Chapter 11

1080 Words
Nakatayo malapit sa pinto ng verandah si Amira habang nasa sala kasama ang anim niyang kapatid. Umiikot ang isipan niya kung sino sa mga ito ang mukhang pera gaya ng isang tunay na Banal. Sino ang posible niyang makalaban sa darating na panahon dahil sa Banal Mining? Galing daw sila sa walong iba’t ibang babae. Mga babaeng pinaluha ni Alfie Banal. Habang wala naman itong naging anak kay Carrie Banal kaya para daw sa madrasta nila ay parang anak na lang ang turing nito. Hindi na lang siya kumibo dahil ayaw niyang lumabas na kontrabida. Mas gusto niyang tumahimik, mag-obserba at maging maingat. Dalawa sa mga nakatatandang kapatid niya ang unang sumalubong sa kanya nang bumaba siya sa sala at nagpakilala sa kanya sa ibang mga kapatid. Sina Yumi at Vera Mae ay parehong lumaki sa poder ng mga Banal kahit pa nga di pinakasalan ni Alfie Banal ang ina ng mga ito. Si Yumi ay twenty-seven years old, mahaba ang tuwid nitong buhok, maputi at malamlam ang mga mata. She was sweet and very simple. Kahit na designer ang suot nitong damit, she wanted to keep things at a minimum. Ito ang unang yumakap at nag-welcome sa kanya nang bumaba siya sa sala. Kaedad nito si Vera Mae. Mula ulo hanggang paa ay naghuhumiyaw ang designer label na suot nito ng Ate Vera niya. She was nice and welcoming as well pero hindi kasing sweet ni Yumi. Ang di lang niya gusto ay hindi cruelty-free ang gamit nitong make up kahit pa mamahalin. Binanggit kasi nito kung anong brand ang make up nito nang punahin ng isa sa mga kapatid nila. Si Mabel na twenty-four years old ay mukhang tahimik lang noong una at mukhang probinsiyanang mahiyain. Hanggang mapansin niya na napapadalas ang pag-uutos nito. Magiliw naman itong mag-utos pero ultimo simpleng pag-aabot lang ng bagay na kaya naman nitong abutin ay inuutos pa rin nito.   Kinilabutan naman siya nang dumako ang paningin niya sa babaeng sabog-sabog ang wavy na buhok na lampas sa balikat. Nakasuot ito ng jacket, T-shirt, shorts na khaki at sneakers na nakataas pa sa center table habang ngumangata ng Cheeros. “Hi! Ako si Berry,” anito at iwinagayway pa ang kamay na nangungulapol ng cheese powder. “Beinte kuwatro na ako. Ayos dito. Ang daming foods dito. And the house is beri big. Masarap gumulong-gulong sa malambot na kama. Kahit dito sa sofa masarap din na humiga.” Tumihaya ito sa sofa at saka ipinatong ang paa sa arm. Ni hindi man lang nito alintana na nasa katabing single settee si Mabel parang di alam kung paano ngingiti sa pagsirko nito. “Pangarap ko talaga ng ganitong bahay. Kulang na lang swimming fools.” Pumikit na lang si Amira at muntik takpan ang tainga. Hindi kaiga-igayang pagmasdan si Berry at di rin niya gustong pakinggan ang pagsasalita nito. In a way, she pitied her. Mukhang lumaki ito sa hirap at di nabigyan ng magandang edukasyon. Kung lumaki ito sa poder ng mga Banal, baka saka-sakali ay mas maayos-ayos ito… kahit man lang sa grammar. “Aray!” narinig na lang niyang sabi ni Berry. “Ay, sorry, sorry, Berry!” anang si Sky. Nanghaba ang nguso ni Berry nang sumandal sa sofa at tiningnan si Sky. “May bayad ang bawat aray ko.” Natigagal si Sky. “Ha?” “Kako, may bayad ang bawat…aray ko…” Nakataas ang kilay niya itong tiningnan. Seriously, huwag nitong sabihing sisingilin nito si Sky samantalang nag-sorry na ang isa. “Siyempre dyowk lang iyon. Upo na. Baka magbago pa ang isip ko.” Parang alanganing umupo si Sky sa sofa at dumistansiya kay Berry. Hindi niya alam kung talagang joke lang iyon ni Berry o hindi. Pero para safe ay mas mabuting dumistansiya din siya dito. Baka mamaya ay singilin din niya ito kapag nasagi lang nang bahagya. “Gusto ko ng foods,” sabi naman ni Berry at itinaas ang plastic ng Cheeros. “Kaso ubos na pala itong kinakain ko. Inday, gusto ko pa!” “Tama na iyan. Bawal ang sitsirya bago kumain. Baka mawalan ka ng gana mamaya sa dinner,” saway ni Vera Mae dito. “Hindi naman ako mawawalan ng gana,” protesta naman ni Berry at nanghaba ang nguso. “Hayaan mo na siya,” anang si Yumi sa malumanay na boses. “Berry, magpapakuha lang ako kay Manang, ha?” “Thank you, Ate. Da best ka talaga!” sabi ni Berry at nag-thumbs up. Itinupi nito ang plastic na pinagbalutan ng Cheeros at saka isinuksok sa  gilid ng sofa nang akala nito ay walang nakakakita. Tapos ay patay-malisya lang ito habang dinidilpatan ang cheese powder sa mga daliri nito. “Ikaw, Ate Amira, anong ayaw at gusto mo?” tanong naman ni Eira. “Gusto kong makipag-usap sa mga taong may sense at malawak ang pag-iisip,” sabi niya at humalukipkip. “Dahil environmentalist ako, ayoko sa mga taong kung saan-saan nagtatapon ng kalat,” tumuon ang tingin niya kay Berry na pasipol-sipol pa na animo’y di ito ang tinutukoy niya, “at ayoko rin sa mga taong gumagamit ng make up na ginamit na pang-test ang mga hayop.” Tumingin siya kay Vera Mae. “Can you imagine wearing make up that is a product of animal cruelty? Na may rabbit na umiiyak habang pinapahid ang blush mo?” “Huwag ka namang masyadong seryoso, my dear,” nakangiting wika ni Vera Mae. “Hindi naman tayo kandidata sa Miss Earth. Just chill.” Sheesh! Wala talagang pakialam ang mga ito tungkol sa kalikasan. She was living and breathing nature conservation. Habang ang mga ito naman ay… ano nga ba ang mahalaga sa mga ito na kapaki-pakinabang sa mundo? “Sino pa bang hinihintay natin at di pa tayo nagsisimula na lumafang? Tomguts na ako,” angal ni Berry at kinamot ang tiyan nito. “Hinihintay pa natin si Lolo at ang isa pang kapatid natin. Ipapatawag ko na siya kay Manang,” sabi naman ni Yumi. “Kainin mo muna itong Cheeros mo. Ibang flavor naman iyan.” “Salamuch, Te,” wika ni Berry at ibinagsak ulit ang sarili sa sofa saka nginasab ulit ang bagong Cheeros nito. “Good evening, ladies,” anang si Don Alfonso na nakasakay sa wheelchair at tulak-tulak ni Carrie. “Is everyone ready for dinner?” “Wala pa po si Ailene pero pinasundo ko na po,” anang si Yumi. “Oo nga po, Lolo. Gutom na nga ako,” sabi naman ni Berry na ngata pa rin ng ngata ng Cheeros. Parang walang kabusugan.  Tumingala ang lahat nang marinig na may bumababa sa hagdan. Coat at knee high boots ang suot ng babae na feel na feel ang pagrampa pababa ng grand staircase. Ito na marahil ang kapatid niyang late. Ah! That smug look on her face was telling her that she intentionally arrived late so she could get everyone’s attention.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD