Chapter#19

1826 Words
Nahilot ni Amy ang batok habang inaalala ang napag-usapan nila ng kaibigan nyang si Mayumi. Pinapabalik sya nito sa trabaho dahil kailangan daw sya nito. May problema sa board members dahil nagkakaisa ang mga ito tungkol sa negosyong nais pa nitong itayo. Sa palagay nya nga ay malaki ang problema kaya kailangan nyang bumalik kahit na naka-leave pa sya. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ng Papa nya na naunang nakapansin sa kanya. Kinagat nya ang ibabang labi bago bumaling sa asawa nyang nakatingin rin sa kanya. Mukhang mapuputol ang bakasyon nila. "Tumawag sakin si Mayumi" pagbabalita nya, kilala ng pamilya nya ang kaibigan nyang si Mayumi dahil minsan na rin nya itong naisama sa probinsya. Naghintay lang ang mga ito sa susunod nyang sasabihin. Bumuntong hininga sya't nagsalita ulit. "Kailangan ako sa kumpanya, pinapabalik nya ako." paliwanag nya. Mukhang naiintindihan sya ng pamilya nya maliban nalang sa asawa nyang nakakunot ang noo. Nilapitan nya ito at naupo sa tabi nito. "Mayumi is my friend, sya din yung CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko and she needs me. Mahina pa mandin loob nun" paliwanag nyang alam nyang pilit lang ang pagtango nito. "Kailan tayo aalis?" Tanong nito sa kanya. "Mas maganda mamayang hapon" sagot nyang tinanguan nito. May kinuha ito sa bulsa at tumaas ang kilay nya nang makitang cellphone iyun. "Yeah, prepare a plain ticket for me and my wife" "Nah, Legazpi to Manila" "For afternoon flight " pagkatapos sabihin yun ay pinutol na nito ang linya. Lahat sila ng pamilya nya ay nakatingin sa asawa nya. "Makakakuha ka pa ba ng plain ticket para sa flight mamaya?" hindi makapaniwalang tanong ng asawa ng kuya Ethan nya. Sino ba namang hindi magugulat kung tatawag lang ito at magpapakuha ng ticket sa flight na para sa halos tatlong oras nalang. Unbothered na tumango lang ang asawa nya. Naku kapag nalaman siguro ng mga ito kung gaano ito kayaman ay mahihimatay ang mga ito. "Ngek, ang galing naman" Si Aenah ang sumingit. "Yeah, imposible nga yun pero posible rin" ani Enzo na nakanganga rin. Nagtatakang tumingin sa kanya ang asawa nya na ikinatawa nya. Halatang hindi nito maintindihan kung bakit gulong-gulo ang pamilya nya tungkol sa pagpapakuha nito ng ticket para sa flight nila. "Boss, are you planning to leave me here?" Dun talaga sya natawa sa tanong ni Kiel. Pati ang asawa nya ay napa Oh nang maalalang kasama pala nila si Kiel. "Fine, I'll take care of my ticket" bagsak ang balikat na sabi nito saka kinuha ang cellphone. "Oh yeah, this is me" "Nah, I don't care with your bitches!. I'm not interested" nagkatinginan sila ng asawa dahil sa pinagsasasabi ni Kiel habang may kausap sa kabilang linya. "Give me a flight ticket, Legazpi to Manila—" "No!, not tomorrow, I need a ticket for this afternoon flight" ani Kiel pagkatapos ay nailayo sa tenga ang cellphone. "The f**k don't shout at me! I need a fuckin ticket! " "Oh yeah, thank you body!" Pagkatapos ay binaba na nito ang cellphone. "Done, may ticket na ako" nakangiting sabi nito sa pamilya nyang nakanganga. "Mababaliw ako rito" sabi ni Kuya Ethan nya't umalis na ito sa kinauupuan. Natatawa nalang syang napailing. Dapat nga lang na hindi na muna nya sabihin kung gaano kayaman ang asawa nya. Baka tuluyang sa mental ang abutin ng buong pamilya nya. Hindi nagtagal ang flight nila pero pakiramdam ni Amy ay napagod sya ng husto. Sinalubong sya ni manang Tilda at inalok syang kumain pero tumanggi sya. Inaantok sya't pagod ang katawan nya. Kailangan rin nyang matulog ng maaga para sa trabaho kinabukasan. Hindi na nya hinintay ang asawang makapasok sa mansion at nagmadali na syang umakyat sa kwarto nya pagkatapos ay binagsak ang katawan sa malambot na kama. Kahit dito sa mansion ay kumportable na sya. Pakiramdam nya ay matagal na syang nakatira rito dahil siguro marami na syang magagandang ala-ala sa loob mg malaking mansion. Napangiti sya habang binabalikan ang mga alaalang halos naguunahan sa pagpasok sa isip nya. Para syang nanood ng movie hanggang sa tuluyan syang lamunin ng dilim. Hindi na masyadong namili ng isusuot si Amy at tinali lang nya ng ponny tail ang paalon-alon nyang buhok. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na sya papunta sa dinning. "Morning Manang" bati nya sa matandang naghahain ng pagkain nila. Ngumiti ito bilang balik pagbati at nagpaalam na pupunta ulit sa kitchen. Tinignan nya ang pagkaing nakahain, gaya ng dati puro masasarap. Huminga sya ng malalim at inusog ang bangko na uupuan nya pero napahinto sya nang may maramdamang yumakap sa kanya. Haharapin sana nya ito pero ipinatong nito ang baba sa balikat nya. "Good Morning" bati nito sa kanya. Kilalang kilala na nya ang amoy nito, pakiramdam nya ay nasasanay na nga talaga sya. "Good Morning, kain na. Maaga ako aalis ngayon" aniya at dahan-dahang pumihit paharap rito. "Papasok ka rin ba?" Tanong nya rito na sinagot nito ng pagtango. "What a beautiful scene" isang matanda ang bigla nalang lumabas sa kung saan. Hindi nya ito kilala pero pamilyar ang mukha nito. "Son, ang bilis nyo namang bumalik" sabi nitong nakatingin kay Weyn. Kaya pala pamilyar sa kamya ang mukha nito dahil kamukha nito si Weyn. Kung ganun, umuwi pala ito at nasa mansion ito ni Weyn. Ngayon naiintindihan na nya kung bakit ang lambing sa kanya ng asawa nya, sinasanay nito ang sarili na maging malambing sa kanya sa lahat ng oras dahil makakasama nila sa mansion ang ama. May kung anong kumurot sa puso nya sa mga narealize, masyado lang siguro syang umasa na totoo na ang ipinapakita nito sa kanya. "Hello po" pagbati nya rito na ikinangiti ng matanda. "Dad, kumain na rin po kayo" alok ni Weyn rito at hinila sya papunta sa ibang upuan. Ipinaghila sya nito ng upuan kaya umupo agad sya ruon. Naupo ito sa tabi nya bago nito muling balingan ng tingin ang ama nito. "Hindi mo sinabi sa aking maganda pala ang asawa mo" nakangiting sabi ng ama ni Weyn kaya naiilang syang humarap rito. "Kailangan ko pa bang sabihin? Kasal na ako dun ka lang naman interesado 'di ba?" Nakagat nya ang ibabang labi. Bakit parang ang sakit nun sa pandinig?. "Son, syempre naman interesado rin ako sa babaeng napangasawa mo. Masyado kang mapili kaya nga napapaisip ako kung anong nakita mo sa kanya" sabi naman ng ama ni Weyn saka ito sumubo ng pagkain. Nawala tuloy ang gana nya, hindi sya natutunawan kapag alam nyang pinag-uusapan sya. "Anong pangalan mo Ija?" Tanong ng matanda sa kanya. Pilit syang ngumiti at sinalubong ang tingin ng matanda. "I'm Amy Rivera" pagpapakilala nya. Mas lumapad ang ngiti nito. "Ang ganda ng pangalan mo. Nagtatrabaho ka?" Tumango sya't sumubo ng konting pagkain. "I'm a wedding organizer" aniya at nagbaba ng tingin. "Wag mo na syang interviewhin, Dad. Hindi sya makakain ng maayos" ipinagpapasalamat na rin nyang sinabi iyun ni Weyn. Halos hindi nya nabawasan ang pagkain nang tumawag ang kaibigan nyang si Mayumi. Pinapapunta na sya nito sa opisina kaya nagpaalam na sya sa mag-amang kailangan na nyang umalis. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinipilit nilang gawin ko yung project na prinesent ni Tita" problemadong sabi ni Mayumi. Tinignan nya ang project na tinutukoy nito at ang profit ng company. Maganda rin ang layunin ng project dahil kapag nagkaruon ng sariling resort ang kumpanya ay magkakaruon ng dagdag kita at may veneu na para sa mga beach wedding. Pati ang wedding attire boutique na nasa proposal ay malaki rin ang magiging benefit, ang problema ay gusto nilang pagsabay-sabayin. Malaki ang magiging budget para sa pagpapatayo ng resort at boutique kaya kung gagamitin ang profit ng kumpanya as capital magkakaroon ng malaking loss. Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "Kung wala ka talagang magawa, kailangan mo silang sundin. Masyadong malaking pera ang kailangan para sa project na ito. 20 billion ang nasa proposal pero sa tingin ko hindi yan sasapat" aniya at pinakita ang mga presyo ng kailangan nilang bilhin. Lupa, equipments, materials at maging mga bayad sa mga tauhan. "Mabilis na ang limang buwan sa pagpapatayo ng boutique kung ganyan kalaki" sabi pa nya at pinakita ang target size ng boutique. "Kailangan nilang magdagdag mg investments" aniya at nakacross arm na tinignan ang kaibigan. "Ikundisyon mo sila, kapag nakahanap sila ng mga bagong investors at nadagdagan ng another 20 billion ang capital maybe, pumayag ka. Wag kang papayag hanggat ang profit lang ng kumpanya ang gusto nilang gawing capital malaki ang malulugi sa atin o maaring maging mga panggastos ng kumpanya at mga tauhan ay mawala. Trabaho mo yan Mayumi, magtitiwala ako sayo" sabi nya't tinapik ito sa balikat. Tagapayo lang naman sya at taga check ng financial statements ng kumpanya eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD