Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Ms.Esferial. Ang mga araw na hindi niya ito nakita ay talaga nakaapekto sa kanya. Aminado siyang ilang araw na rin siyang wala sa mood. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang 10th anniversary ng Esferial University. Naging masaya ang buong umaga dahil sa iba't-ibang aktibidad na ginanap ng araw na iyun at siya naman panaka-naka lang nakikisali sa kasiyahan madalas siyang sumilip sa private office ni Ms.Esferial at biguan siya na matyempuhan ito. Nasaan kaya ito? Abala ba ito ng sobra kaya wala ito sa opisina nito? Bakit hindi niya tanungin si Ms.Rostov? Agad na hinanap niya ang dean nila na si Valerie Rostov. Nagsisidatingan na ang lahat para sa night party. Ang totoong selebrasyon na pinakahihintay ng lahat. May live band na

