Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking na halos kaedaran lang niya tingnan ay ama ni Ms.Valerie Rostov. What the hell?! Isang mahinang pagtawa ang pumukaw sa kanya. Nasa opisina sila ni Valerie dahil nakakaagaw na ng atensyon ang pagdating nito sa mga istudyante dumadating ng mga oras na iyun. "May kambal akong anak,si Valerie at Zayne..hmm,mamimeet mo din sila sa tamang oras," anito. Tumango siya. May isa pa rin katanungan na gumugulong sa isip niya. "Alam kong nagtataka ka kung bakit tayo magkaharap ngayon," anito na may ngisi pa rin sa mga labi. Prente itong nakaupo sa gilid ng desk ng anak nito habang nakahalukipkip. Siya naman nakaupo sa upuan na nasa harapan ng desk. "Yes,Sir..iniisip ko nga yan," aniya. Tumango ito. "Gusto ko lamang makilala ang unang lalaki na bib

