at takot. Hindi siguro siya makapaniwalang nagawa niya ang mga bagay na 'yon! Pinasadahan niya ako ng tingin at napasabunot siya bigla sa ulo niya. Kahit siya ay shock sa sarili niya. Nanginginig ako sa takot, nang tumingin siya sa 'kin ay tila gusto niya akong lamipatan na, ewan. "S-SHANTAL! G-GOD I-IM S-SO, S-SORRY! H-HINDI K-KO S-SINASAD'YA!" pagsisisi niya sa nagawa. "S-SWEETIE… I AM REALLY S-SORRY!" Umiiyak na rin siya at paulit-ulit na minumura ang sarili. Bigla siyang pumasok sa washroom at do'n ko narinig ang mga kalabog. Maharahil ay pinagsusuntok na niya ang pader. Maging ang salamin ay narinig kong nabasag na! Do'n siya nagwala sa loob. Hindi ko siya siguro dapat sisihin, nadaig lang siya nang matinding galit, at selos. Kitang-kita ko naman ang pagsisisi sa kan'ya. Kaya nang nahimasmasan na ako ay kumuha ako sa closet niya ng T-shirt, nangialam na ako at sinuot ko 'yon. Agad ko siyang pinuntahan sa washroom, at gano'n na lang ang gulat ko nang maraming dugo ang nagkalat sa lapag. Galing 'yon sa kamao niya. Tama nga ang hinala ko kanina, pinagsusuntok niya nga ang pader. "Finley!" Agad ko siyang dinaluhan. Hindi siya tumigin sa 'kin, o hindi niya magawang tumitig sa 'kin dahil nagi-guity siya. "Finley! Enough...hindi ako galit, hindi na 'ko galit." Hinawakan ko ang mukha niyang napakakinis at pinaharap siya sa 'kin. "Look at me. Hmmn?" ani ko sa kan'ya. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya. "Sorry Shantal! Ang sama-sama kong tao! Kung gusto mo akong kasuhan o ipakulong 'wag kang mag-alala, ako na mismo ang sumuko sa mga police," sabi niya. Parang naantig naman ako sa sinabi niya. Talagang grabe ang pagsisisi niya. "Shhhhhhh! Halika na do'n sa labas gamutin na muna natin 'yang mga sugat mo, at pagkatapos ay mag-uusap na tayo, okay?" Hinila ko na siya patayo. Mabuti at sumunod naman siya sa 'kin. Tinuro niya sa 'kin ang medicine kit kung saan nakalagay. Dahan-hahan kong nilinisan ang mga sugat niya at magang-maga rin ang ang kamao niya. "Dapat ay ipa-check mo 'yan. Baka may nabaling buto ka na!" sabi ko sa, kan'ya. Nag matapos ko nang gamutin ang kamay niya ay pareho na kaming umupo sa sala. "Okay, ikaw na muna ang sabi at magtanong kung anong gusto mong malaman at sasagutin ko," ani ko sa kan'ya. Bumuntong-hininga man siya agad. "Dumating naman talaga ako, Sweetie. Ang saya ko pa nga kasi, alam kong magugustuhan mo ang mga bulaklak na dala ko, eh." Nakanguso niyang sabi. Ngayon bumalik na ang Finley na kilala ko. Nakinig lang muna ako sa kan'ya. "Kaso, nang makita ko na may kausap kang lalaki, tapos med'yo guwapo rin naman, pero mas guwapo pa rin naman ako." 'Grabe naisingit niya na naman talaga 'yon!' "Tapos masaya kang kausap siya, ang ganda pa nang ngiti mo sa kan'ya. Pero sa 'kin ay hindi mo nga 'yon nagawa dati. Pero bakit sa lalaking 'yon ang dali-dali niya lang na napangiti ka," malungkot talaga siya dahil do'n. "Kaya ayon! Nagalit ako at sa sobrang selos ko ay nagawa ko ang kademoniyohan ko kanina sa 'yo!" magsisisi talaga siya. "Ako naman ngayon ang magpapaliwag na ayaw mo 'kong pakinggan kanina," sabi ko sa kan'ya. "Hinihintay nga kita no'n kasi sabi mo darating ka! Kinakapatid ni Jaica 'yong nakita mong kausap ko! At kaya ako tawang-tawang sa kan'ya kasi ang kulit niyang bakla, napaka kuwela niya. Kaya gano'n na lang ako makatawa!" saad ko sa kan'ya na kinagulat niya ulit. "WHAT?! Bulalas niya kaya napangiwi naman ako. "Bakla ang gagong 'yon! Pinagselosan ko? OH MY GOD, Sweetie. Muntik na kitang magawan nang masama nang dahil do'n!" hindi siya makapaniwala. "I'm sorry Shantal, patawarin mo 'ko. Please," nakailang sabi na ba siya niyan? "Okay, kalimutan na natin 'yon! Basta 'wag mo nang uulitin. Nakadalawa kana!" Banta ko sa kan'ya. "Promise, Sweetie. I love you!" Natameme naman ako sa sinabi niya. Hindi ko pa alam sa ngayon kung ano nga ba talaga siya para sa 'kin. Basta hindi na 'ko galit. Grabe siya kung magselos, akala ko ay matutuloy ang gagawin niya sana sa 'kin kung nagkataon hindi alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung mapapatawad ko pa siya. Pero ngayon, hindi ko alam. Kaag tinititigan ko siya ay parang sinasabi ng puso kong kailangan ko siyang pagbigyan pa. Hindi ko o maintindihan, dapat 'di ba ay galit ako? "It's okay, kung hindi mo man nasagot. Basta alam mo na mahal talaga kita, at hindi mauulit ang nagawa ko sa 'yo. Unless kung gusto mo!" Hinampas ko siya at sinamaan nang tingin. Ayan na naman siya, kahit kailan talaga! "Ow! Sorry, sorry. Joke lang naman, Sweetie. Pero puwede rin seryosohin," dagdag pa niya. Do'n na 'ko napasigaw sa inis! "FINLEEEYYYYY!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD