Hindi na mabilang ni Amy kung ilang ulit na ba syang napairap habang naririnig ang usapan ng mga kapit-bahay nilang kamag-anak rin nila. Nasa living room ang mga ito at nakikipagkwentuhan sa mga magulang nya.
"Amy, punta ka rito" tawag sa kanya ng tita nyang akala mo'y close na close nya.
Pilit syang ngumiti at walang nagawa kundi ang lumapit sa nagkukwentuhan. Umupo sya malapit sa kinauupuan ng kuya Ethan nya at ng asawa nitong sweet na sweet nanaman. Kung umasta ang dalawang ito akala mo isang dekadang hindi nagkikita e.
"Ba't ganyan mga mata mo? Tusukin ko yan e!" Ang mapang-asar na kuya ay hindi nanaman nakatiis. Umirap lang sya't bumulong.
"Gross!- ah!" Tumama sa balikat nya ang mabigat nitong kamay. Mapanakit talaga ang kuya nya. Lakas mang-asar pero pikon.
"Amy, malaki ba kita mo sa pag-aaccounting?" Tanong ng tita nya sa kanya. Kung hindi tungkol sa lovelife nya ay tungkol naman sa trabaho nya, mga tao nga naman.
"Hindi na po ako accountant, wedding organizer na po ako ngayon" sagot nalang nya. Lahat ay nagkatingin at nagsimula syang atakihin ng mga tanong.
"Mas malaki ba sweldo ng wedding organizer?" Tanong naman ng pinsan nyang kapitbahay nila.
"Depende sa kumpanya at customer, pero compared sa pinagtatrabahuan ko noon na company as an accountant mas malaki nga ang sweldo kumpara sa wedding organizer" paliwanag nya.
Umasim ang mukha ng mga kausap mukhamg hindi nito gusto ang sinabi nya.
"Bakit ka umalis sa dati mong trabaho kung mas mababa ang sweldo ng wedding organizer?" Kinagat nya ang ibabang labi bago sumagot.
"Nakiusap kasi sakin yung friend ko, nagtayo sya ng business at kailangan nya raw ako kaya nagtrabaho ako sa company nya, as a wedding organizer" pagpapaliwanag nya. Nagtanguan ang mga ito.
"Kaibigan mo naman pala may-ari ng negosyo eh, syempre malakas kapit kapag ganun 'di ba?" Hindi nya nagustuhan ang sinabi ng pinsan nya, ampangit ng dating.
"Friend ko nga ang CEO pero walang especial treatment, actually ako ang may pinakamaraming ginagawa but still our CEO's treatment in her employees are fair so don't say again the word kapit because I'll gonna reap your mouth off" mahabang litanya nya na hindi nya siguradong naintindihan ng mga ito pero okay na ring hindi naintindihan ng mga ito.
Nakagat nya ang ibabang labi nang makita ang asawa ng kuya nyang nagpipigil ng tawa, mukhang nasundan nito ang mabilis nyang pagsasalita.
"Waah, english" napairap sya, yun lang nasabi ng mga ito. Hindi sya tatagal rito. "Kaya pala englishero rin asawa mo kasi nagi-english ka rin" asawa nanaman nya ang na topic.
"Hindi, englishero na talaga yun nung nakilala ko. Buti nga ngayon nagtatagalog na sya" paliwanag nya. Totoo naman eh, buti nga nagtatagalog na ang asawa nya. Akala nya nga noon hindi ito nakakaintindi ng tagalog eh.
"Ganun? Americano ba asawa mo?" Dito nanaman sa americano. Tumango na lang sya para wala ng gulo.
"Aba!, nakadali ka pala ng amerikano" napapikit sya, bakit ba parang naaasiwa sya sa mga choice of words ng mga ito na dati naman ay sanay na sya.
"Nakarating ka na ba ng ibang bansa? San kayo nagkakilala" tanong naman ng tita nya. Yung kuya nya ay tahimik lang mukhang interesado rin malaman ang isasagot nya.
"Oo na, nakapunta na ako ng Russia, Canada, Switzerland and Macau China" napanganga ang mga kausap pati kuya nya kaya sya natawa.
"Bakit?" Natatawang tanong nya.
"Andami mo nang napuntahan hindi mo sinasabi samin?" Hindi nya inaasahang ang kuya nya ang unang magtatanong.
"E, hindi naman kayo nagtanong" natatawang sagot nya. "For work purposes naman kasi yun atsaka naging company representative ako noon dahil na rin sa utos ng boss ko" dagdag nya pa.
"Boss mo?" tanong ng tita nya kaya tumango sya. "Oo, sabi nya masyado daw akong magaling para maging office employee lang kaya pinapadala nya ako sa ibang bansa kapag may business meetings, and etc. "
"Sabihin mo may gusto sayo boss mo" awtomatikong tumama ang paningin nya sa asawang naupo sa tabi nya.
"Who's your former boss?" Seryoso ang tonong tanong nito.
"H-hindi, mali ka" nasabi nya nalang. Imposibleng magkagusto sa kanya ang boss nyang si Drexel Muller.
"Lahat ng kursunada nun kinakama nun kaya, imposibleng may gusto sya sakin" siguradong aniya. Nagtawanan ang iba pero ang kuya nya at ang asawa nya ay seryoso lang nakatingin sa kanya.
"Mabuti nalang pala 'di ka kursunada" sabi ng pinsan nyang sinang-ayunan nya.
"Anong pangalan ng boss mo?" Maya-maya'y tanong nang asawa nya. Sa itsura nito dapat na hindi nya sabihin, kawawa ang chickboy nyang boss pagnagkataon.
"Wag mo nang alamin, nakalimutan ko na pangalan nya" pagsisinungaling nya't nagsimula ng ibang topic. Mabuti nalang at nakisakay sa topic nya ang mga kausap.
Hindi na nya binalingan ng tingin ang asawa nya hanggang sa maramdaman nyang pumulupot sa beywang nya ang braso nito at dahan-dahan syang binuhat. Sinamaan nya ito ng tingin nang tuluyan sya nitong mapaupo sa hita nito pero nagkibit-balikat lang ito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ano ba naman kasing trip nito?.
Narinig nya ang pagtikhim ng mga pinsan nya't tita nya, iba nanaman ang mga isip ng mga ito. Naramdaman nyang kinalabit sya ng asawa ng kuya nya kaya dito sya tumingin pero ang mapanukso nitong tingin ang sumalubong sa kanya. Aahhh! Nakakaasar ang lalaking 'to.
"Bitawan mo nga ako!" Madiing utos nya rito pero hindi ito nakinig. Ipinatong nito ang baba sa balikat nya't inusente syang tinignan, hindi nanaman nya mabasa ang nasa isip nito.
"Bitaw!" Aniya at kinurot ito sa braso kasabay nun ang pagngiti nito atsaka sya hinalikan sa leeg.
Napapikit sya nang magreact ang mga kaharap nila. Humihiyaw ang mga ito at tinutukso sila, ang kuya naman nya ay wala lang reaction at yumakap rin sa asawa. Ano ba itong dalawang lalaking ito?.
"Na miss ko tuloy asawa ko" ani tita nya na kunwari ay naiinggit.
"Sana lahat ng mag-asawa sweet" sabi naman ng pinsan nya na ikinairap nya.
Sweet daw?. Kung alam lang ng mga ito ang kalagayan nila ni Weyn, everything they see are just a show.
May kung anong kumurot sa puso nya ng maisip ang bagay na iyun, hangga't maaari sana gusto nyang maalala kung ano talaga sila ni Weyn. They are just married in paper nothing more, nothing less.
Pagkaalis ng mga kapitbahay nilang ichosera sa buhay nya ay tumulong sya sa pagluluto ng lunch. Abala ang mga kapatid nyang may asawa na sa pag-aalaga ng kani-kanilang anak at ang dalawa nyang kapatid na wala pang asawa ay abala naman sa kani-kanilang personal na kailangang gawin.
Her brother Enzo is bussy talking to his classmates, Enzo is a pilot student. Ito ang pangarap nito kaya kahit mabigat sa bulsa ay sinuportahan nalang nila, hindi rin naman sila nagsisisi dahil nagpupursige talaga ito para maging isang tunay na piloto. Malapit nang matapos ang trainig nito kaya sa susunod na taon ay makakapagpalipad na ito ng eroplano at magiging isa na talaga itong Piloto.
Ang kapatid naman nyang si Aenah ay graduate na ng medical nursing pero ilang taon pa lang ito nakakapagtrabaho ay gusto na naman nitong maging surgeon. Sinabi nitong ito na ang gagastos sa pagaaral nito sa pagiging surgeon kaya hindi na ito hihingi ng pang tuition sa kanila.
Hindi nya alam kung anong nagtulak rito para maging surgeon pero mukhang seryoso ito kaya hinayaan nalang nila. Buhay nila yun kaya susuportahan nalang nila.
Muntik nyang mahiwa ang sariling daliri nang maramdaman ang kung sinong yumakap sa kanya mula sa likod. Sa amoy palang nito ay kilala na nya kung sino ito.
"Weyn, bakit ka ba bigla-bigla nalang nangyayakap?" Madiing aniya at nagpatuloy na sa paghihiwa ng gulay.
"Mmn, We have to be sweet" sabi nitong dahilan para pumihit sya paharap rito. Tama nga ang iniisip nya, gumagawa ito ng palabas pero hindi naman nito iyun kailangang gawin.
"Hey, hindi natin kailangang gumawa ng palabas rito, okay?" nasabi nalang nya dahil kapag nagpatuloy pa ito sa pag-akto ng ganito ay sya ang mahihirapan, hindi nya alam kung ano ang gagawin nya kapag nasanay sya sa pagiging sweet nito.
"But your brother and his wife are sweet couple, paano kung isipin nilang hindi talaga tayo mag-asawa?" kasalanan pala ito ng bugok nyang kuya eh.
"Oo nga, yung dalawang yun lang naman ang ganun rito. Tignan mo mamaya nagsisigawan na yang mga mag-asawang kapit bahay natin. Dito sa probinsya ang mag-asawa laging nag-aaway kaya hindi nila mapapansin kahit na hindi tayo mag-usap sa buong araw" aniya na sinusubukang kumbinsihin ang asawa. Bumuntong hininga ito saka sya seryosong tinignan.
"You want us to fight each other, Or you want us to ignore each others presence, is that what you mean?" Anito at saka sya tinalikuran.
Ano bang problema ng lalaking ito? Bakit ang kumplikado nito mag-isip?. Napailing nalang sya't itinuon ang pansin sa paghiwa ng gulay.