Kusang gumapang ang ngiti sa mga labi ni Mia-Ashly ng makita ang kulay puting bulaklak na nasa flower vase sa ibabaw ng desk niya. Palagi bago ang bulaklak na nilalagay roon ni Axel Jax. Ilang araw na nito iyun ginagawa. Alam niyang ito ang naglalagay niyun dahil ito lang naman ang nakakapasok sa opisina niya at kung si Valerie hindi nito gagawin yun kasi allergic ito sa bulaklak. Ang sweet naman ng mate natin may pabulaklak pa,hay...kinikilig na alingawngaw ng inner wolf niya. Maingat na hinaplos niya ang puting bulaklak. Ang gumamela na nakatanim sa gilid ng haligi ng opisina niya. Mahina siyang natawa. Effortless,walang gastos pero nakakataba ng puso dahil ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng isang bagay mula sa iba. Nasa kanya na ang lahat. Kuntento,sobra-sobra pa nga n

