LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Agatha sa ate ni Jaco, ngunit hindi mabura ang pagkailang na nararamdaman niya habang kasama ang babae sa loob ng pribadong silid ni Yogo. Natutulog na ang bata. Lumabas si Jaco upang bumili ng pagkain. Nakakabingi ang katahimikan sa silid. Alam ni Agatha na kailangang may sabihin siya, ngunit hindi niya alam kung ano. Ngayon lang niya nakilala ang nakatatandang kapatid ni Jaco, ngunit marami na siyang narinig tungkol sa babae mula kina Sunshine at Jaco. Alam niya na si Noreen ang tumayong ina ni Jaco mula nang mamatay ang ina ng magkapatid. Noon ay galit siya sa babae kahit na hindi pa niya ito kilala. Hindi kasi nito kailan man nagustuhan at tinanggap si Sunshine. Medyo nakakatakot din ang ate ni Jaco. Maganda si Noreen ngunit mababakas sa mukha ang kasun

