CHAPTER 5

1370 Words
MARIE/MHARIMAR Isang malaking mansion ang bumungad sa akin, akala ko mayaman na kami pero mukang mas mayaman nga talaga si Mayor. Totoo nga ang kwento ni Daddy noon sa akin na si Mayor Rayven daw ay isang magaling na negosyante bago pa maging mayor ng aming bayan. "Mayor, sino po ang nakatira sa napakalaking mansion na yan?" curious kong tanong. "Me, this is my house at mula ngayon ay dito kana muna titira hanggat hindi kapa nakaka graduate ng college at di kapa natungtong ng edad na 23." seryosong sabi sa akin ni Mayor. Dala ang aking shoulder bag ay pumasok na kami sa loob, napaka organize at napakalinis ng buong bahay parang hindi lalaki ang nakatira. Ipinakilala niya ako sa kanyang mga kasambahay at lahat naman sila ay mukang mababait lalo na ang mayordoma ni lang si Nanay Fe. "Manang, aalis na po muna ako, kayo na po muna ang bahala may Marie pakisamahan na lang po siya sa silid niya at paki tulungan na lang po siyang iakyat ang mga gamit niya." paalam ni Mayor. "Marie, kung may gusto ka o kaya ay kailangan mag sabi ka lang kay manang at sila na ang bahala." baling sa akin ni Mayor. "Mayayang gabi pag balik ko mag uusap tayo. Kailangan ko lang bumalik ng munisipyo because I have an important meeting that I need to attend." sabi ni Mayor bago siya tuluyang lumabas ng bahay at umalis. "Halika na iha, sasamahan na kita sa magiging silid mo." all smile na sabi sa akin ni Manang. "Manang, matanong ko lang po? Wala po bang asawa or jowa si Mayor?" "Ang alam ko girlfriend meron pero kakahiwalay lang yata nila. Bumalik na sa Manila yung girl kaya ngayon single ulit ang Mayor natin." may pagka chismosang sabi ni Manang. "Talaga po? Bakit naman daw po sila naghiwalay?" tanong ko. Nakuha ni manang ang atensyon ko kaya mas naging interesado tuloy ako sa buhay pag ibig ni Mayor. "Ay ayan na ang hindi ko alam, hindi naman ako mimosa kagaya ng iba. Ikaw talagang bata ka, bakit kaba biglang naging interesado sa lablayp ni Mayor?" natatawa na ding sabi niya sa akin. "Kasi naman po manang, pag nalaman ng mga kaklase ko na dito na ako nakatira ay tyak na iinterviewhin nila ako. Alam 'nyo ba manang, na karamihan sa campus namin na mga babae ay crush si Mayor." pagmamayabang ko pa kay Manang para lang sabihin imarites niya sa akin ang jowa ni Mayor. "Oh siya, ito ang iyong kwarto katapat lang yan ng kwarto ni Mayor para madali ka daw niyang makita kung nakauwi kana." sabi ni manang. "May ganun manang, hindi naman ako ang dapat bantayan dapat mg chikababes niya ang binabantayan niya para makapag asawa na siya." natatawa ko pang biro kay manang. "Ikaw talagang bata ka napakapilya mo, parang dahil sayo magiging maingay na ang mansion na ito." hindi ko alam kung compliment ba 'yun mula kay manang o sinasabi niyang maingay talaga ako hahaha.... Pumasok na ako sa aking silid at isa isang inayos ang mga damit kong dala. Infairness maganda ang ambiance. Light pink ang kulay ng wall paper na nakalagay at may malaking tv sa harapan ng malaking kama. Mayroon ding walk in closet at may maganda at mabangong banyo. Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid ay hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako. Gandang ganda ako sa aking silid halatang pinag handaan ni Mayor ang pagdating ko. Naglakad ako papunta sa veranda ay nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng tawin mula dito. Kitang kita ang malaking garden na may iba't ibang namumulaklak na halaman. Hindi ko alam na mahilig din pala si mayor sa halaman, isa din kasi sa hobbies ko ang magtanim ng halaman na namana ko kay mommy. Kaya nga kami may hacienda kasi iyon ang regalo ni daddy kay mommy noong anniversary nila 5yrs ago. Muli na naman akong nakaramdam ng lungkot ng sumagi sa isip ko ang aking mga magulang. Ang kanina lang na masayang awra ko ay napalitan na agad ng lungkot. Gusto kong makasama ang aking magulang, gusto ko silang makausap kahit hindi na nila ako naririnig. Dali dali kong kinuha ang aking bag at nagpalit ng pantalon at jacket, pupuntahan ko ang anking mga magulang sa sementeryo. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Manang. "Iha, san ang lakad mo?" tanong ni Manang. "May pupuntahan lang po Manang, babalik din po ako maya maya." "Alam ba yan ni Mayor?" muli niyang tanong. "Hindi ko po alam kung anong number niya kaya hindi ko po siya nasabihan. Pakisabi na lang po mamaya kapag tumawag siya." sigaw ko at mabilis na akong tumakbo palabas ng pinto. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ng guard na nakataga doon. Pag labas ko ay agad akong pumara ng jeep, mabuti na lang at along the highway lang ang bahay ni mayor kaya hindi masyadong mahirap mag commute kahit wala akong kotse. Bago ako pumunta ng cementeryo ay bumaba ako sa isang fast food chain para bumili ng pagkain. Fries, burger, chicken at drinks ang binili ko. May ref naman sa mausoleo ng mga magulang ko at alam ko mga mga drinks din ako inilgay doon. Matapos akong bumili ay naglakad na ako papasok sa loob ng Sementeryo sa bandang dulo pa ang mausoleo nila kaya wala masyadong tao. Napangiti ako ng matanaw ko ang bagong bahay ng aking mga magulang. Sobrang miss ko na sila halos isang lingo ko na silang hindi nakakasama. Finger print at passcode ang lock ng pinto nila kaya walang ibang makakapasok maliban sa akin at sa kasambahay namin na nakatokang mag linis dito every week. "Hello po, mom and dad, nandito na naman po ako. Nakalipat na nga po pala ako sa bahay ni Mayor, pero sana po hindi na lang ninyo ako hinabilin sa kanya. Kaya ko na naman pong mag isa saka mas gusto ko po sa bahay natin doon nakikita ko ung mga masasayang alaala natin noong kasama ko pa po kayo."nag uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Ang hirap pala ng wala ka nang magulang, kahit anong gawin mo masakit talaga. Minsan tumatawa lang ako pero deep inside umiiyak ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lang ako na may gumigising na sa akin. "Marie......marie...... Wake up," narinig kong sabi ng isang boses. Akala ko nananaginip lang ako pero pag dilat ng mga mata ko ay si Mayor na pala ang nasa harapan ko. "Why are you here? Bakit hindi ka man lang nag sabi kung saan ka pupunta? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap. Napuntahan ko na lahat ng bahay ninyo at natanong ko na din ang mga classmate mo pero ilang araw kana daw hindi nagpaparamdam sa kanila. Sa susunod kapag aalis ka magpapaalam ka sa akin o kahit kay manang para hindi ako nag aalala. Ibinilin ka sa akin ng magulang mo kaya ayaw kong biguin sila." halata sa boses ni Mayor ang labis na pag aalala sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng awa dahil sa ginawa ko. "Sorry po Mayor, hindi na po mauulit. Namiss ko po kasi bigla sila mommy at daddy, akala ko po okay lang ako na kaya ko na mag isa na lang ako. Pero ang sakit po pala ang hirap, tuwing gabi kapag pipikit na ako sila ang naaalala ko. Minsan tinatanong ko ang sarili ko, masamang anak ba ako? Bakit sabay na kinuha ang magulang ko? Bakit hindi man lang ako tinirahan kahit isa lang?" muli na namang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang dumaloy. Kinabig ako ni Mayor palapit sa kanya "Marie, you're not alone, I am always be here for you, no matter what. Kapag nalulungkot ka isipin mo na lang na binabantayan ka ng mga magulang mo. Always do good, para maging proud sila sayo kahit hindi muna sila kasama. Mahal na mahal ka ng mga magulang mo kaya paaga nakikita ka nilang malungkot, gusto mo ba na malungkot din sila?" umiling iling lang ako bilang hindi pag sang ayon sa sinabi niya. "Let's go home now, may pasok kapa bukas. Magpaalam kana sa mga magulang mo hihintayin kita sa labas." sinserong saad ni Mayor.....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD