Napahawak sa tumutunog na tyan si Amy, alasais pa lang umaga ay nagugutom na sya. Tinatamad syang bumangon at naligo. Nakakapanibagong wala syang pasok.
"Dad!" Sigaw nya nang mahagip ng paningin ang matandang paalis na. Yeah, Dad na ang tawag nya rito dahil gusto nitong Dad ang itawag nya.
Tumakbo sya papunta sa direksyon ng matanda na kung saan naruon din ang asawa nya. Ngumiti ang matanda at sinalubong sya ng yakap.
"Balik ho kayo agad" aniyang yakap ang matanda. Hinaplos sya nito sa likod bago sya pakawalan.
"Oo, babalik agad ako" anitong ginulo ang kanyang buhok. Bumaling ito kay Weyn, nagtanguan lang ang dalawa pagkatapos ay umalis na. Napanguso sya, sayang ang saya pamandin sana kasama ng Dad ni Weyn.
"Kumain ka na?"
"Hmn?" Nagtatanong syang tumingin sa asawa nya. Kumunot ang noo nito na pikon talaga kahit kailan.
"Hindi pa, kakababa ko lang" sagot nya't nauna nang lumakad papuntang dinning. Hindi manlang nya nakasabay kumain ng agahan ang Daddy ni Weyn.
Hindi sumabay sa pagkain nya si Weyn, kumain na siguro ito sa bagay malapit nang mag 7 nung nagising sya. Bumuntong hininga sya't tinitigan ang pinagkainan, wala naman syang gagawin kaya sya na lang siguro ang maghuhugas.
Kinuha nya ang pinagkainan at dinala iyun sa lababo. Wala syang gana kumanta kaya mabilis lang syang natapos sa paghuhugas ng kanyang pinagkainan.
"Nasa trabaho na kaya si Weyn?" Tanong nya sa isip, ang boring kung mag-isa lang sya sa bahay. Ano kayang magandang gawin?.
Napangiti sya nang maalala ang mga labahan sa kwarto nya. Eh kung labhan nya kaya lahat ng tela dun?. Magpapalit rin sya ng kurtina. Excited syang tumungo sa kwarto nya't sinimulang gawin ang naisip.
"Ma'am ako nalang po" napailing nalang si Amy ng muli nanamang marinig ang matinis na boses ng kasambahay na nakatoka sa laundry.
"Ate, pang 27 times mo na pong sinabi yan" aniya na nakapameywang. "Malapit na akong matapos kaya okay lang po, chill ka lang" nakangiti nya itong pinaupo sa isang silya at tinatapos ang pagdadry ng nilabhan.
"Saan 'to ilalagay pagkatapos?" Tanong nya rito.
Tinuro nito ang isang open area kung saan nilalagay ang mga nilabhan na kailangan pang paarawan. Ngumiti sya't nagpasalamat sa babae.
Natapos maglaba si Amy nang ala una ng tanghali kaya late na syang kakain. Pagkarating nya sa dinning ay nakahanda na ang pagkain nya. Si manang Tilda talaga sobrang maalaga. Magana syang kumain at pagkatapos ay umakyat na sa kwarto, matutulog sya ngayong hapon.
Humihikab pa syang bumaba ng hagdan. Alasingko na ng hapon kaya kailangan nya nang bumangon. Papunta sana sya sa dinning nang mahagip ng kanyang paningin ang asawang tambak ang papeles sa harap at nagtitipa ng laptop.
Mukhang marami nanaman itong ginagawa, napanguso sya nang hilutin nito ang batok. Ang kawawa nyang asawa. Umiling-iling sya't bumuntong hininga. Dumiretso sya sa kitchen at nagtimpla ng kape, nilagyan nya ng creamer para mabawasan ang tapang.
"Coffee ka muna" ngumiti sya nang balingan sya nito ng tingin pero hindi ito nagsalita. Dahil wala naman syang ibang gagawin ay naupo sya sa tabi nito.
"Andami nyan, matatapos mo lahat yan?" Tanong nya rito para mabasag ang katahimikan.
Humigop ito ng kape pagkatapos ay bumaling ulit sa ginagawa. Mukhang ayaw nitong may kausap. Itinaas nya ang paa at niyakap ang tuhod nya. Susulitin nalang nya ang pagkakataong matitigan ito ng matagal.
Kahit saang anggulo napakagwapo talaga nito na kapag tinitigan mo ay hindi mo na nanaising ilayo pa ang mga mata mong nakatutok sa gwapo nitong mukha.
Nakakapanghinayang lang dahil bilang lang ang mga sandali nyang makakasama ito, sana lang talaga ay kayanin nya kapag nalayo sya rito.
Bumuntong hininga sya at mula sa mga mata nito ay bumaba ang tingin nya sa perpektong ilong nito. Pinigil nya ang kamay na hawakan ang tungki ng ilong nito pagkatapos ay bumaba sa labi nito ang tingin nya, as always butterflies are flying again inside of her stomach. Nakagat nya ang ibabang labi, gustong-gusto na nya itong halikan.
Humigpit ang pagkakayakap nya sa kanyang tuhod at paulit-ulit na napalunok, she wants to touch him, she wants to pull him closer to her, she wants to embrace him, kiss him and feel him more.
Hindi nya alam kung anong nangyayari sa kanya pero yun ang sinasabi ng puso at katawan nya. Kung pwede lang sana, kung malaya lang sana sya, kung talagang pag-aari nya ito... hindi na sana nya kailangang magpigil pa.
Hindi sya nakakurap nang dahan-dahang pumihit paharap sa kanya ang asawa nya. Sinalubong ng mga mata nito ang tingin nya, nararamdaman nya ang mabilis na t***k ng puso nya, ang paninikip ng dibdib nya at ang paglalim ng hininga nya. She can also feel hot inside of her, she needs to calm down for freakin sake.
Ibinuka nya ang bibig pero walang salita ang lumabas mula roon. Mas lalo pa syang nag-init nang bumaling ang tingin nito sa nakaawang nyang bibig.
She needs him very bad, hindi na nya mapigilan. Lalapitan nya na sana ito nang maunahan sya nito.
Naramdaman nya ang kamay nitong pumulupot sa beywang nya't humatak sa kanya. Hindi nya nagawang makapagsalita maging hanggang sa ang isang kamay nito ay inalalayan ang batok nya't malaya nitong inangkin ang mga labi nya.
Parang isang panaginip na nagkatotoo ang sandaling ang mga labi nila ay nag-iisa. Mas hinila sya nito para lalo silang magkalapit, mas pinalalim nito ang paghalik sa kanya dahilan para tuluyan syang mawala sa tamang wisyo.
Kinagat nito ang labi nya kaya napadaing sya na naging pagkakataon ni Weyn para maipasok ang dila sa kanyang bibig. Para itong may hinahanap na kung ano sa bibig nya na bawat sulok ay pinapasok nito.
She likes it for freankin sake, akala nya ay sa panaginip lang nya ito mararanasan. Ang mga kamay nya ay umakyat patungo sa batok ng asawa at ginaya ang ginagawa nito sa bibig nya. She even bite his tongue and later suck it, masyado yatang napalakas dahil nalasahan nya ang dugo.
Bibitaw sana sya sa paghalik nito pero hindi nya nagawa, Weyn didn't let her to cut their kiss. He bite her lips then suck it, parang isang candy nitong kinakagat at sinisipsip ang mga labi nya na naging dahilan para mahina syang napa ungol.
Mula sa mga labi nya ay bumaba ang halik nito sa leeg nya, she can feel tingling sensation down there. This is her first time to feel those kinds of feelings and it feels good. She likes it, no, she needs it.
Napaliyad sya nang maramdaman ang mainit nitong dila na naglalandas sa leeg nya, para sya nitong pinaglalaruan. He will kiss her neck, lick it then sucked it, paulit-ulit at habang tumatagal mas sumasarap sa pakiramdam. Paniguradong mag iiwan iyun ng marka kinabukasan pero sinong may pakialam? Sigurado syang hindi sya.
Kagat ang ibabang labi ay napasabunot sya sa buhok ng asawa. Muli nitong inangkin ang mga labi nyang muli nyang tinanggap ng buong puso. Ang kamay nitong nasa likod nya ay pumasok sa loob ng T-shirt papunta sa hook ng bra nya, he's now playing the hook of her bra.
"Wag mo akong akitin, Wife. Baka hindi ako makapagpigil" sabi nitong nakalapat parin ang labi sa mga labi nya.
"Gusto mo pa bang ituloy?" Tanong nitong muntik-muntikan na nyang tanguan.
Labag man sa kalooban ay inilayo nya ang sarili mula sa asawa. Hindi sya makabuo ng salitang sasabihin, blangko ang isip nya. Ang gaga nya kasi, hindi ba sya marunong magtiis?.
Nahihiya syang tumingin sa asawa dahil baka isipin nitong madali syang makuha na klase ng babae. Yun pa naman ang pinakaayaw nya sa lahat. Bumuga sya ng hangin at kinuha ang isang portfolio na nakalapag sa mesang nasa harap nila. Kailangan nyang umaktong parang wala lang nangyari.
"Marami ka pa lang ginagawa?" Aniya na pilit nilalabanang wag mautal. "Iwan na muna kita"
"After what you'd done, iiwan mo ako!?" Awtomatikong tumama rito ang tingin nya. Wala naman syang ginawa ah, sya ba sinisisi nito?.
"Nawalan na ako ng gana magtrabaho" nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito.
Andami pang mga papeles sa mesa tapos wala na itong gana magtrabaho? Dahil ba sa nalaman nitong madali lang syang makuha na klase ng babae? Nasira ba ang image nya bilang isang asawa?. No, hindi sya papayag.
"Marami ka pang trabaho, tapusin mo yan!" Matapang nyang sabi pero ngumisi itong tumingin sa kanya.
"Kapag natapos ko, anong premyo ko?" Tumaas ang kilay nya sa sinabi nito. Ano bang trip ng lalaking ito?.
"Para ganahan ako kailangan ko ng premyo kaya kung wala wag na, ipapabalik ko na yan sa opisina" nataranta sya sa sinabi nito. Talaga bang hindi ito magtatrabaho nang dahil sa kanya?.
Alam nya kung gaano kaimportante sa kumpanya ang mga papeles na dapat ireview at pirmahan ng CEO, maraming mga empliyado ang mahihirapan pag nagkataon kaya hindi sya papayag na hindi ito magtrabaho. Makokonsensya sya pag nagkataon.
"Kapag nagawa mo lahat, ano-" nag-isip sya. Ano bang kapalit ang magiging dahilan para ganahan ito?. Wala syang maisip.
"Ano nalang, susundin ko lahat ng gusto mo" aniyang ikinangiti ng asawa nya.
Pagsisisihan nya kaya ang kundisyong binigay nya?. Siguro naman hindi.
"Okay, Deal" mukhang ginanahan ito dahil bumalik na ito sa pagbabasa ng mga reports kaya nakahinga sya ng maluwag.
Pabagsak nyang naisandal ang likod sa sofa at pinanood ang nagtatrabahong asawa. Kahit walang emosyon sa mukha nito ay napakagwapo pa rin nito.
Kinurot nya ang sarili sa mga isiping pumapasok nanaman sa mahalay nyang utak. Bakit ba nagkakaganito sya? Hindi naman sya ganito noon ah!?.