Chapter 30

1878 Words

Kinaumagahan nang magising ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ni Levi, kasabay nito ay naalimpungatan din ito na naroon sa tabi ko upang abutin ang kaniyang phone. Mabilis niyang sinagot ang tawag, na noo'y akala kong alarm clock namin para sa umagang iyon. Doon ko rin natantong nasa kama na kami ni Levi, marahil ay binuhat ako nito kagabi. Sa sobrang pagod sa pinagsamang maghapon naming date at sa nangyari kagabi ay nakatulog ako kaagad. Napasarap ang tulog ko na hindi na naramdamang inilipat ako ni Levi. "Hello?" anang Levi nang sagutin nito ang kabilang linya, marahan pa siyang umalis sa tabi ko upang lumayo. Balak ko rin sanang gumalaw upang ipakitang gising na ako, hindi ko lang magawa dahil tinamaan ng kung anong takot ang puso ko. Nag-anyong tulog pa rin akong nakahiga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD