Chapter 9

1770 Words
Upang matulungan si Thalia ay ginawa ko ang lahat nang makakaya ko, lahat ng pwede kong gawin para mapasaya siya. Although yes, nakokonsensya ako kahit pa wala naman akong ginagawa. Nabanggit kasi ni Thalia na nakikipaghiwalay na sa kaniya si Jaxon sa kadahilanang may ibang babae na ito. Doon ay sumikdo ang puso ko sa kabang nararamdaman. Ayokong mag-conclude o magbigay kaagad ng opinyon. Nirespeto ko na lang muna ang nangyari sa kanila, hindi ko rin tinawagan si Jaxon sa gabing iyon at sandaling naging ilag sa kaniya. Kahit ang sumagot man lang sa mga tawag nito sa akin. Kinakabahan ako. Natatakot ako, animo'y naiipit ako sa isang sitwasyon, kung saan kanino papanig. Sa malapit ko bang kaibigan na si Thalia? O kay Jaxon na siyang itinitibok ng puso ko? Ganoon pa man, gaano ko man kamahal si Jaxon ay hindi ko lang magawang iwan si Thalia. Mas kailangan niya ako, kailangan niya ng kaibigan. Kahit sabihin pa ng iba na napakaplastik kong kaibigan, na ako rin naman ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa, but no— hindi ko pa alam ang rason ni Jaxon kung bakit siya nakipag-break. Ayoko ring malaman, ayokong marinig na dahil sa akin— na ako iyong rason niya, kaya siya nakipaghiwalay kay Thalia. Nanginginig na ang dalawang kamay ko at hindi mawari ang gagawin. Nakaupo ako sa dulo ng kama habang pinagmamasdan ang pangalan ni Jaxon na nakarehistro sa phone ko. Kanina pa siya tawag nang tawag. Anong oras na rin at pasado alas dies na ng gabi. Makailang beses akong nagpakawala ng mabibigat na hininga, hindi kinakaya ang nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan dahil katulad ng parati kong sinasabi, ayoko ng gulo. Nasanay ako sa tahimik na buhay, na palaging nagtatago sa dilim. Hindi marunong makihalubiro at makipagkaibigan, na parang hangin lang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Ngunit siguro ay huli na ito dahil mismong si Jaxon ang nagpupumilit na ipasok ako sa gulo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mamatay din ang tawag, kalaunan nang muli na naman iyong umilaw. Malakas na kumawala ang ringtone nito, na siyang umaalingawngaw pa sa apat na sulok ng madilim kong kwarto. Kalaunan nang mapagod marahil si Jaxon at namatay ulit iyon. Mariin akong napapikit, wala sa sariling napahinga ako nang malalim. Hindi pa nagtagal nang isuot ko sa ilalim ng unan ko ang kama, ngunit laking gulat ko nang tumunog iyon. Sa sobrang gulat ay hindi sinasadyang mapindot ko iyon at nasagot dahilan para mataranta ako. Mabilis kong hinugot ang kamay at tiningnan ang caller, si Jaxon Lewis pa rin. Hindi pa ba siya titigil? Kasi sa totoo lang ay ayaw din tumigil ng puso ko sa malakas nitong pagtibok. Mayamaya pa nang marinig ko ang boses ni Jaxon sa kabilang linya, kaya dahan-dahan ay inangat ko ang phone sa tainga ko. "Stacy..." Dinig kong buntong hininga nito, gamit pa ang paos na boses. Hindi ako nagsalita at tanging malalim na paghinga lang ang nabibitawan ko sa mga minutong 'yon. Mas bumilis din ang pagtibok ng puso ko, para akong mahihimatay ano mang oras. "Stacy, can you please open this god damn door?" mariin nitong sabi rason para manlaki ang dalawang mata ko. Kaagad akong umahon mula sa pagkakahiga ko, mabilis na tumayo upang buksan ang ilaw sa kabuuan ng kwarto. Kumaripas din ako ng takbo palabas sa sala, sandali akong napatitig sa pintuan. Mas naging triple ang pagkabog ng puso ko, walang pasisidlan ang pagririgodon nito na halos hindi na ako makahinga, kaya sandali akong napahawak sa dibdib ko. Makailang ulit akong bumuntong hininga. Hindi ko pa man nabubuksan ay alam kong naroon nga sa labas si Jaxon. Pero teka, paano nito nalaman kung saan ako nakatira? Bakit ba siya nagpunta rito ng ganitong oras? "Open now, Stacy. I'm sleepy as f**k," dugtong nito sa kabilang linya, hindi ko pa pala ito napapatay. Wala sa sariling naibaba ko ang phone ko at mabagal ang lakad na tinungo ang pintuan. Pinihit ko ang doorknob, saka dahan-dahan iyong binuksan, kaagad na bumungad sa paningin ko si Jaxon. Tila lanta itong gulay na nakatayo lang doon habang ang isang kamay ay nakatukod sa hamba ng pintuan. Nakasuot siya ng black polo shirt at pantalon na tinernuhan lang din ng rubber shoes. May dala rin siyang maliit na sling bag na hindi ko alam kung ano ang laman, marahil para sa kaniyang gamit. Maang na tinitigan ko si Jaxon, bulgar akong napangiwi nang makita ang inaantok niyang mga mata. "Can I come in?" utas nito, rason para mapaatras ako upang papasukin siya. Nalanghap ko pa ang amoy ng alak sa kaniya kaya nangunot ang noo ko. Kasabay nito ay ang mahinang pagpintig ng ulo ko, gulung-gulo na sa nangyayari at dumagdag pa ito sa sakit ng ulo ko. Mabilis kong naisarado ang pinto at nilingon ito, maagap ko siyang nilapitan na ngayon ay prente nang nakaupo sa pahabang sofa. Isinandal pa nito ang sarili roon, na para bang sa kaniya itong bahay. "Bakit ka nandito?" Huminto ako sa mismong harapan nito at galit siyang tinitigan. "Dis oras na ng gabi pero heto ka, wala ka bang bahay?" "I was just wandering around. Dito ako napadpad, kaya hinanap ko ang address mo. I need someone to talk to," pahayag nito gamit ang magaspang na boses. "Nariyan si Thalia, kayo ang mag-usap." Sa sinabi ko ay tiningala ako nito, napansin ko ang malalamlam niyang mga mata na ano mang oras ay babagsak na ang talukap. Hindi maiwasan ay nahabag ang puso ko kaya napahinga ako nang malalim. "Bakit ka nakipaghiwalay kay Thalia?" tanong ko pa habang nananatili sa pagkakatayo. "Nasabi niya naman na siguro sa 'yo ang dahilan," maagap nitong sagot. Tumaas ang kilay ko sa ere, kalaunan nang tumingala ako sa kisame. Hindi ko mawari kung gusto ko ba talagang malaman ang totoo niyang dahilan. "Pero sino iyong babae mo?" kalaunan ay saad ko, hindi na nakatiis pang magtanong ulit. "You." Tumitig sa akin si Jaxon, sa sinabi nito ay napakurap-kurap ako. "Kunwari ba ay hindi mo alam?" "This is so impossible," bulong ko sa sarili at makailang beses na nag-aatras abante sa kinatatayuan. "Mahal kita, Stacy." Mas lalo lang akong natuliro nang sabihin iyon ni Jaxon. Gusto kong magmura at sumigaw, pero heto ako at parang natuod sa pwesto. Nilingon ko si Jaxon na siyang seryoso pa rin ang mukha. "And this is not impossible," dugtong niya nang hindi ako magsalita. "But this is wrong, so wrong in any way." Malakas akong napabuntong hininga. "Umuwi ka na, Jaxon." "Nakausap ko si Dad." Pigil sa akin ni Jaxon nang tangkang tatalikuran ko siya upang makapasok na sa sariling kwarto. "Sinabi kong itigil na ang kasal, bawiin ang marriage proposal." Huminto ako sandali upang pakinggan pa ang nais niyang sabihin. Nakatagilid ako, kaya hindi ko rin makita ang kabuuan ng mukha nito, mayamaya pa nang gumalaw siya sa pagkakaupo niya. "I can't marry Thalia. Ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal." Tuluyang nanikip ang dibdib ko sa katotohanang iyon. For the past four years na naging sila, hindi pala niya minahal si Thalia? Ano 'yon, palabas lang? Bigla akong naawa kay Thalia, lahat ng efforts nito ay tila nabaliwala lang. Ang pagmamahal niya kay Jaxon, ang pagpapahalaga nito sa relasyong mayroon sila. Hindi ako makapaniwala, mas lalo akong nawala sa ulirat, lalo pa nang maramdaman ko ang presensya ni Jaxon sa likuran ko. Saka pa nito ipinulupot ang dalawang bisig sa akin. Nagulat pa ako nang isandal nito ang kaniyang baba sa balikat ko, kapagkuwan ay hinarap ang mukha ko dahilan para maramdaman ko ang mainit nitong paghinga sa leeg ko. "Ikaw iyong mahal ko, Stacy." "Paano? Hindi ba't nagkita lang naman tayo ng dalawang beses? Una ay sampung taon na ang nakalilipas. Kung tutuusin ay napakatagal na no'n. Pangalawa iyong sa Bluebells Café kaya paano, Jaxon?" sunud-sunod kong wika na kulang na lang ay malagutan na ako ng hininga. "Paano?" Pagak itong natawa. "Ikaw, paano mo nga ba ako minahal ng ganoon kadali?" Kung may pagkakataon man nga na mahimatay ako ay baka kanina pa ako nakahandusay sa sahig. Doble ang naging pagtibok ng puso ko. Paano niya nalaman iyon? O baka ganoon ako kahalata na mahal ko siya? Fuck, nag-init ang batok ko sa reyalisasyong iyon. Umabot pa ito sa mukha ko, kaya alam kong pulang-pula na ang pisngi ko. Gusto kong tampalin ang sarili at iuntog ang ulo. "Hmm, Stacy? You love me, right?" anas nito sa tunog nang-aasar. Hindi ako sumagot o nagpakita man lang ng reaksyon. Baka nga pinaglalaruan lang ako nitong si Jaxon at hinuhuli lang sa sariling dila. Mabilis akong kumalas sa pagkakayapos nito. "Matutulog na ako. Kung dito ka magpapalipas ng gabi, riyan ka na lang sa sofa matulog." Iyon lang at iniwan ko na rin ito roon. Padarag kong naisarado ang pintuan sa kwarto nang makapasok ako sa loob. Mariin akong napapikit, kasabay nang paghilig ko sa likod ng pinto. This is so wrong! Maling-mali! Ngunit bakit ganito? Ano mang gawing galit ko para kay Jaxon ay nauuwi lang sa pagmamahal ko sa kaniya? Bakit mas minamahal ko pa siya? God! I'm so sorry, Thalia... Hinangad kong sana ako na lang pero s**t, hindi ito ang inaasam kong mangyari. Marahas akong napabuntong hininga at deretsong nahiga sa kama. Pinilit kong matulog at hindi na nagtangkang silipin pa si Jaxon sa labas. Inabot marahil ako ng alas dos nang dalawin din ako sa wakas ng antok, kalaunan nang makatulog ako. Nagising ako kinabukasan nang mag-alarm ang cellphone ko, hudyat na kailangan ko nang bumangon upang mag-ayos dahil may pasok pa ako. Mabilis akong pumasok ng banyo upang makaligo na. Kaagad din naman akong natapos. Suot ko ang itim kong uniporme at isang pares ng rubber shoes. Nang makalabas sa kwarto ay maagap kong hinanap si Jaxon na ngayon ay wala na sa paningin ko. Dumeretso ako sa kusina ngunit wala siya roon, kaya muli akong bumalik sa sala. Nangunot pa ang noo ko nang makita sa center table ang isang plastic bag kaya nilapitan ko ito. "Take these all. I'm sorry but I do love you," pagbasa ko sa nakasulat mula sa maliit na papel na may penmanship ni Jaxon. Sinipat ko ng tingin ang plastic bag at nakitang puro chocolate iyon kaya napangiwi ako. Napahinga ako nang malalim at minabuting dalhin na lang iyon sa shop upang ipamigay sa mga katrabaho. Hindi ko na hinanap si Jaxon, marahil ay umuwi na iyon. Kinuha ko rin ang papel at walang pasabing nilukot. Gusto ko sanang itapon iyon, kalaunan nang matagpuan kong nakasuksok na iyon sa bulsa ng pants ko. And yeah, I really am sorry. I also love Jaxon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD