MARIE Pagkagaling namin ni Mayor sa sementeryo ay nagmamadali na akong umakyat sa aking silid. Late na kaming nakauwi paano ay nagyaya pa siyang kumain kami sa labas kahit tumangi na ako. Kinikilig pa din ako hanggang ngayon dahil para kaming mag boyfriend kanina nang umalis kami ng bahay, dahil nga napikon siya sa akin ay nagkaroon ng suyuan. Gusto lang pala ng gurang na yun na suyuin ko siya, naloka ako ng bigla niya na lang akong hinalikan. Medyo nahiya lang ako kasi ilang beses niya na akong hinahalikan pero tuwing gagawin niya yun nakatayo lang ako na parang tuod. Natatawa lang ako, sabi niya di niya ako gusto pero sa tuwing lalapit siya sa akin ay nag iiba ang kinikilos niya. Nag seselos siya kay Gerald, ayun ba ang walng gusto. Umakyat na ako sa silid ko para maligo at mag bihis

