Chapter 1 Clara Pov After 1 year ''Flower for you, Binibining Marikit.'' Isang baretonong boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Kasalukuyan akong nagta-trabaho sa isang magandang kumpanya ngayon sa Holand. And guest what? Tatlong buwan akong naghintay sa agency na tawagan ako noong umuwi ako sa Isla. And sad to say, kung hindi pa ako bumalik dito sa Holand ay hindi ko pa malalaman na hindi raw ako qualifed na mag-abroad. Dahil wala raw employer na gusto akong tanggapin abroad. Halos mangiyak-ngiyak ako noon dahil si Monet ay nakaalis na at sakto namang pagpunta ko sa LHM agency ay nag-offer naman ang secretary nila. Hiring daw ang MHL Company ng personal secretary ang CEO ng kumpanya. Kaya binigyan ako ng email adress ng secretary ng agency na pagpapasahan ko ng resume ko

