“WHAT? Nandiyan si Aunt Carrie sa mansion ngayon?” di makapaniwalang tanong ni Vera Mae sa kanya. Ito kasi ang una niyang naisip na tawagan dahil bukod sa nasa Baguio lang ito, di maselan ang kondisyon nito di gaya ng Ate Yumi niya na kasalukuyang nagdadalang-tao at ayaw niyang bigyan ng stress. “Oo. Gusto daw niyang bumalik sa kay Papa kahit bilang alila, alipin or whatever,” aniya at tumanaw sa labas ng bahay. Madilim na sa labas nang mga oras na iyon at ilang oras na rin mula nang harangin sila ng madrasta sa labas ng mansion. “Gusto daw niyang makabawi at hingin ang kapatawaran natin.” “Tinanggap ba naman ni Papa? Alam naman natin na gustong makipag-date ni Papa sa kay Tita Himaya pero deep inside, in love pa rin iyan kay Aunt Carrie. Twenty years is twenty years,” paalala nito. “Iy

