Ending LANCE Maya-maya pa ay lumapit rin sa amin si Gabriel, Allysa, at kasama nito si Crystal, Sheina, at Kuya Liam, Dexter, at Hanna. "Sagot ko ang Honey moon ninyong dalawa. Saan ang gusto ninyo sa Nevada o sa Switzerland?" tanong ni Kuya Liam. "Okay na po ako rito sa Isla Fabio," sabi pa ni Clara. "Kung saan gusto ng asawa ko ede doon na rin ang gusto ko," sabi ko at kinabig ay beywang ng asawa ko. Si Reynold naman ay napansin ko na parang napako ang tingin niya kay Crystal. Maya pa ay lumapit naman si Zoey at Raydin. "Best wishes sa inyong dalawa," bati ni Zoey. "Mabuti at nakarating ka, Zoey. Mabuti at dinala ka rito ng halimaw mong asawa," walang prinong sabi ni Clara at tumingin ito kay Rayden ng masakit. Napa-pailing na lang si Raydin at mainit talaga ang ulo ng asa

