MARIE "Marie, marami-rami na rin ng nabingwit natin at medyo hapon na din sapat na siguro ito para sa hapunan natin mamaya." sabi sa akin ni Rad. "Okay naba yan? Nakakalibang kasi ang mamingwit dito sa sapa, pwede bang ukitin natin ito bukas?" sabi ko kay Rad. "Hindi ka pa ba babalik sa bahay ni Mayor? Alam ba niya na nadirito ka? Bakit parang iba ang pakiramdam ko?" natatawang sabi sa akin ni Rad. "Diba kaibigan kita?"Tanong ni Marie kay Rad. "Oo naman, kahit binasted mo ako kaibigan pa rin kita at hindi na magbabago yon." natatawang sabi ni Rad. "Sira ka talaga, mas gusto ko kasi na para tayong magkapatid kesa mag jowa. Nakakadiri kaya pag naging mag jowa tayo, baka pag nag away tayo maglabasan tayo ng mga baho natin sa isa't isa di ba ang sagwa hahaha." natatawa kong sabi sa kany

