“You are smiling.” Gulat na nilingon ni Amira si Francois na nasa manibela ng sasakyan nito. “Anong sabi mo?” “Sabi ko ngumingiti ka na. Ganyan ka mula nang makasama mo ang mga kapatid mo. Lalo na kapag kausap mo si Eira.” Ihahatid siya ng binata pabalik sa guesthouse. Ala una ng hapon na siya nakaalis ng ospital dahil ayaw pa rin siyang pakawalan ni Eira. Kundi pa niya sinabi na kailangan na niyang maligo ay di pa siya nito pakakawalan. Dumating na ang ibang mga kapatid niya para siya namang magbantay sa lolo niya kaya naman di siya agad nakaalis. Hindi lang siya komportable na nagtatanong ang mga ito kung saan siya nanggaling. Buti na lang at gumagawa ng paraan sina Yumi at Francois para i-distract ang atensyon ng mga ito sa topic. “Hindi nga ako masyadong nagsasalita,” sabi niya a

