Chapter 2 Clara Pov Ang social tingnan ng babae at maganda rin ang katawan. Ang sexy niiya tingnan sa suot niyang dress. Naka-spaghetti strap ito na kulay red. At binagayan pa ng buhok niya na blonde at tuwid. "Oy, Chona! How are you?" ani Lance sabay halik nito sa pisngi ng babae. "Okay lang. Siya ba 'yong tinutukoy mo, Lance?" tanong pa ng babae. "Ahmm.... Si Clara nga pala. Clara, si Chona friend ko,'' ani Lance. "I'm glad to meet you, Miss Chona," bati ko at inilahad ko ang kamay ko. Inabot niya naman iyon. "Me, too." tipid niyang sagot at tiningnan si Lance ng masakit. "Sana magtagumpay ka, Lance. Pero huwag mo sanang kalimutan ang sinabi ko sa'yo," ani Chona na parang may ibig sabihin ang tingin niya kay Lance at pagkasabi. "Thank you, Chona. Pero huwag ka sana makial

