Agad na napuna niya ang pagkawala sa mood ni Nimfa. Panigurado naman na may kinalaman iyun sa pinabalik nitong lesson plan. Imbes na icomfort niya ito hinayaan na lamang niya ito. Nahihiya nga siya kay Ms.Esferial dahil base sa sinabi ng Dean nila parang alam ng mga ito ang ginagawa ni Ma'am Nimfa na may kinalaman sa kanya. Nag-ikot-ikot na lang siya ilang oras na lang tapos na ang klase para sa araw na iyun. Huminto siya sa ilalim ng punong mangga. Nakakatuwa na isipin na hindi pinaputol ang mga puno sa paligid. Hindi pa man niya nakikita ng personal si Ms.Mia-Ashly Esferial hinahangaan na niya ito. Hmm,ilang taon na kaya ito? May balak kaya ito na magpakita sa publiko? Marami ang nasasabik na makita ito ng personal at isa na siya roon. Bumuga siya ng hangin at nilanghap ang ha

