"Hoy babae!" Napahawak sa dibdib si Amy nang bigla nalang lumabas kung saan ang kaibigan nyang si Mayumi.
Nakapameywang itong tinitignan sya na para bang ang laki ng kasalanan nya.
"Wag kang feeling inosente" napangiwi sya sa sinabi nito. Ano nanamang problema nito at sya ang napagdiskitahan.
Tatlong araw lang ang lumipas at naayos na nito ang problema sa kumpanya. Ginawa nito ang gusto ng board ang kapalit ay ito ang magbibigay ng capital para sa project. At ngayon, maayos na ang kalagayan ni Mayumi kaya sya na ang napagdidiskitahan nito.
"Ano nanamang problema?" Masungit na aniya at inirapan ito.
"Ikaw pa ng iirap, ikaw may kasalanan satin ah" kumunot ang noo nya sa pinagsasasabi nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may asawa ka na!?" Duon sya naalarma.
Tumingin sya sa paligid buti na lang at breaktime kaya walang mga tao sa opisina.
"Paano mo nala—"
"Kaibigan ko rin si Cassandra, akala mo ba hindi nya sakin sasabihin?" Sabi pa nito na bakas ang pagtatampo. "Nakakatampo ka ah!, pero dahil sa nabitin ko ang bakasyon nyo ng asawa mo hindi ako magagalit" sabi pa nitong may bakas ng guilt.
"2 months na daw kayo kasal? Kailan yun?" Napalunok sya, paano nya ito sasagutin?. "Paniguradong hindi kayo nakapag honeymoon" nasamid sya sa sariling laway sa huling sinabi nito.
"A-ano?" Aniya nang makabawi sa pagkasamid.
"Puro ka trabaho nung mga nakaraang buwan kaya sure akong hindi kayo nakapaghoneymoon. Bibigyan kita ng one month leave para makapaghoneymoon kayo ng asawa mo. Promise ito totoo na, hindi ko na kayo iistorbohin" ano bang pinagsasasabi nito?. One month? Para sa honeymoon? Grabe naman!.
Hindi na sya nakapagsalita dahil umalis na ito pagkatapos nitong sabihin ang gusto nitong sabihin.
Hindi pa tapos ang trabaho nya ay may mga guard na lumapit sa kanya at pinaalis na sya. Nagpupumilit syang manatili sa opisina pero wala syang laban sa guards.
Napailing nalang sya nang mabasa ang mensahe ng kaibigan nyang si Mayumi. Ang babaeng yun talaga.
Mayumi:
'Naka leave ka ngayon kaya ikaw na workaholic na babae ka kakaladkarin ka ng mga guard palabas kapag pumasok ka sa trabaho.
Enjoy your honeymoon ♡♡♡
From your dearest friend : Mayumi '
Wala syang choice kundi ang umuwi. Pagkarating nya sa mansion ay ang matandang nagdidilig ng halaman ang sumalubong sa kanya.
"Ija, maaga ka yatang umuwi?" bungad nito ka kanyang may malapad na ngiti. Nakagat nya ang ibabang labi bago ito sagutin.
"Amn, yung kaibigan ko po kasing CEO, pinauwi ako" sagot nyang tinawanan lang nito.
"Wala pa ang asawa mo at ako nagdidilig ng halaman. Kung gusto mo pwede mo akong samahan magdilig" nakangiting sabi nito kaya napangiti rin sya.
Pagkatapos magbihis ay nagmadali syang lumabas ay nagtungo sa garden. Na-miss na rin nyang magdilig ng halaman. Bakit nga kaya hindi nya naisip noon na pwede syang magdilig ng halaman sa garden?.
Masaya ring kasama ang matanda dahil palabiro ito at hindi na nya mabilang kung ilang ulit syang natawa. Halos lahat ng hulaklak sa garden ay alam nito ang pangalan. Ngayon lang nya nalaman na pati pala mga bulaklak sa garden ay mga foreigner.
"Ang galing, kapag pala nasa garden ako ako lang ang pinoy" ang masiglang tawa ng matanda ang narinig nya. Napakasupportive nito sa kanya.
"Ang bilis nating natapos" ngumuso sya't humarap sa matanda. Pinatay nito ang tubig at naupo sa isang bench na naruon sa garden. Pinatay na rin nya ang tubig at napaisip sya, mabilis ba? Hindi nya napansin ang oras, ang sarap kasi kausap ng matanda.
"6: 38 na!" Gulat na sabi nya nang makita ang oras sa relong pambisig. Ang malakas na tawa ng matanda ang pumuno sa garden. Mahigit tatlong oras silang nagdilig, nilibot nya ang tingin at nagsisimula na ngang magdilim.
"Hindi mo napansin ang oras?" Tumatawa pa ring sabi nito. Dito pala nagmana si Weyn eh. Umiling sya't naupo sa tabi nito.
"Baka nakauwi na ang asawa mo" sabi nito pero hindi nya ito pinakinggan. Pumikit sya at dinama ang malamig na hangin.
"Ang sarap tumambay dito" aniya na nakapikit pa rin. Naramdaman nyang nakatingin sa kanya ang matanda kaya tumingim rin sya rito.
"Do you love my Son?"
Hindi sya nakapagsalita sa tanong nito. Bakit bigla itong nagtatanong ng ganun?. Hindi nya alam ang isasagot, mahal ba nya si Weyn? Hindi nya alam, basta ang alam nya ay hindi nya ito maaaring mahalin dahil sa huli sya ang masasaktan.
Ngumiti ang matanda at isinandal ang likod sa bench.
"Mahirap basahin ang mga kabataan ngayon" napakurap-kurap sya sa sinabi nito. Kung ganun pinakikiramdaman sila nito? Baka mapansin nito ang tunay na sitwasyon nila ni Weyn.
Hinawakan nya ang dibdib nang maramdaman ang kaba ruon, anong gagawin nya?. Dapat ba umuo nalang sya sa tanong nito?.
"Pasok na tayo sa loob Ija, madilim na" sabi nito at nauna sa paglalakad. Nakikita na nya ang front door ng mansion pero humarang sa paningin nya ang likod ng matangkad na matandang sinusundan nya kaya ibinalik nya ang tingin sa dinadaanan.
"Bakit hindi mo sinabing nasa garden ka lang pala" mabilis na umangat ang tingin nya sa lalaking nagmamayari ng baritonong boses na iyun.
"C'mon inside" hinila sya nito papasok sa loob ng mansion. Ano nanaman bang problema ng lalaking ito at mainit nanaman ang ulo?.
"Ahh!" Daing nya nang masubsob ang mukha nya sa matigas nitong likod. "Bakit bigla-bigla kang humihinto!?" Sigaw nya rito. Humarap ito sa kanya at sinalubong ang tingin nya.
"Anong oras ka nakauwi?" Tanong nito na ikinanguso nya. Bakit nito tinatanong?.
"Mga 2 pm" alanganing sagot nya.
Alam nyang nagtataka ito kung bakit ganung oras syang umuwi kaya nagulat sya nang hindi ito nagtanong. Iginiya lang sya nito papuntang dinning at ipinaghanda sya ng upuan. Ang kumplikado talaga mag-isip ng lalaking ito.
"Aalis na nga pala ako bukas ng umaga" sabay silang napatingin sa matanda. Bakit kung kailan kumportable na syang kasama ito ay saka ito aalis?.
"Don't be sad Ija, may kailangan lang akong gawin sa Canada kaya aalis ako pero babalik ako kapag tapos ko na ang mga gagawin ko dun" paliwanag nito. Kinagat nya ang ibabang labi, sana lang nasa mansion pa sya kapag bumalik na ito.
"Close na kayo?" Natawa silang dalawa ng matanda sa sinabi ni Weyn. "Ilang oras lang kayo nagkasama ah" dagdag pa nito. Umirap sya't sinalubong ang tingin nito.
"You know why? Mabait kasi ang Dad mo atsaka masarap syang kausap" aniya saka sumubo ng pagkain.
Kumunot lang ang noo nito kapagkuwan ay napailing.
"Enjoy your honeymoon!"
Mariin syang napapikit nang maalala ang mensahe ni Mayumi. One month syang hindi papasok sa trabaho at mananatili lang sa mansion?. Bahala na kinabukasan.