Chapter#09

1907 Words
Hindi makatingin ng diretso si Amy sa lalaking kanina pa nakangisi. Anlakas talaga nito mang-asar. Malay ba nyang yun pala ang tanong?. "Ok na sana pag-arte kaso 'di ka pala marunong tumanggi" nakangisi pa ring pang-aasar nito. Kung malaya pang sya nilukumos na nya ang mukha nito, nakakabwisit. Pinagsisisihan na nyang nagka crush sya rito, anak pala ni Satanas sa pandedemonyo. "Malay ko bang yun yung tanong!?" Sigaw nya. Malakas itong natawa kaya lahat ng tauhan sa labas ng mansyon ay napatingin sa kanila. "Tama na nga, masasapak kita sige ka!" Pananakot nya rito pero hindi ito tumigil sa kakatawa. "Buntis ka pala?" Pang aasar pa nito na ikinakulo ng dugo nya. Bwisit talaga 'to. "Tango pa" pahabol pa nitong ginigigil talaga sya nito. "Ayaw mo tumigil ah!" Sigaw nyang babatukan sana ito pero isang hakbang lang nito paatras ay malayo na agad sa kanya. Good for his long legs. Shete! Ba't ang haba ng paa nito?. "Ano? Di mo abot? Ang ikli kase ng binti mo!" Pang-aasar pa nito kaya lalong umusok ang ilong nya. Bwisit! Isa itong malaki at mahabang bwisit! Nakagat nya ang loob ng pisngi sa naisip. Bakit ba bigla-bigla yung pumapasok sa isip nya!? Niyugyug nya ang sarili at binura ang mahalay nyang isip. "Hindi ko kasalanang may lahi kang kapre, matangkad ako fyi lang!" Dipensa nya na sinagot lang nito ng kibit balikat. "Anak ka talaga ng tokwa!" Sigaw nya't hinabol ito. Mabilis itong nakalayo dahil nakasuot sya ng takong kaya mabilis syang naghubad ng sapatos at akala mo'y isang sports runner sa bilis tumakbo. "Pagnaabutan kita puputulan kita ng paa!" Sigaw nya pero sa kasamaang palad ay hindi nya ito nahabol. Grabe to tumakbo, pag naging runaway groom to 'di to mahahabol. Bwisit! Dalawang beses na sya nitong nainsulto for freakin sake!. Lumipas ang mahigit isang buwan ganun pa rin ang nangyayari sa araw -araw. Magigising sya't magbibreakfast tapos bubwisitin ng animal nyang asawa. Lumilevel up, una anghel, sunod manhid, sunod bwisit, at ngayon animal na. Walang araw na hindi sya nito naiinsulto, walang araw na hindi kumukulo ang dugo nya sa pambu-bwisit nito and you know what's funny?. She can't still forget the scene cause of that freakin 5 peso coin. Hanggang ngayon nananatili yung bangungot, bangungot na natutuwa syang balikan kapag sinusumpong ng kahalayan ang utak nya. And there's more, even how she hate her husband, she's excited to see him in every seconds, she's mad when he's teasing her but she likes it thinking how her husband enjoying to tease her made her more happy. She's mad and, just one stare of his fascinating hazel brown eyes she'll fall in just a snap. Mahigit isang bwan lang nya itong nakasama pero ganun karami ang nagbago sa buhay nya. Hindi na rin nya mabilang sa daliri nya ang mga event na pinuntahan nila kaya kung may makakakilala sa kanyang mayamang tao ay hindi na sya magugulat, her husband is a freakin billionaire afterall. Tinignan nya muna ang sarili sa screen ng cellphone nya bago sagutin ang video call ng mama nya. Halos dalawang bwan na itong hindi nagvi-video call kaya nakaka-curious kung anong sasabihin nito at bigla itong napatawag. Alasais na ng hapon at nakaupo sya sa sofa habang ang asawa nya, hayun nagtitipa nanaman sa laptop nito. "Ma, napatawag ka ata" bungad nya habang itinatapat ang camera sa mukha nya. Gaya ng inaasahan nya, magkatabi ang mama nya at ang mga kapatid nyang akala mo laging artista kausap ng mama nya. "Ate Amy, pasalubong ko ah!" Napairap sya nang ang kapatid nya ang sumagot. "Si mama ka ba?" Sarkastikong sabi nya na tinawanan ng pasaway nyang kapatid. "Nak, kamusta ka na dyan? Busy ka ba sa trabaho?" Natatawang tanong sa kanya ng mama nya. Pinapagalitan nito ang kapatid nyang si Enzo na nasa tabi nito. "Ayos naman po ako, medyo busy lang" sagot nya't kumain ng strawberry na nasa harap nya. Sosyal na kaya sya, laging may meryenda sa harap nya. "Ate, penge strawberry!" Pasigaw na sabi ng kapatid nya na tinawanan nya. Ang kaninang si Enzo lang ang kasama ng mama nya sa screen ay nadagdagan. "Ate Amy, may strawberry ka? Pahingi!" Ang bunso nilang kapatid na si Aenah. "Punta kayo rito, bibigyan ko kayo" natatawa nyang pang-aasar sa dalawang kapatid. "Ikaw punta dito ate Amy, sa birthday ni Papa" sabi ni Aenah. Oo nga pala, malapit na birthday ng papa nya. "Wag nga kayong magulo!" Saway ng ina nila sa dalawa nyang kapatid. Nalukumos ang mukha ng dalawa nang paalisin ito ng mama nya kaya lalo syang natawa at inasar ang mga kapatid. "Nak, pwede ka ba mag leave sa trabaho?" Kumunot ang noo nya sa tanong ng mga ito. "Bakit ma?" tanong nya saka kumain ulit. "Sa birthday ng papa mo, gusto nila kuya mo na mag reunion tayo" sagot ng mama nya na tinangu-tanguan nya. Aba, yung kuya nya nagmamature na. "May pa reyu-reunion si kuya ngayon ah!?" Pang-aasar nya na pati magulang nya ay natawa. "Kanino gastos? Kanya ba?" Mas malakas na natawa ang mama nya. Magaling sa plano kuya nya pero wala namang pang gastos. "Ikaw taya sa gastos, ikaw walang asawa 'di ba!?" Nagbagting ang pandinig nya nang marinig ang boses ng kuya nya. Lakas talaga mang asar. Tumabi ito sa mama nya at ngayon nya ngingisi-ngising nakatingin sa kanya. "Pikon! Wala kang asawa kaya ikaw mapera!" Dagdag pa nito. Gusto nya itong kutusan pero malayo kaya di nya magagawa. "Kasalanan kong mag-asawa agad kayo!? Kasalanan ko!?" Pikon nyang sabi na tinawanan lang ng mag-ina. "Hindi, pero kasalanan mong hindi mag-asawa. Gurang ka na uy!" Ang lakas talaga nito mang-asar. Fine, di sya papatalo it's time na para manumbat. "Kayo kaya may kasalanan kung bakit 'di ako makapag-asawa!" Tumaas ang kilay ng mapang-asar nyang kuya. "Grabe kaya kayo maghigpit sakin noon, andaming nanliligaw sakin noon pero grabe kayo makabantay. Ikaw kuya, nanununtok ng manliligaw, si mama nanakot ng manliligaw, si Papa naman with matching lines "Kapag nag boyfriend ka, mag-asawa ka na!" Yan tignan nyo wala tuloy akong asawa ni boyfriend hanggang ngayon" sumbat nya. Tumawa lang ang loko-loko nyang kuya. "Kung nag boyfriend ka noon 'di sana di ka nakapagtrabaho" sumbat naman ng kuya nya. Di talaga maubusan. "Oy, anong hindi?. Makakapagtrabaho ako! Alam nyo bang kaya wala nang nanliligaw sakin ay dahil takot nang mabasted ko at mabugbug nyo? Sayang yung prosecutor, yung mga bigatin kung manliligaw noon" "Noon yun, ngayon mag-asawa ka na. Tumatanda ka na" isang boses naman ng matanda ang sumingit. "Papa!" Naiiyak na sya sa mga naiisip. Ito ang salarin eh, kung bakit nbsb pa rin sya. "Umuwi ka rito, may ipapakilala ako sayo" umirap sya. "Ayaw ko nga" pagmanatigas nya. "Hoy, reunion nga!" Sabi naman ng kuya nya. "Gagawin nyo lang akong founder" reklamo nya. "Aba syempre naman!" Sasapakin nya talaga 'tong kuya nya pag nakita nya 'to. "Baby, sinong kausap mo!?" Agad nyang naibaba ang cellphone nang lumapit sa kanya ang asawa nya. Lakas talaga ng trip nito, parang kuya nya rin eh. "Anong ginagawa mo!?" Inis na tanong nya rito. Maloko itong ngumiti. "Tinatanong ka, atsaka ako asawa mo 'di ba?" nang-aasar nanaman ito. Hindi nya keri combination ng pamilya nya at ng siraulo nyang asawa. Halos itulak nya ito para lang umalis ito buti nalang at may tumawag rito. "Sino yun!?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo sa kanya. Tibay, 'di bumitaw sa nakatalikod na camera. "Wala" tipid nyang sagot pero makukulit ang tatlo. Tanong ng tanong kung boyfriend daw ba nya, kinakasama o baka daw kung sino - sino nalang lalaki kinakapitan nya. Mga loko talaga eh, hindi pa naman umabot sa ganung level ka desperadahan nya noh!?. "Hindi ko sya boyfriend o anuman!" Pasigaw na giit nya. "Boss ko yun, baby tawag kasi ako bunso sa team namin" paliwanag nya. Hindi pa sana maniniwala ang mga magulang nya pero dahil malakas ang tama sa utak ng siraulo nyang kuya sumang-ayon ang mga ito. "Maniwala na kayo ma, wala ngang jowa yan si Amy eh. Wala nang papatos dyan!" Gigil na gigil na sya rito. Hindi na sya makapagtimpi. "Hintayin mo talaga akong makauwi dyan kakalbuhin kita!" Gigil na sigaw nya rito. Hindi pa sana nya papatayin ang tawag pero nang marinig ang tumatawang lalaki mula sa likod nya ay pinatay na nya ang tawag. "Ano ba!?" Inis na tanong nya rito. "Baby? Bunso? 'Di ba ikaw pinaka matanda?— aray!" Sisipain ulit sana nya ito pero nakalayo na ito. Bakit ba ang malas nya sa lalaki? Pati sa kuya malas sya! Ahhh sagad sya ng kamalasan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD