Chapter 7

1746 Words
Sinundan ko ng tingin si Jaxon na siyang nagmamadaling nilapitan ang kaniyang sedan, naroon iyon naka-park malapit lang din sa Bluebells Café. Sa paninitig sa likuran nito ay ang dami kong natanto. Hindi na siya iyong Jaxon na nakilala ko, tila ba kay layo na ng agwat naming dalawa, na para bang ako lang ito na nasa putikan. Siya naman ay hindi maabot sa kalangitan. Sa higit kumulang sampung taon, marami nga talaga ang nagbabago ngunit kataka-takang hindi man lang nagbago itong nararamdaman ko sa kaniya, kaya ngayon ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa katotohanang nagbitaw ito ng salita noon, na hindi naman niya kayang panindigan ngayon. Huminga ako nang malalim habang pilit na kinakalma ang sarili. Mabilis lang din nitong binuksan ang pintuan sa driver's seat at bago pa man siya tuluyang makapasok doon ay nagdesisyon akong takbuhin ang espasyong nakapagitan sa amin. Siguro ay isusugal ko ang isa pang pagkakataon. Kapag wala talaga, ayos na sa akin iyon— kakalimutan ko na rin siya, katulad kung paano niya akong kinalimutan. "Sandali!" Buntong hininga ko nang makalapit sa gawi niya. Huminto ako sa gilid, hudyat iyon upang ibaba nito ang isa paa na naroon na sa loob ng kotse. Nilingon niya ako at muling kumunot ang kaniyang noo. Naisip siguro nitong nababaliw na ako. Mayamaya pa nang tanggalin ko ang bag ko sa balikat at madaliang kinalkal ang loob no'n, wala akong imik habang patuloy sa paghahanap sa bagay na alam kong magiging daan para maalala ako ni Jaxon. Halos magulo ang ilang gamit ko, ang iba pa nga ay nalaglag na sa lupa. Samantala ay tahimik din si Jaxon na pinupulot ang mga gamit ko, kalaunan nang umalpas ang ngiti sa labi ko. Nasa dulo kasi ito ng bag ko, hindi ko iyon ginagamit dahil ayokong madungisan at baka mawala lang din sa akin. Sampung taon ko itong iningatan at dala-dala na parang iyon ang lucky charm ko. Sakto naman ang pagtayo ni Jaxon sa harapan ko nang itaas ko ang bagay na iyon sa ere upang ipakita sa kaniya. Napansin ko ang pagkagitla nito kaya mas napangiti ako. "Heto. Naalala mo na ako?" Iwinagayway ko pa ulit ang hawak kong coin purse sa hangin dahilan para matitigan iyon ni Jaxon nang mabuti. Malakas ang pintig ng puso ko, na para bang ang sagot ni Jaxon ang magiging hatol kung magpapatuloy ba ito sa kaniyang pagtibok, o hindi na at tuluyan nang mamahinga sa pagkakahimlay niya. Ilang segundo pa ulit ang lumipas, kinuha iyon ni Jaxon mula sa kamay upang mas matingnan nang malapitan, tila ba pilit pa niyang inaalala kung tama bang sa kaniya ang coin purse na iyon. Hindi na alintana sa akin kung ma-late man ako ngayon, animo'y nabaliwala ang kaninang pagmamadali ko at male-late lang din pala ako. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak. Gusto ko lang ipaalam kay Jaxon na ako iyong babaeng tinulungan niya noon na tangkang magpapakamatay sa tulay ng Pasig River. Ako iyong babaeng inihatid nito sa bahay namin. Ako iyong binigyan niya ng coin purse. Pigil ang paghinga ko, kinakapos ng hangin ang dibdib ko ngunit hindi iyon naging alintana sa akin. Matiyaga kong hinintay ang magiging reaksyon ni Jaxon. Mayamaya pa nang masilayan ko ang paglunok nito, kapagkuwan ay binalingan ako. Gamit ang malalamlam niyang mga mata ay tinitigan nito ang kabuuan ko, siya namang pagngiti ko sa kaniya. "Ano? Tanda mo na ba ako? Ako iyong—" Hindi ko na natuloy ang nais pang idugtong nang maunahan niya ako. "Ikaw iyong batang iniligtas ko ten years ago," deretsong pahayag niya, tila ba siguradong-sigurado siya. Rason iyon upang sunud-sunod akong mapatango, sa sobrang kagalakan pa ay nayakap ko siya. Wala na akong naging pakialam sa paligid, kung may makakita man sa amin. "Ako nga! Ako!" Umalpas pa ang ilang butil ng luha sa mata ko na mabilis ko namang pinunasan at kaagad ding humiwalay sa kaniya. "Wow," palatak ni Jaxon na hindi pa rin makapaniwala. "Small world, I guess?" Mahina akong natawa. "Akala ko ay hindi mo ako makakalimutan..." Kasi ay asang-asa talaga ako na darating ang panahong magkikita kami, hindi ko lang in-expect na ganito ang tagpo namin at sa Tagaytay pa nagkrus ang landas naming dalawa. "Well, it's been a long time. At hindi ko rin akalain na ikaw 'yan, you've grown up." Ngumiti ito sabay lahad ng kaniyang palad sa harapan ko. "Nice meeting you, again. Stacy?" Maagap kong inabot ang malambot nitong kamay at paulit-ulit na niyugyog iyon, para pa ngang ayaw kong bitawan siya. Kalaunan nang ako na lang din ang mahiya sa sariling kabaliwan. "Nice meeting you too, Jaxon. Iyon pa rin ba ang number mo?" tanong ko nang maalala ang numerong ibinigay niya noon. Nasa akin pa rin naman iyong number niya, inilipat ko lang sa isang papel at inipit sa journal book ko. Binalak ko pa ngang i-palaminate iyon para hindi mawala, nanghinayangan lang ako sa sampung piso. Hindi ko lang magawang tawagan siya noon dahil bukod sa wala akong pera pang-rent ng telepono sa tindahan o 'di kaya ay sariling cellphone na magagamit— ay mas pinili kong harapin ang totoong nangyayari sa buhay. Sa sinabi ko ay natawa si Jaxon kaya natauhan ako, nilingon ko ito at muling ibinigay sa akin ang coin purse. Mayamaya pa nang mula sa bulsa ng kaniyang tuxedo ay inilabas nito ang isang magarang ballpen. "Sampung taon na ang lumipas, napaka-imposible namang iyon pa rin ang number ko." Muli siyang tumawa habang abala sa pagsusulat sa braso ko. "Ayan, kung may kailangan ka financially, pwede kitang pahiramin." "Hindi iyon ganoon," maagap kong sambit. "For the meantime, mauuna na ako kasi may trabaho pa ako. Babalik pa akong Makati." Sa narinig ay kaagad akong tumango bilang pagsang-ayon. Ngumiti ulit siya at katulad ng dati, ginulo nito ang buhok ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang makasakay na ito sa kaniyang sedan. "Ingat, Jaxon..." sambit ko na hindi na niya narinig dahil isinarado na nito ang pintuan ng kotse. Umatras ako at parang tuod na nag-ugat sa kinatatayuan ko habang pinapanood ang papalayo niyang kotse, sa paglayo nito ay siyang paghina ng t***k ng puso ko. Mahigpit kong nahawakan ang coin purse. Hindi rin nagtagal nang tumalikod ako, deretso ang naging pagpasok ko sa Bluebells Café na parang hangin lang. Magaan ang pakiramdam ko at para akong hinihele sa ulap. Nang makapasok sa locker room ay kaagad kong inilipat ang number na siyang isinulat sa braso ko sa journal book ko, na palagi kong dala. Isinuksok ko pa iyon sa pinakadulo ng bag. Kapagkuwan ay maraming beses na nagpakawala ng hininga sa kawalan. Hindi ko mawari kung anong gagawin, para akong tinatakasan ng kaluluwa at nawawala sa sarili. Sa sobrang kalutangan nga ay mabilis lang na lumipas ang oras, hindi ko na namalayan ang pagdating ni Thalia sa tabi ko at binubuksan na ang kaniyang computer. "Hello, Stacy!" bungad nito sa akin, kaya sinipat ko ito ng tingin. "Ano nga palang pangalan ng boyfriend mo?" Hindi ko na napigilan at iyon kaagad ang nasambit ko. Ngayon pa lang ay magso-sorry na ako. s**t, gulung-gulo ang utak ko. Tama nga si Jaxon— small world. Napakaliit naman ng mundo na si Jaxon pala ang tinutukoy na boyfriend ni Thalia. I'm torn between be happy or sad. Hating-hati ang emosyon ko sa dalawa, iyong tipong masaya naman ako na nagkita kami ni Jaxon, but knowing na may girlfriend na ito ay nalulungkot ako. But then, I should be happy. Kay Thalia siya napunta, swerte niya dahil si Thalia ang naging girlfriend ni Jaxon. Siguro nga ay mas maging masaya na lang ako para sa kanila. "Hindi ko pa pala nabanggit, ano? Jaxon Lewis ang pangalan niya. Soon ay makikilala mo rin siya, pupunta iyon dito kasi may gatherings ang family namin." Nakita ko na siya. Right, I should be happy. Malakas akong napabuntong hininga, kasabay nito ay ang pagdaan ng oras. For christ's sake, alas dos na ng umaga at heto ako at hindi pa rin makatulog kahit pa'y sobrang bigat na ng talukap ko. Ilang beses na akong nagpaikut-ikot sa hinihigaan kong kama, pilit na hinahanap ang gustong pwesto ng katawan ko. Bandang huli ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Mabilis kong itinakip ang isang unan sa mukha ko at mariing napapikit. Gising na gising ang diwa ko habang paulit-ulit lang na nagma-materialize sa utak ko ang mukha ni Jaxon. Pati na rin ang mga nalaman ko. f**k, bakit ang hirap tanggapin? Bakit hindi ako matahimik? Ayokong makiapid, may Thalia na siya. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng paghihiwalay nila. Goodness, kailan man ay hindi sumagi sa utak ko na magiging kabit ako. Namuhay ako ng tahimik, iyong walang gumugulo sa buhay ko, kaya please lang, self— don't do this to me. Kalaunan nang mamalayan ko na lang ang sarili na inaabot ang cellphone kong naroon sa bed side table. Titig na titig ako sa number ni Jaxon na siyang nasa screen ng phone ko. Kanina pa ito naka-save pagdating ko sa bahay at kanina pa rin nangangati ang kamay ko na tawagan siya o 'di kaya ay i-text si Jaxon, pero mas pinili kong huwag na lang. Ngunit ngayon ay mas nanaig ang kagustuhan kong tawagan siya. Huli na nang ma-end ko ang call dahil sinagot na niya ito, halos mapatalon pa ako sa gulat dahil hindi ko in-expect na gising pa si Jaxon. "Hello?" Ang paos nitong boses ang nabungaran ko sa kabilang linya. Nangatal ang labi ko, nanginig ang mga daliri ko sa kamay, kasama ng buong katawan ko. Natulala na lang din ako sa madilim na kwarto ko. "Hello? Stacy?" Sa narinig ay nanlaki ang dalawang mata ko. Umahon pa ako mula sa pagkakahiga at inihilig ang likod sa headboard ng kama. Paano niya nalamang ako ang tumatawag? God, my heart is pounding like crazy. Tumikhim ako upang walain ang nakabara sa lalamunan ko, para lang akong naputulan ng dila dahil hindi ako makapagsalita. Mayamaya pa nang mahina akong napabuntong hininga. "Paano mo nalamang ako 'to?" tanong ko habang yakap-yakap pa sa kabilang kamay ang isang unan. "I've been expecting you to call me, that's why I'm still wide awake." Halos manuot sa puso ko ang lambing ng boses nito. "So, how are you for the past ten years?" Iyon yata ang naging rason kung bakit mas nahulog ako kay Jaxon. Kaagad ko ring kinain ang salitang hindi ako makikiapid but f**k, ngayon ko lang ulit ito naramdaman. I'm sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD