Chapter 27 Gabriel Pov Pagkagaling ko sa accomodation ng asawa ko ay umuwi ako ng bahay tuwang-tuwa pa ang mga anak ko nang inabot ko sa kanila ang regalo mula sa Mommy nila lalo na si Gabby. Kaboses raw ni Mommy niya ang boses ni Miss Areana, at katulad rin raw nang manika ang ineregalo sa kaniya ng Mommy niya. Naisipan ko na huwag muna pumasok sa opisina. Gusto ko muna ipasyal sila at tumawag naman ang kapatid ko na mamasyal sila ng mga kambal at ng bunso nilang anak ni Liam na si Axel, ayaw naman sumama ni Fabien ang panganay nila ni Liam dahil sumama ito sa Daddy niya. No'ng nasa mall na kami hindi ko inaasahan na masalubong namin si Daddy at Allysa, nagulat ako nagg makitang yakap-yakap ni Gabby ang mommy niya at sa 'di inaasahang pagkakataon ay nalaman na rin ni Allysa ang

