Chapter#16

1540 Words
Kagat-kagat ang ibabang labi na tinitigan ni Amy ang tulog na asawa. Hindi naman sya nalasing dahil halos hindi naman sya uminom. Nagkwentuhan lang silang magkakaibigan at kung ano-ano pa. Alasingko pa lang ng umaga kaya hindi pa sumisikat ang araw pero gising na gising na sya. Ang asawa nya naman ay tulog na tulog, napagod siguro ito kaya hinayaan nya na lang itong sulitin ang tulog nito. Akala talaga nya ay maninibago syang matulog na katabi ang asawa nya pero mas naging kumportable ang tulog nya kaya maganda ang gising nya. Walang ingay syang bumangon at kumuha ng damit na isusuot, balak nyang maligo sa baba. Ilang minuto lang ang tinagal at natapos na syang maglinis ng katawan. Naabutan nya sa kitchen ang kanyang ina na naghahanda ng almusal, kaya tumulong na sya. "Maaga ka yatang nagising?" tanong nito sa kanya habang pareho silang naghahanda ng mesang kakainan. "Nga pala, magdagdag ka ng upuan dahil para sa asawa mo" bilin pa nito. Tumango sya't sinunod ang utos nito. "Nakatulog kasi ako nung hapon kaya maaga akong nagising" sagot nya sa unang tanong nito. "Andyan na pala Papa mo" imporma sa kanya ng ina. Binalingan nya ng tingin ang direksyong itinuro nito at sinalubong ang kararating lang sa dinning na ama saka humalik sa pisngi nito. "Good Morning pa" bati nya ritong tinanguan nito. Inaantok pa siguro ito kaya tipid itong magsalita. Ilang sandali lang ay nagsimula nang bumaba ang mga kasama nila sa bahay. Puro matatanda lang dahil yung mga bata ay 7 ang oras ng pagkain. Hindi pa sya makapaniwala nang makita ang oras na alasais na agad. Ang bilis talaga umandar ng oras. "Kumpleto na ba lahat?" Tanong ng kanyang ina kaya tinignan nya lahat ng nakaupo. Kumpleto na, pati kuya nya na half close pa ang mata ay nakaupo na. Natawa sya nang makita kung paano ito gisingin ng asawa nito, ang tyaga talaga ng asawa ng kuya nya. "Anong tinatawa-tawa mo? Porket wala kang jowa!" Pang - aasar nito. Lahat ay natigilan at napatingin sa kanya. Oo nga pala, wala yung kuya nya nung dumating si Weyn. "Nasaan ka kahapon kuya?" Tanong nya kaya tumingin ulit sa kanya ang kapatid. "Sa campo, pinatawag ako ni Sergeant" sagot ng kuya nya. Sundalo kasi ang kuya nya kaya kapag pinatawag ay kailangan agad pumunta. Kawawa naman, ito ang nakaisip ng reunion pero di nakarating. Pigil nya ang matawa. "Bakit mo tinatanong?" tanong nito bago ibalik ang tingin sa kinakain. Pumwesto na sa kanya-kanyang upuan ang lahat at nagsimula nang kumain. Sya lang ang nanatiling nakatayo at nag-iisip ng isasagot pero baka pwede namang wag nang sagutin ang tanong ng kuya nya?. "Wala lang" sabi nalang nya't uupo na sana sa upuang para sa kanya nang may humawak sa braso nya. "Morning" bati ng asawa nyang kakagising lang. Tinignan nya lang ito at hinayaang yakapin sya nito mula sa likod. Bakit ba napakalambing nitong kumilos?. Hindi naman nito kailangang gawin yun sa harap ng mga magulang nya. Mas lalo lang nagiging kumplikado ang lahat para sa kanya. "Kanina ka pa ba gising?" Tanong nitong nakayakap pa rin sa kanya. Tumikhim ang ama nyang kumakain kaya nabaling sa pamilya nya ang pansin nya. Nakatingin na sa kanila ang lahat, pati ang kuya Ethan nya na nabitawan ang hawak na kutsara. "Bitawan mo ang kapatid ko!" Madiing sabi ng kuya nyang nakatayo na. Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at tumingin sa kuya Ethan nya. Ano ba yan, magkakagulo ba?. Nakita nya si Kiel na tumayo rin sa kinauupuan at pumwesto sa likod ni Weyn. "Sino ka at bakit ka nandito?" Akala mo ay pag-aari sya ng kuya nya sa paraan ng pagsasalita nito. "Kuya naman—" "Hindi ikaw ang kinakausap ko Amy" putol nito sa sinasabi nya. Hala, seryoso ito!?. "Sir, I'm Zefrouweyn, Amy's husband" pagpapakilala ni Weyn pero tumawa ang kapatid nya. "Sinong pinaglololoko mo? Asawa ka ni Amy! Ginagago mo ba ako!?" Galit ang tono nito. Hindi siguro nito nagustuhan na niyakap sya ni Weyn, pero asawa nga sya eh, kaya ayos lang. "Ethan!. Nasa harap tayo ng pagkain" saway ng Mama nya sa kuya nya. "Baby, kalma ka lang" pagpapakalma naman ng asawa nito. "Pero, nababaliw na ata yan! Narinig nyo naman— niyakap pa si Amy—" "Asawa nga sya ni Amy, anong masama sa pagyakap sa kapatid mo?" Ang papa na nya ang nagsalita. Ito ang dahilan kaya wala syang naging jowa, ang kuya nya at ang pamilya nya. "Pa!" Pasigaw na reklamo ng kuya Ethan nya. Sino ba naman kasi ang maniniwala na may asawa na sya?. Kahit sya nga nung una hindi makapaniwala E. Naramdaman nyang bumuntong hininga ang asawa nyang nakapwesto pa rin sa likod nya. Naawa sya rito, andami nitong kailangang kausapin para lang maniwala ang pamilya nyang asawa nya nga ito. Nakagat nya ang ibabang labi at nag-isip ng maaaring sabihin. "Pa, naniwala agad kayong asawa sya ni Amy!?." galit na sabi ng kuya nya. "Amy, masyado ka bang desperadang may masabing asawa kaya dinala mo yan dito? Pano kung buntisin ka lang nyan tapos iwan ka? Anong gagawin—" "That's enough!" Pasigaw na sabi ni Weyn. Madilim ang awra nito. Ano bang nangyari sa umaga nya?. Ang kuya naman kasi nya ang sakit magsalita!. "We're just telling you the truth. I know you cared about my wife but please watch your words. Amy don't deserve such accusations and words of yours" gusto nyang maiyak sa pagtatanggol nito sa kanya. Okay na, sapat na sa kanya ang minsang maramdamang mahalaga sya para rito. "Aba't tinuturuan mo ba ako—" "Ethan tama na! Hindi maganda ang mga sinabi mo." Nagsalita ulit ang ama nya. Binigyan nito ng masamang tingin ang kapatid nya. "Kasal sila, nakita namin ang marriage contract nila" paliwanag ng kanyang ama. Hindi makapaniwalang napailing ang kuya nya. Kinausap ito ng asawa nito at sinabing totoo ang tungkol sa kasal nila. Nawalan na ang gana ni Amy dahil sa tension na namayani sa pagitan ng kuya Ethan nya at nang asawa nya. Hindi maiwasan ni Amy ang paminsan-minsang silipin ang kuya nya at asawa nyang nag-uusap. "Amy, magiging okay rin sila" pagpapagaan sa loob nya ng asawa ng kuya nya. "Kung makapang-asar na single ako pero tignan mo, sya pa galit na galit nung nalamang may asawa na ako!?" nakangusong aniya na tinawanan ng sister-in-law. "Alam mo namang mahal na mahal ka lang ng kuya mo" sabi pa nitong inirapan nya. Mahal na mahal! Bwisit yung kuya nya!. "Weyn!" Halos tumalon syang sinalubong ito nang matapos itong kausapin ng kuya nya. Ngumiti ito at walang pasabi syang hinalikan, ano nanamang palabas ito?. "Bakit?" Tanong nya rito pero umiling ito. "Nothing" sagot nito at tumingin ulit sa kuya nyang nakaakbay ang mga ito sa pamamagitan ng mga asawa. Ano kayang napagkasunduan ng mga ito?. Ang kumplikado talaga ng isip ng kuya nya pati asawa nya ay binibiktima nito. Ilang ulit nya pang tinanong ang asawa kung anong napag-usapan pero wala itong balak sumagot. Ano ba kasing pinag-usapan ng mga ito?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD