bc

THE MASK OF EVIL

book_age18+
112
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
police
bxg
betrayal
cheating
disappearance
lies
secrets
crime
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Dalawang katauhan sa iisang katawan. Si Deborah Baron nga ba na isang DID patient ang serial killer? O si Dexter Baron na walang hinangad kundi maangkin ang kayamanan ng kanilang angkan? Paano tutuklasin ng isang pulis at ng isang nurse ang mga anyo ng kasamaan sa villa Baron?

Credit to the owner of the photo.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ako si Almira de Vera, 21 years old, isang BS Nursing fresh graduate, matalino at maganda, ang sabi ng pamilya at mga kaibigan ko.  Dahil sa kagustuhang makatulong agad sa aking mga magulang sa pagpapaaral sa iba ko pang mga kapatid, ipinasya kong mamasukan bilang private nurse ng isang mayamang maysakit.  Noong una ay hindi sang-ayon ang aking mga magulang sa naging pasya ko dahil lubha daw malayo ang bayan ng Magdalena sa aming lalawigan pero ikinatuwiran ko sa kanila na mahirap para sa isang tulad ko na wala pang masyadong karanasan ang matanggap sa malalaking ospital sa aming lugar.    JULY 24 , 2013,  bandang alas-sais ng hapon nang dumating ako sa bayan ng Magdalena.  Agad kong napansin na ang bayang ito ay  tahimik at  malinis bagamat mukhang makaluma.  Kung kanina lang ay halos sumuko na ako sa layo ng biyahe mula sa aming lalawigan  patungo sa bayang ito, panibagong sigla naman ang aking naramdaman nang tumuntong ako sa plaza nito.  Ngunit gayon na lang ang aking panululumo nang sabihin ng ilang taga-rito na wala palang pampasaherong sasakyan ang bumibiyahe sa lugar  na sadya ko, ang nayon ng Magubat.  Bawat tricycle driver na pakiusapan ko ay tumatangging ihatid ako lalo na kapag sinabi kong ang villa Baron ang aking sadya.    Sa wakas ay isang driver ang nagpasyang ihatid ako sa kabila ng pagpigil ng kanyang mga kasama.  Habang nilalakbay namin ang batu-bato at maalikabok na daan patungong Magubat ay nalaman ko sa driver na nagngangalang Kardo ang mga dahilan kung bakit ayaw maghatid ng pasahero ang mga driver sa lugar na ito.     Ayon sa mga kuwento ay balot daw ng mga kababalaghan ang villang ito.  Mula sa white lady na nagpapakita sa talampas hanggang sa brutal na pagpatay sa dalawang lalaki sa lupaing sakop ng mga Baron. Ang  lahat ng ito daw ay nangyari mula nang umuwi mula sa Maynila si Dexter  at ang nakababatang kapatid nito na si Deborah na ayon sa sabi-sabi ay sa isang kumbento lumaki mahigit isang taon na ang nakakalipas.  Nakatakda daw magmadre si Deborah pero sa hindi malinaw na dahilan ay ibinalik daw ng mga madre sa villa.  At idinagdag pa ni Kardo na mula daw nang magpakita ang ‘white lady’ sa talampas, katakut takot na kamalasan ang dumating sa mga taga-Magubat. Naroong magkasakit daw ang mga bata hanggang mamatay habang ang mga lalaki naman ay lumaki ang mga paa pati na ang maseselang bahagi ng katawan.  Para daw isang salot ang dumating sa mga taga-nayon, at ito ay isinisisi nila sa mga Baron. Pagkatapos kong malamog sa loob ng tricycle ay nakarating na din ako sa gate ng malawak na compound ng mga Baron.  Ang maliliit na patak ng ulan ay tumama sa aking  mukha nang tingalain ko ang maringal na mansyon sa kanyang matayog na kinalalagyan .  Ang mansyon na ito sa kanyang kinatitirikan ay parang buong yabang na nakikipaghalikan sa langit, malayang nadadama ang simoy ng hangin sa itaas at matatag sa anumang pagsungit ng panahon.  Nasa tuktok ito ng isang talampas at upang makarating dito ay kinakailangang gamitin ko ang paliku-likong hagdang bato.  Ang lumang bahay-Kastilang ito ay mistulang isang kastilyo sa gitna ng kagubatan na habang aking minamasdan ay tila naghahatid sa akin ng kabang hindi ko maipaliwanag. Matapos akong papasukin ng hardinero ay gayon na lang ang paghanga ko sa karangyaang bumungad sa akin sa bulwagan pa lang.  Bagama’t luma na ang dalawang palapag na mansyon ay mas kahanga-hanga ito sa loob.  Magmula sa mga materyales na ginamit sa pagtatayo ng mansyon hanggang sa mga furnitures at kagamitan ay maihahalintulad ito sa isang kaharian. Karamihan sa kanila ay mga antique na mukhang nabili pa sa ibang bansa. Matapos ang medyo may kahabaan ding interview mula kay senyor Leon Baron na sa tantiya ko ay nasa mahigit sitenta anyos na ay isang masagang hapunan ang ipinahanda niya.  Binubuo kami ng pitong katao na dumulog sa mahabang hapag-kainan kabilang ang lumpong kabiyak ni senyor Leon na si senyora Clarita, ang magkapatid na si Dexter na nasa edad tatlumpu at si Deborah na labing-siyam na taon , ang mga panauhin ni Dexter na sina Elizabeth at Charlie de Joya na kapwa kasing-edad ni Dexter na nalaman kong magpinsan pala.  Bukod sa kanila ay nakilala ko din ang mga kasambahay na sina Charito, edad beinte siete at isang pipi,  si Mang Andoy, ang hardinero na nasa lampas edad limampu at ang masungit na mayordoma na si Genoveva na kasing-edad din ng hardinero.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook