Chapter#15

1681 Words
Nakahawak lang sa dibdib na sinundan ni Amy ng tingin ang papalayong bulto ng asawa. Akala talaga nya napahamak na ito. Nagising sya nang makarinig ng putok ng baril. Sa isiping nasa labas ang asawa nya ay nagmadali syang lumabas at ni hindi nakapagsuot ng tsinelas. Nakahinga sya ng maluwag pero puno ng galit ang dibdib nya. How dare her husband to made her scared like crazy?. Napatingin sya sa kamay na pinangsampal sa asawa, kahit galit sya ay nakokonsensya sya sa ginawang pagsampal rito. "Amy" nakabalik lang sya sa kasalukuyan nang marinig ang pangalan nya. Saka lang nya napansin na nasa table pala sya kung nasaan naruon ang mga kaklase nya nung high school. Napalunok sya, nakita kaya ng mga ito? Napasapo sya sa bibig, imposibleng hindi nakita ng mga ito. "Gaga ka! May asawa ka pala!?" Bakas ang pagtatampo sa tono ni Cassandra. "Amy, asawa mo yung—" lumunok muna si Shia. "Yung gwapong yun?" Dugtong ni Shia. "Akala ko single ka?" si Dione iyun na bakas ang lungkot sa tono. "Paano mo yun nakilala?" Si Riane na sobra ang pagka-curious. "Asawa mo talaga yun?" Si Enrico naman ang nagtanong. Paano nya sasagutin ang tanong ng mga ito?. Mababaliw na sya. Bago pa sya makasagot ay nakabalik na ang asawa nya. Ito ang nagsuot sa kanya ng tsinelas at hinila sya patayo. Akala nya ay aalis na sila pero nagulat sya nang naupo ito sa inuupuan nya. Sinamaan nya ito ng tingin sa ginawa nito dahil sa kung anong kalokohan nanaman iniisip nito. Tumawa ito atsaka sya hinila paupo sa hita nito. Napalunok sya't tinignan ito ng masama pero balewala lang rito ang tingin nya. Nakakaasar talaga ang lalaking ito!. "Awieet, sana ol!" Rinig nyang pagpaparinig ni Cassandra pero nang tignan nya ito ay inirapan sya nito. Nagtatampo ito sa kanya panigurado. "Bakit hindi mo sinabing may asawa ka na Amy?" Ani Shia na nakanguso. Nagtatampo rin ito. "Bakit kasi hindi mo sinabi— ah" siniko nya ang malokong asawa. Gustong-gusto talaga sya nitong asarin. "So, it's true" malungkot pa rin ang tono ni Dione kaya lalo syang nagtataka. Hindi na sya nakapagtanong dahil nagpaalam na itong aalis saka lumayo na sa kanila. Pinasadahan sya ng tingin ni Riane bago sumunod kay Dione. Naiwan si Enrico at ang asawa nito, alam nyang makikichismis ito tungkol sa kwento nya. Napaigtad sya nang maramdaman ang pagdampi ng labi ng asawa nya sa leeg nya at humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "That man, he likes you, right?" Nailayo nya ang sarili sa asawa nang magsalita ito at sinalubong ang tingin nito. "Sino?" Tanong nya rito. Tinitigan lang sya nito pagkatapos ay ito na ang kumilos para muling maisandal sa balikat nya ang baba nito. "The one who just left" sagot nito sa tanong nya. Si Dione? "Hindi, mali ka" sagot nya rito at binalingan ulit ang mga kaklase pero makulit ito. Hinalikan ulit sya nito sa leeg, nararamdaman nanaman nya ang mga paru-parung naglalaro sa tyan nya. Kahit kailan talaga tukso ang lalaking ito. "Alam ko tama ako" sabi pa nito saka nakasandal ang baba sa balikat nyang tumingin rin sa mga kaklase nya. "Hi to you guys" bati nito sa mga kaklase nya. Ngumiti ang mga ito at bumati pabalik. "I'm Enrico" pagpapakilala ng kaklase nya't inilahad ang kamay. Tumango lang ang asawa nyang nakapatong pa rin sa balikat nya kaya nakikiliti sya. "Keep it. I'm hugging my wife, you see?" anito tinutukoy ay ang pakikipagshakehand. Lakas talaga nang trip nito. Kinurot nya ito sa braso para umayos ito pero tumawa lang ito at hinalikan ulit sya sa leeg. "Baby, masakit ka mangurot" sabi nitong tumatawa kaya lalo syang nainis. Kinurot ulit nya ito pero hinalikan lang ulit sya nito sa leeg, loko-loko talaga. Pag sya naadik sa halik nito lagot talaga ang lalaking ito sa kanya. "Let's make a deal" maya-maya'y sabi nito. Kumunot ang noo nya't pumihit paharap rito. "C'mon, it's not what you think" natatawang sabi nito. "Anong deal?" Tanong nya. Hindi nya naririnig ang boses ng mga kaklase nya, nakikinig ang mga loko sa kanila. Umirap nalang sya't hinayaan nalang ang mga ito makinig kesa naman magpaliwanag sya kung bakit hindi nya sinabing may asawa sya. Baka pagnagkataong madulas ang dila nya't masabing dahil sa ginawa nyang marriage contract ay nakasal sya ng wala sa oras. "Just don't pinch me" sabi nitong may inosenteng ngiti. Tumawa sya ng peke saka ito malakas na kinurot pero hindi nya inaasahan ang ginawa nito. Napakurap-kurap sya nang mamalayang nasa mga labi na nya ang malambot nitong mga labi. Did he just, kissed her?. "One pinch one kiss" anito nang maghiwalay ang mga labi nila. "That's our deal" hinalikan ulit sya nito pagkatapos ay ngingisi - ngising humarap sa mga kaklase nya. Napalunok sya, nakakatawa dahil nakukulangan pa sya. She wants more for pete's sake!. Hindi ito ang unang pagkakataon na hinalikan sya nito, minsan kasi kailangan nilang gumawa ng palabas sa tuwing nasa event sila para mapaniwala ang mga taong totoo ang kasal nila pero di naman kailangan ng show sa harap ng mga kaklase nya E! Nakakaasar naman itong asawa nya, naramdaman nanaman tuloy nya ang pakiramdam ni dakilang tagabitin. "Kadiri!" Pagpaparinig ni Cassandra. "Ano yan, mala-fiction!?" natawa sya sa sinabi nito. Kaya pala ang bitter eh. "Lakas maka w*****d amp!" Si Shia naman ang nagsalita kaya lahat sila ay natawa. Pati si Enrico ay nakitawa. "Amy, pasok ba yan sa sukat?" Namula sya sa tanong ni Cassandra. Hindi nya nasusukat pero base sa nakita nya, pasok na pasok!. "Nahiya ka pa, asawa mo naman!" Ang asawa ni Enrico ang nagsalita. Nagtawanan ang tatlong babae pero sya ay tahimik lang dahil naalala nanaman nya. Nang makita ang hindi maka relate na itsura ni Weyn ay saka lang sya natawa. "Sa reaction ni Amy, alanganin. Maikli ba?" Natatawang ani Cassandra. "Hindi ah!" Pasigaw na dipensa nyang malokong ngumiti ang tatlo. "Awieew, lumalaban. Sakin 7 and a half" ani Cassandra. "Akin 6 and half lang" ani asawa ni Enrico. "Sukatan na ba this? 7 lang akin" pakikisakay ni Shia. Gusto nyang tumawa sa topic nila. Kasama nila mga asawa nila for goodness sake. Mukhang naintindihan ng mga asawa ng tatlo ang topic nila pero ang asawa lang nya ang hindi makarelate. Poor little thing, hindi makarelate ang husband nyang pabitin. Nakagat nya ang ibabang labi sa mga naiisip habang nakatingin sa asawa nya. "Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" naguguluhang tanong nito kaya natatawa syang umiling. This man never failed to amuse her. "Wala, ge lang tunganga ka lang dyan" natatawang aniya at bumaling ulit sa mga kaklase. "Sorry, hindi ko nasukat" pagdadahilan nalang nya. Umirap ang tatlong babae na inaasahan na nya. "May bakante nang upuan oh, wag masyadong maharot!" Natawa sya sa sinabi ni Shia at aalis na sana sa pagkakalong ng asawa nya pero hindi sya nito pinayagan. Umiling ito at mas hinigpitan ang hawak sa kanya. "Dito ka lang" Madiing sabi nito. Umirap sya't sinalubong ang tingin nito. "Hoy lalaki, mabigat ako at alam ko yun kaya tumigil ka dyan!" pangaral nya rito pero di sya nito pinansin. Hinigit sya nito at isinubsob ang mukha sa leeg nya. Ano bang akala nito sa kanya unan?. "Huy!, iinom ako ng alak. Malikot ako malasing" pangungumbinsi nya pero para itong linta. Ang kulit!. "Tsk tsk, sana ol" pagpaparinig ni Cassandra kaya ang asawa nito ay hindi nakatiis. Pinatayo nito si Cassandra pagkatapos ay pinakalong rin. Naggayahan na ang tatlong couple, ang kulit kasi ng asawa nya eh. "Lakas talaga ng trip mo eh no?" Sabi nalang nya't napailing nang hindi ito sumagot. Ano bang nakain ng asawa nya't ganto ito makadikit sa kanya ngayon?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD