Epologue CLara Sarap na sarap ako sa pagkain ng seaweeds na dala-dala ni Joshua kanina. Nawalan ako ng gana sa tahong. Bigla na lang ako nandiri rito. "Sigurado ka ba Clara, na ayaw mo na sa tahong? Dahil gawin na lang naming pulutan iyon," tanong ni Kuya Gabriel. "Ayaw ko na po niyan Kuya," sagot ko. "Honey, huwag mo na pilitin si Clara niyan. Kaya pagsabihan niyo ang Hator na habaan pa ang pasensiya niya sa asawa niya dahil mukhang napikon iyon kanina," sabi pa ni Allysa. "Speaking of Hator papalapit na rito," ani Shiena. Lumingon naman ako sa asawa ko. Nakabihis na rin ito. Katulad nila kuya Gabriel, Liam at Joshua. Ang mga ibang bisita namin ni Lance, ay kung saang sulok na ng Isla Del Monte. Si Francis at Margaret ay umuwi na sa Pilar para makapagpahinga si Margaret. Mag

