Hindi na nawala sa pagkakakunot ang nuo niya habang binabasa ang isang lesson plan mula kay Nimfa Arevos. Hindi naman ganito gumawa ng lesson plan ang guro pero ngayon parang iyun hinulaan at tila bang isinulat lang para may maipasa lang. Marahas siyang napabuga ng hangin. Agad na tinawagan niya si Valerie para iinporma dito ang bagay na yun. Agad naman tumugon si Valerie at ilang minuto lang ay kumatok na ito sa pintuan niya. "Come in,please," tugon niya sa pagkatok nito. "Bakit,mahal na prinsesa?" agad nitong pagtatanong sa kanya. Bumuntong-hininga siya at inabot rito ang lesson plan mula kay Nimfa. "Maraming mali..malilito ang mga istudyante kung ano ba talaga ang pinupunto ng tanong," matiim niyang saad. Mabilis nitong pinasadahan ang bawat pahina ng lesson plan na hawak nito.

