26

1948 Words

KULANG ang sabihing nagulat si Agatha nang makita si Paulino sa harap ng tindahan ni Manang Luisa nang hapong iyon. Naguluhan din siya nang labis. Kakuwentuhan nito si Yogo. “Mr. Ortega, ano ang ginagawa ninyo rito?” Nagtataka man, masaya pa rin si Agatha na makita ang binata. Si Paulino Ortega kasi ang tipo ng lalaki na sa unang tingin pa lang ay masasabi nang mabait. Maamo ang napakaguwapong mukha. Masasabing confident ito base sa tindig at mga kilos, ngunit hindi masasabing mayadong mayabang o arogante. Gusto niya si Paulino. Kahit na marahil hindi nito tinulungan si Yogo at nagkakilala sila sa ibang sirkumstansiya ay magugustuhan pa rin niya ang binata. “I was... Uhm... I was just in the neighborhood. Nabanggit sa `kin ni N-Noreen na dito kayo nakatira. Naisipan ko lang pasyalan at k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD