Hindi na napigilan ni Mia-Ashly ang pagguhit ng ngiti sa kanya mga labi sa sinabi ng binatang guro. Napakurap-kurap ito ng malamang matanto nito ang sinabi. "Uhm," anito at tumikhim. "Pasensya na kung pinangahasan kong pumasok rito.." anito na tila napahiya sa kanya. Iwas ang mga mata nito sa kanya at hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti na ito ang dahilan. "Ayos lang.." aniya habang magiliw nila pinagmamasdan ng inner wolf niya ang binatang guro. Ang gwapo niya sa suot niya !! Alingawngaw ng inner wolf niya. Nakalong sleeves polo ito na kulay asul na pinaresan ng kulay na itim na maong na medyo hapit sa mamasel nitong hita ay binti. He's so lean and fitted. Tila ito isang modelo ng isang clothing line. "Hindi ka ba nag-eenjoy sa party?" pukaw niya rito. "Ang totoo kasi naisip k

