Chapter#18

1696 Words
"May away ba kayo ng asawa mo?" Tanong ng ina nyang nasa tabi nya't tinutulungan syang magligpit ng kinainan. "Nag-away kayo ate?" Tanong ni Aenah na kumakain ng saging. Umiling sya't uminom ng tubig. Hindi naman sila nag-away pero parang hindi nga sya nito kinakausap. "Bakit parang hindi kayo nagpapansinan?" Tanong ulit ng ina nya kaya nakagat nya ang ibabang labi. Hindi nya rin alam. "Hindi naman, wala naman kaming pag-uusapan kaya ganun" aniya at nilagay sa lababo ang hugasan. Pagbalik nya ay nag-uusap na si Enzo at Aenah. "Ang galing nya noh?" Ani Aenah. "Ang talino nya, parang mas nag-aral pa sya kesa sakin eh" si Enzo naman. "Anong pinag-uusapan nyo?" pang-aagaw nya sa atensyon ng mga ito. "Wala ate, si Kuya Weyn tinulungan kami sa study namin" si Aenah ang sumagot tapos si Enzo ay tumango. Tinulungan? Kaya pala bihirang lumabas ang asawa nya. "Nasaan sya ngayon?" Tanong nya sa dalawang nagkatinginan. Bakit? Wala sa loob ang asawa nya?. "Nasa labas teh, may tumawag sa kanya kanina tapos 'di na bumalik" sagot ni Enzo kaya mabilis ang hakbang nyang tinahak ang daan palabas. Ang nagkukumpulang mga babae ang nakakuha ng atensyon nya. Ganun, nasa labas ito para magpapansin sa mga babae?. "Hoy, lalake!" Lahat ay napalingon sa kanya pero ang loko nyang asawa ay nakakunot lang ang noo. Nakasuot ito ng manipis na t-shirt kaya litaw ang maganda nitong katawan tapos naka shorts lang ito. Agaw atensyon talaga. "Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong nya ritong malakas ang boses para marinig ng mga malalanding babae na may awtoridad syang sigawan ang lalaking pinagpapantasyahan ng mga ito. "Nothing, nakikipag-usap lang sa kanila" inusentemg sagot nito kaya lalong kumulo ang dugo nya. Nakikipag-usap at sa mga babae pang halos wala ng mga suot?. Nameywang sya't sinamaan ito ng tingin pero hindi nya inaasahang mas matalim ang tingin na ibibigay nito sa kanya. Aba! Ito pang galit ngayon?. "Who the hell told you to go outside wearing that tidy sando, Wife?" Nanlaki ang mga mata nya so, ganun din ang mga babaeng nagpapantasya sa asawa nya. Napatingin sya sa sariling damit. Nakalimutan nyang magpalit at nakasando lang pala sya pero, ano naman kung yun lang ang suot nya?. Lagi naman syang nagsusuot ng sando kapag nasa probinsya sya dahil mainit lalo na't lagi syang lumalabas, atsaka dito sya lumaki kaya kumportable syang lumabas ng nakasando, maganda naman tignan sa kanya na labas pa cleavage nya. "Magpalit ka ng damit!" Anitong nag-uutos. Sinalubing nya ang matalim nitong tingin saka naglakad na para bang rumarampa at umikot. "Bagay naman sakin ah, maganda nga ang katawan ko dito" proud nya pang sabi. "f**k!" Mura nito at lumapit sa kanya. "Pumasok ka sa loob" utos nito na inirapan lang nya. Bakit sya papasok? Para hayaan ang asawa nyang makipagkwentuhan sa mga babae?. "Hoy! Wag mo akong uutos - utusan— ahh!" Hindi nanaman nya natapos ang sasabihin nang bigla sya nitong buhatin na para bang isang sakong bigas. "Ibaba mo ako, bwisit!" Sigaw nya't hinampas ito sa likod pero ibinaba lang sya nito nang makarating sila sa loob ng bahay. "Bakit mo ako pinasan? Wala kang karapatang—" "I'm your fuckin husband!" putol nito sa sinasabi nya. Nawala lahat nang salitang kanina lang ay naguunahan sa isip nya. Bakit ito nagagalit?. "Maraming tao sa labas bakit ka nagsusuot ng ganyan!?" Dun sya nainis. Nagagalit ito sa suot nya pero ito ay okay lang na mang-akit ng ibang babae. Ang unfair. "Dati naman akong lumalabas ng ganto ah, ano bang problema mo!?" "Yang damit mo!" Napamaang sya sa sagot nito. Anong damit nya? Wala namang buhay ang damit nya. "Magpalit ka nga!" Utos pa nito. Ang kapal talaga! "Ayaw ko!" Giit nya. "Magpalit ka!" Ang kulit!. "Ayaw ko!" Ulit nya. "Magpapalit ka o ako magpapalit ng damit mo?" Kumurap-kurap sya. Anong narinig nya? Ito magpapalit ng damit nya? Did he mean? Napahawak sya sa katawan. "Hindi ako papayag!" matapang sa sabi nya. Ngumisi ang loko saka sya binuhat ulit na parang isang sako ng bigas. "Ahh! Bitawan mo ako!" Sigaw nya't nagpupumiglas. "Bwisit ka talaga! Bitawan mo ako! Weyn ano ba!" Wala syang nagawa hanggang sa makarating sila sa kwarto. Ni-lock nito ang pinto saka sya tinignan na seryoso ang mga mata nito. "Magpalit ka na" utos nito. Bakit ba sya nito pinagpapalit?. Sa harap ba nito?. "A-ayaw" tumalim ang tingin nito. Ano bang gagawin nya?. "O-oo na, talikod na" utal nyang sabi pero tumaas ang kilay nito pagkatapos ay ngumisi. "Ayaw ko nga" lumapit ito sa kanya. "Sinabihan na kita kanina 'di ba?" Maloko itong ngumiti at kumuha ng damit sa drawer. "This one will do" anito na hawak ang T-shirt na malaki ang size. Ano ba naman, mainit pa naman ngayon?. "Mainit yan—" hindi nya naituloy ang sasabihin nang tignan sya nito ng nakakatakot kaya napalunok nalang sya. "S-sige, isusuot ko na" utal nyang sabi at kinuha kay Weyn ang damit pero inilayo nito iyun sa kanya. "Sit!" Utos ulit nito. Talaga bang gusto nitong ito ang magsuot sa kanya?. Umiling sya pero ang huli ay wala rin syang nagawa. Bakit ba ang hirap nitong suwayin?. May tagumpay na ngiti itong pumwesto sa harap nya. Nakaupo sya sa dulo ng kama at ito naman ay nakatayo sa harap nya kaya sa tyan nito nakapantay ang mukha nya. Inangat nya ang tingin kaya kita nya ang nagniningning nitong mga mata. Loko talaga, gustong- gusto sya nitong asarin. Inaangat na nya ang suot na sando para mahubad na pero pinigil sya ng asawa. "Sabi ko ako 'di ba?" Nakangising anito at ito na ang humawak sa laylayan ng sandu nya. s**t!, bakit sya pinagpapawisan?. Ilang ulit syang napalunok habang unti-unting tinatanggal ni Weyn ang suot nyang sandu. Hindi nya ito kakayanin, nararamdaman nanaman nya ang mga paru-paro sa tyan nya. "Itaas mo kamay mo, baby" mas lalong nadagdagan ang init na nararamdaman nya dahil sa napaka-hot ng husky na boses nito habang sinasabi yun. Nanginginig na ang mga kamay nya, may suot naman syang bra kaya bakit sya mahihiya?. Pagpapakalma nya sa sarili. Sinunod nya ito kaya muling lumapad ang ngiti nito. "Tuwang-tuwa?" Aniyang tinarayan ang pagbigkas. Tumawa lang ito at tuluyang hinubad ang sandu nya. "Pretty" sambit nitong kinataas ng kilay nya. "Asawa mo lang dapat ang nakakakita nito" dagdag nito. "Sinong may sabi nyan?. Kapag sumali ako ng pageant natural lang na magsusuot ako ng two piece" katwiran nya't taas noo itong hinarap. Muntikan na syang mapahiga nang yumukod ito at inilapit ang mukha sa mukha nya. "At sino ring nagsabi sayong pasasalihin kita sa pageant?. You're my wife and you'll always be my wife so you're mine, baby. Only mine" anitong seryosong nakatingin sa mga mata nya. Dinampian sya nito ng halik bago sya suotan ng damit pagkatapos ay hinila sya nito pahiga. "Ayaw kong lumabas, let's take an afternoon nap" sabi nito saka sya niyakap ng mahigpit. Katabi nanaman nya ito at mukhang wala syang choice kundi ang matulog katabi nito ngayong hapon. Nakakatawang isipin na hindi pa lang sya nito pinapansin at pagkatapos sya nitong bitbitin sa kwarto para bihisan ay nakayakap nanaman ito sa kanyang parang ayaw syang pakawalan. Bumuntong hininga nalang sya't pumihit paharap sa asawa. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya at isinubsob ang mukha sa leeg nya. Para itong bata na ayaw bumitaw sa kanyang ina, sinuklay nya ang malambot nitong buhok pagkatapos ay niyakap ito pabalik. Mukhang imposibleng magagawa nya itong iwasan, susulitin nalang nya ang mga sandaling malambing pa ito sa kanya pagkatapos saka nalang nya iisipin kung paano makaka move on kapag iniwan na sya nito. Alam nyang mahihirapan sya pero hahayaan na nyang magpadala sa nararamdaman ng puso nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD