Chapter 29 Gabriel Pov Nagising na lang ako nang may malakas na mga katok ang sunod-sunod kong narinig mula sa pintuan. Tookk.... Tookkkk... Tookkkk "Señorito Gabriel! Buksan niyo po itong pinto. Kanina pa po kayong umaga walang kinain! Señorito!" sigaw pa ni Manang Meding sa akin. Ngunit wala akong ganang lumabas. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo parang trangkasuhin yata ako pero pinilit kong tumayo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa pintuan. Pinihit ko ang siradura at nakita ko si Manang, alalang-alala ito sa pagmumukha ko. "hay sos! Ginoong bata ka! Ano ba ang nangyayari sa'yo Señorito? Bakit ba ganiyan ang mukha mo? Amoy alak ka pa," ani Manang. "kumain na ba ang mga bata Manang?" mahina kong sagot sa mga katanungan niya. "oo, kanina pa. Kanina ka pa nga hinahanap ng mga ana

