Chapter 28 Allysa Pov Kinaumagahan ay lumabas ako ng kubo upang maghanap ng makain sa malaking bahay. Buti at may stock na itlog roon. Kaya nilaga ko iyon. Wala pa kasi akong kinain mula kagabi. Pagkatapos ko magluto nang itlog ay nagtimpla naman ako ng gatas. Saka kumain. Hindi ako nakapagbihis gano'n pa rin ang suot ko dahil ayaw ko naman na bumalik sa accomodation para kunin ang mga gamit ko. Ayaw ko kasi na makita muna si Claris, o kahit sa sino man sa kanila. Kaya mamaya bibili na lang ako ng pampalit ko. Nang matapos akong kumain ay lumabas naman ako para sana magpahangin sa labas. Ngunit nangg nasa pintuan na ako ay nakita ko si Daddy, bit-bit nito ang maleta ko. " ano ang ginagawa niyo rito? Bakit dala niyo ang maleta ko?" pagtatampo ko pang tanong kay Daddy. " di

