THIRD PERSON Ngayon na ang araw ng graduation ni Marie, maaga siyang gumising para maghanda. Nakahiga pa siya sa kanyang kama pero ang ngiti niya ay hindi na maalis sa kanyang mga labi. Inaalala niya pa ang naging usapan nila ni Mayor kagabi, kinikilig siya ng sabihin ni Mayor na nagseselos siya kay Gerald. Napapaisip tuloy siya kung may gusto ba sa kanya si Mayor, tinanong niya naman ito kagabi at ang sabi ni Mayor ay mahal siya bilang isang kapamilya. "Bwisit na majondang mayor na yun, pinakilig lang ako na nag seselos siya kay Gerald pero mahal niya ako bilang isang kapamilya niya lang. Ano yun? Meron bang ganun?" himutok ni Marie. Tuluyan na siyang tumayo sa kanyang kama at pumasok sa banyo para maligo, balak niyang niyang dalawin sa sementeryo ang kanyang mga magulang para sabihin

