Sa buong buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Ang bilis-bilis din nang pintig ng kaniyang puso, bukod pa ro'n ay pinagpapawisan din siya ng malapot.
Jusko hindi pa 'to ang interview ah, pero halos maihi na siya sa labis na kaba.
Agad niyang pinunasan ang mga butil ng pawis na namumuo sa aking ilong. Ganito talaga siya pag kinakabahan, namamawis ang ilong—at sabi rin ng iba, siya raw ay selosa.
Huminga siya ng malalim at nakangiting lumapit sa nakatayong guard sa bungad ng mall.
"Magandang umaga po kuya," Nakangiti niyang bati rito.
Ngumiti naman ito at tiningnan siya mula paa hanggang ulo.
"Magandang umaga rin bata, kasama mo ba nanay mo?" masayang tanong nito, na siyang kinakulo naman ng kaniyang dugo.
Ano raw? Bata?
Kalma lang Savana...Kalma.
Huminga siya ng malalim at inilabas ang mga dokumentong dala-dala.
Ito na naman tayo.
Napagkamalan na naman siyang bata.
"Mag a-apply po ako ng trabaho kuya guard," Seryosong ani niya na siyang kina-tawa naman nito.
Napailing ito nang dahil sa kaniyang sinabi at kalauna'y hunagikhik na.
"Masyado ka pang bata para mag-trabaho, baka makasuhan pa ang mall kapag tinanggap ka rito." tumatawang saad nito.
At talaga namang unti-unti ng nauubos ang pasensya niya.
"Hindi na nga ho kasi ako bata!" Singhal niya. "Tingnan niyo po kasi ang mga dokumentong dala ko na nagpapatunay na hindi na ako bata!" nanggagalaiting dugtong niya pa.
Agad naman itong tumalima, at tiningnan ang mga dokumentong kaniyang pinapakita.
Halos makailang ulit din itong pabalik-balik ng tingin sa dokumentong dala niya, pabalik sa kaniya.
"Naniniwala kana ho ba?" taas kilay niyang tanong dito, na siyang kina-tango naman nito.
"Oo," tipid at hindi makapaniwala nitong turan, at tuloyan na siyang pinapasok sa loob ng mall.
Lihim naman siyang nagbunyi dahil dito, pero kinimkim niya na lamang dahil baka mapagkamalan pa siyang baliw ng wala sa oras. At isa pa, muli na naman siyang kinakain ng kaba.
"Siguro pinaglihi ako sa kaba," kausap niya sa sarili at nailing pa.
Wala naman ng bago, lagi naman talaga siyang kabado.
Agad siyang nagtungo sa Clive Wine Enterprise kung saan niya balak mag-apply. Balita niya kasi ay malaki mag-bigay ng sahod ang may-ari nito, kahit na isang branch pa lang ang meron nito sa bayan nila.
Balita pa ay isang foreigner ang may ari ng enterprise na 'to, at kakasimula lang nitong maglagay ng branch sa pilipinas. Which is good kasi mukhang wala pang gaanong empleyado rito—iyon ang inaakala niya.
Ngunit, lahat ng pag-asa niya ay naglaho na lamang na parang bula.
Isang napakahabang pila lang naman ang tumambad sa maganda niyang mga mata, and take note, halos lahat ng naroroon ay babae—matatangkad na babae.
Oo, matatangkad. At iyan ang wala sa kaniya.
Mukhang isa ata sa mga requirements para makapag-apply rito ay pang Miss Universe na height, na siyang ipinagkait sa kaniya ng ginoong may kapal.
At hindi nga siya nagkakamali, dahil may nakapaskil doon na ang tinatanggap lamang nila ay ang may average height na 5'5 feet tall to 5'8 feet tall.
"Paano naman ako?" nanlulumo niyang bulong sa hangin.
Wala na, sira na ang plano't pangarap niya. Grabe naman, sa pila pa lang gumuho agad ang lahat.
Mukhang wala na talaga siyang pag-asa.
"Bakit ba kasi ako pinanganak na pungok?! Natutulog naman ako ng tanghali kasi sabi tatangkad pero wala namang epekto." walang boses niyang pagrereklamo.
Mangiyak-ngiyak siyang naglalakad-lakad sa loob ng mall. Hindi niya na mapigilan pa ang kaniyang emosyon, tanggap niya naman kung hindi siya papasa—sa interview pwede pa, pero sa height? Grabe naman yata.
Naupo siya sa isang bench na nakapalibot sa munting fountain nitong mall. Maganda iyon, pero naniniwala siyang mas maganda siya—at mas maganda kung sa trabaho ay matatanggap siya.
Marahan niyang pinunasan ang butil ng luhang dumaloy sa kaniyang mukha, at kalauna'y nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Umiiyak siya, pero wala na siyang magagawa pa. Sobrang bigat ng nararamdaman niya, daig niya pa ang broken hearted kung makapagdrama.
Isang tapik mula sa balikat ang nagpabalik ng kaniyang lumilipad na diwa.
Binalingan niya ito ng tingin at doon, tumambad sa kaniya ang isang napaka-guwapong nilalang—santisima! Mukhang malalaglag pa yata ang panty niya.
Ang lalaking nasa kaniyang harapan ay may asul na mga mata, matangos din ng ilong nito, at may kunting freckles ito sa mukha. Baka ito talaga ang Diyos ng kakisigan na si Adonis, nakakapanlaglag panga naman talaga ang kakisigan nitong taglay.
"Ayos ka lang ba?" Ang boses nito'y nagmistulang musika sa kaniyang tainga.
Napakalaking niyon at iba ang epekto nito sa kaniya—lalo na sa kaniyang pusong naghumirintado bigla.
Boom! Wala na, mukhang tuloyan niya ng naging crush ang naturang binata.
Ngumiti naman siyang ngumiti at paulit-ulit na tumango. Dapat gandahan ang smile, malay niyo naman madala sa ganda ng ipin niya.
"Oo! Ayos lang ako," mabilis niyang tugon sa tanong nito.
"Good. Then let's look for your mother," Nakangiting wika nito habang nakalahad ang kamay.
Tatanggapin niya na sana ito ng biglang rumehistro sa kaniyang isipan ang mga katagang sinabi nito.
Ano daw? Let's look for your mother?! Aba naman talaga! Lagi na lang siya napagkakamalang bata.
Padabog itong tumayo at ang mukha nitong maamo'y agad na idinuro.
"Hoy lalaki hindi na ako bata!" malakas niyang sigaw dito.
Mabilis siyang nagsisi sa pagtayong kaniyang ginawaran, sa kadahilanang mas lalo siyang nang liit sa katangkarang taglay nito. Mukhang six feet flat ang height nito, at siya ay halos kapantay lamang ng maskulado nitong dibdib.
Takte. Nagmumukha talaga siyang paslit pang ito ang katabi't kaharap.
"Calm down, miss. I'm sorry," paghingi nito ng pasensya, at bago pa man siya makapagsalita ay may nauna na.
"What's going on? What's the matter with you two?" wika ng isang malalim at malamig na tinig, na siyang kumuha ng buo niyang atensyon.
Ang bagong dating na lalaki ay higit na mas gwapo kaysa lalaking nasa harapan niya. Ito ay may kulay asul din na mga mata, at kitang-kita na may ibang lahi ito batay na rin sa pananalita nito—may accent ba naman. At kung kanina ay nanliliit na siya, mas lalo naman sa isang 'to.
Kung ang unang lalaki ay six feet flat, mukhang ang lalaking bagong dating naman ay 6'2 feet tall—ni hindi man lang siya umabot sa malapad at malaking dibdib nito.
Pambihira!
Mukhang sinalo ng dalawang 'to lahat ng height ng nagpaulan si Kristo. At hindi lang 'yon, pati rin ang kagandahang lalaki.
"It's nothing man, akala ko kasi nawawala ang batang 'to—este dalagang 'to," natatawang saad ng lalaking may asul na mata na may freckles.
Bumaling naman sa kaniya ang tingin ng lalaking 6'2 ang height, na may asul ring mga mata.
Malay niya ba sa mga pangalan nito kaya ganito na lang muna.
"Huwag mong patulan baka ma-child abuse ka," seryosong saad nito at tumalikod na.
"Aba't—" Hindi makapaniwalang singhal niya.
"Let's go Hugo, your wasting my time." pagputol ng bastos na lalaking may asul na mata sa sasabihin niya, na agad namang sinunod ni Hugo—ang newly acquired crush niya.
"I'm sorry again miss," paghingi ni Hugo ng paumanhin at umalis na.
Hugo.
Kay gandang pangalan, bagay na bagay sa pangalan niya.
"When ko kaya ulit siya ma-mi-meet?" Nalolokang tanong niya sa sarili.
Mukhang napana siya ng malala ni Kupido.
Well, wala namang masama, paghanga lang naman ang nararamdaman niya sa binata. Bunos na lang ang kagandahang lalaki nito.
Pag iyon, si Hugo, naging kasintahan niya—naku ikukulong niya talaga para walang makakitang iba. Mahirap na, baka maahas pa.
Napahagikhik na lang siya sa mga kapilyahang naiisip.
Agad siyang gumayak at lumabas na rin ng mall habang may malawak na ngiti sa labi. Bigo man siyang makahanap ng trabaho, at least nakilala niya naman si Hugo. Boom! Rhyme.
"Kalandian mo Savana!" saad niya sa sarili habang patuloy na tumatawa.
Naku delikado, nababaliw na siya.