Savana 4

1307 Words
Altair coldly stares at his cousins annoying face. He keeps on thinking and wondering, why does he agreed to be with him. Wala naman siyang mapapala rito, pero nadala siya nito sa isang pinagbabawal na teknik—it's his fault for being weak in temptation. Kung totoosin ay dapat nasa Russia siya ngayon dahil may aircraft operation sila, pero heto siya ngayon nasa Pilipinas at pinakikisamahan ang pinsan niyang may malaking sapak sa ulo. "I'm going to show you one of my store branch here in this mall," mayabang na saad nito na siyang kinakunot ng kaniyang noo. "Branch? Of what?" salubong kilay niyang tanong dito. "Yup!" masayang ani nito, pero Hindi naman niyon nasagot ang kaniyang tanong. Kompermado. May sapak nga ito sa ulo. Bakit hindi na lang kaya ito gumawa ng sarili nitong mall? Bakit kaya pilit na ipinagsisiksikan nito ang mamahaling negosyo sa maliit na mall? Sumasakit lang ang ulo niya ng dahil dito, gayon din sa kakaisip. Masama talaga ang naging desisyon niyang umuwi ng Pilipinas. Mukhang mahahawa lang siya sa kabaliwang taglay ng kaniyang pinsan na si Hugo. Walang tigil itong dumadada at pinagmamalaki ang branch niyang pinatayo sa loob ng maliit na mall na ito, hindi naging alintana rito ang mga malalagkit na tingin ng mga babaeng naroroon. Hindi naman maipagkakaila na silang dalawa ay makisig, perks of having a Russian blood. Ipinalibot niya ang tingin sa loob ng mall, hanggang sa mahagip ng mata niya ang isang batang naka-puting bistida na umiiyak sa harapan ng fountain. Kaniyang kinalabit si Hugo at agad din naman itong bumaling sa kaniya ng tingin. "That little girl in white dress is crying," wika ko at tinuro ang kinalalagyan ng babaeng umiiyak. Kunot noo naman siyang tiningnan ni Hugo. "So? Anong gagawin ko? I don't have a business with her—I don't even know her," Kunot noo nitong saad kaya sinamaan niya ito ng tingin, dahilan para agad itong tumalima. Sinundan ng kaniyang mga mata ang bawat nitong galaw. At ewan niya ba, pero may nagsasabi sa kaniyang isipan na dapat siya na lang ang lumapit sa babae at hindi na si Hugo. Taimtim niyang pinagmamasdan si Hugo at ang babae, kasalukoyan na silang nag-uusap. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa kaniya, nang makita niyang lumiwanag ang mukha ng babae habang nakatingin sa pinsan niya. Naiinis siya at gusto niyang basagin ang mukha ni hugo. Kaya naman hindi na siya nag-atubli pa at lumapit na kinaroroonan ng mga ito. "What's going on? What's the matter with you two?" tanong ko sa isang malamig at malalim na tinig, talagang sinadya niya iyon upang mabaling ang atensyon ng babae sa kaniya—at hindi naman siya nabigo. Tumingin nga ito sa kaniyang gawi, and God! The girl is sostunning. Maliit ang mukha nito at may maamo rin itong mga mata, kulay tsokolate iyon na para bang hinihila ang kaluluwa niya. Idagdag mo na ang curly nitong buhok na napakaganda. Mukha itong manika at limited edition pa. "It's nothing man, akala ko kasi nawawala ang batang 'to—este dalagang 'to," nakangising saad ni Hugo, at ang nais niya lang gawin sa mga sandaling ito ay burahin itong tuloyan sa mundo. Hindi niya mawari kung bakit labis siyang naiinis dito. "Nag-seselos ka," wika ng kaniyang isipan. Tama. Nagseselos siya. Wait what?! No way! Agad niyang iwinaglit ang ideyang iyon sa kaniyang isipan, at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang babaeng nasa kaniyang harapan. Maliit ang naturang babae, mayroon itong balingkinitang katawan at higit sa lahat flat chested. He doesn't like girl's with small chest. He like his girl to be tall, with big booty and chest—but it seems that this girl will be the one and only exemption. The f**k?! Only exemption?! What the hell is happening with him?! Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at sinabing, "Huwag mong patulan baka ma-child abuse ka," at mabilis na tumalikod. "Aba't—" rinig niyang ungot ng babae, na siyang hindi niya na pinagtuunan pa ng pansin. "Let's go Hugo, your wasting my time." seryosong wika niya at nagsimula ng maglakad papalayo. "I'm sorry again miss," rinig niyang paghingi ni Hugo ng paumanhin. Ilang sandali pa'y narinig niya na ang mga yabag ni Hugo sa likuran niya. Mabuti naman at nakinig ito, dahil kung hindi masusuntok niya na ito sa mukha sa sobrang inis. Pansin niya ang panaka-nakang paglingon ni Hugo sa babaeng maliit na kanina'y kausap nila, kaya nama'y sinuntok niya ito sa braso dahilan para ito ay mapainda. "What's with you, Altair?!" gulat at pasigaw nitong tanong sa kaniya. Tiningnan niya lang ito ng masama at iniwan ito kung saang lupalop ng mall. Malaki na naman ito,kaya na nito ang sarili. But damn! He can't forget that girl. That damn angelic face, cute nose, and beautiful eyes keeps on bugging him. He wants to caress the girl's face and kiss those luscious pinky lips. Mariin siyang napapikit at napayukom ng kamao, nang maalala kung paano lumiwanag ang mukha ng babae habang kausap ang pinsan niyang si Hugo. His heart is aching like hell. "What's happening to me? To my heart?" tanong niya sa sarili at marahas ginulo ang kaniyang buhok, dahil hindi niya rin alam ang sagot. "I need to calm my nerves down." wika niya pa, at agad na inilabas ang kaniyang telepono upang tawagan ang nag-iisa niyang kaibigan na si Roux. "Roux speaking, how may I help you?" saad ng isang malalim na boses sa kabilang linya. "It's me," simpleng tugon niya. "Ow, Altair. What's up? What do you need?" sunod-sunod nitong tanong na ani mo'y aligaga. "Let's get wasted," wika niya, and he's one hundred percent sure na hindi nito matatanggihan ang sinabi niya. Si Roux lang ang kaibigan niyang nag-iisa, isa itong alagad ng batas kaya magkasundong-magkasundo silang dalawa. "Yeah, sure. Where and when?" kalmadong tanong ni Roux. "At the same time and same place Roux. You knew it already, stop asking me!" iritado niyang sagot at mabilis na binaba ang tawag. Kailangan niyang magpakalasing upang maalis sa sistema niya ang babae. Dahil kung hindi, baka mabaliw siya ng wala sa oras—huwag naman sana. Seryoso siyang sumakay sa kaniyang kulay itim na ferrari. Agad niya iyong pinaandar at pinaharurot, ngunit agad din niyang pinabagal ng mahagip ng kaniyang mga asul na mata ang babaeng laman ng isip niya. Kasalukoyan itong naglalakad habang may kasamang dalawang dalaga. Kung titingnan sa malayo ay mapagkakamalan silang magkakapatid, at ang dalagang maliit ang bunso. She's so cute, at sa palagay niya'y hanggang tiyan nya lang ito. For sure, if the girl wore his shirt it will look like a dress. He chuckles lightly because of his thoughts. Mukhang nababaliw na talaga siya. At dahil tinted naman ang ferrari niya ay hindi siya nag-atubling lumapit dito, mas binagalan ang pagtakbo ng engine niya. He knows that eavesdropping is wrong but he can't help it. Halos lumuwa ang puso niya ng makitang ngumiti ang maliit na dalaga. She have a fine smile too, and it's melting his heart. "Charise...isama mo nga kami sa raket mo," The girl with the bangs said. "Naku huwag na baka mandiri pa kayo," Sagot naman ng babaeng tinawag nitong charise. "May mas nakakadiri pa pala kesa kay Goryo?" Tumatawang tanong maliit na dalagang nakaagaw ng kaniyang atensyon. And damn! Her laugh is just like an angel's lullaby. It's soothing his inner beast but at the same time, it's tempting. "Naku Avelea mukhang nahawa na sayo si Savana," saad ng babaeng nagngangalang Charise, at mahina pang natawa. Hindi niya na binigyang pansin pa ang ibang usapan ng mga ito, dahil nakatuon na lamang ang pansin niya sa kay Savana na may malawak na ngiti sa labi. "I'll kiss that sexy lips of yours soon, moya koroleva," Nakangisi niyang bulong sa hangin, at ang kotse'y pinaandar na. "Soon, moya koroleva..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD