ZOEY KINABUKASAN Nagising ako sa ingay ng quadruplets. Pagmulat ko ay nakikipagharutan ang mga ito sa kanilang ama. Nang makita nila akong nagising na ay nagsisikuhan ang mga ito at seryosong tumingin sa akin. Nagtataka ako sa mga ikinikilos nila. Ang ganda ng ngiti nilang apat na nakahilira at napagitnaan nila ang kanilang ama. Ang kanilang mga kamay ay nasa likuran. ''Good morning, Mommy,'' sabay-sabay nilang apat na bati sa akin. ''Good, morning quadru. Mukhang may kalokohan kayong gagawin, ah!'' puna ko sa kanila habang ang ama naman nila ay pangiti-ngiti lang. ''Mommy, flowers for you, from Daddy,'' sabay lapit sa akin ni Zoeren at ibinigay ang puting rosas. Sumunod na lumapit sa akin ay si Renzo. ''Mommy, flower para sa 'yo sabi ni Daddy,'' sabay bigay nito ng bulaklak sa ak

