Chapter#10

2897 Words
Hindi alam ni Amy kung magpapasalamat ba sya o maiinis dahil ang bilis pumayag ng asawa nya nang magpaalam syang pupunta ng probinsya at magtatagal ng isang buwan. Dalawang linggo ang lumipas simula nung tumawag ang magulang nya sa kanya at ito sya ngayon. Napayagan syang magleave ng boss nya sa trabaho at ang asawa nya ay wala pang isang minuto ay pumayag na. Masaya syang makakasama ang pamilya nya pero pagnaiisip nyang isang buwan nyang hindi makikita ang asawa nya ay nalulungkot sya. Naiinis sya sa sarili na masyado nang nasasanay sa presensya ng asawa nya. Alam nyang darating ang araw na kailangan nilang mag hiwalay kaya dapat lang na hindi sya makaramdam ng kahit ano kapag hindi ito kasama. Sya lang ang mahihirapan kapag masyado nyang hinayaan ang sarili nyang mapalapit rito. Huminga sya ng malalim, maybe this is the right time for her to erase ang kahit ano mang nabuong damdaming nya para sa asawa. Pagdating nya sa probinsya nila ay mabubuhay ulit sya ng gaya ng dati, yung walang asawa at nabubuhay ng walang ibang iniisip kundi ang pano makapag-aasawa. Tama, kailangan nyang alalahanin kung sino at ano ang buhay na dapat makasanayan nya. Nalanghap nya ang pamilyar na hangin pagkalabas nya palang ng sasakyan. Halos buong 24 hours syang naka upo sa loob ng sasakyan dahil traffic. Mabuti na lang at hindi pumayag si Mr. Voulger na sumakay sya ng bus kundi nasa byahe pa rin sya ngayon panigurado. November na kasi kaya medyo marami na ang mga bumabyahe. "Madam, ako na magdadala ng bagahe" napairap sya sa narinig. Tama, hindi lang sasakyan ang ipinadala sa kanya ng asawa nya kundi pati ang parang robot at nang iirap na si Kiel. At isa pa, pinangako nya sa sarili nyang kikilos sya bilang dating sya para makalimutan na may asawa sya tapos ngayon kasama nya ang bodyguard na si Kiel kaya paano nya makakalimutang may asawa syang saksakan ng yaman?. "Wag mo akong tatawaging madam, please" sya na ang nakikiusap, hirap na hirap na nga sya sa kakaisip ng ipapaliwanag kung sino at anong ginagawa nito at sumama pa ito sa kanya ay pati ang pagtawag nito ng madam makikisabay pa?. Nag-aalangan itong tumango pero okay na yun para sa kanya. Nakakailang hakbang pa lang sya ay napansin na sya ng lahat. Hindi talaga nagbabago mga tao sa kanila. Sabay- sabay itong bumabati na ang iba ay kumalabit pa sa kanya. Tinatapik sya, sinusundot tapos kung ano-ano pa na parang sinisigurado ng mga ito na totoo sya. "Wow, ang ganda mo na!" Napairap sya, duh dati na syang maganda. "Ang ganda ng balat mo, anong sabon mo?" tanong ng pinsan nyang may pinapadede pa sa dibdib. Aba malay nya, hindi nya nga rin alam kung anong brand ng sabon nya. "Mayaman ka na talaga, pautang naman" dun sya natigil sa paglalakad. Mayaman? Sino? Sya? Kuminis lang ng sobra balat nya mayaman na?. "Boyfriend mo siguro mayaman?" Tumaas ang kilay nya, boyfriend?. "May lahing americano yun no? Ang tangkad at ang gwapo!" Natampal nya ang noo. Sinasabi na nga ba nya eh, pagkakamalan itong boyfriend nya. Bakit ba kasi napakagwapo nito? As in super gwapo para lang maging bodyguard. May lahi nga itong banyaga pero sigurado syang hindi ito american. Mga tao talaga rito, basta maputi, matangos ang ilong at matangkad Americano na. "Hindi sya americano" una nyang paglilinaw. "Yes, I'm not!" Gatong nito na nasa tabi na nya. "Weh? Ba't nagi-english?" Isa pa to, basta engleshero americano na. "I also speak English, now I am an American?" Puno ng sarkastikong tanong nya pero tumawa lang ang mga loko. "Aba, nagi-english ka na rin" natatawang kumento ng kapit-bahay nila na kamag anak din nila. "Yeah, but still I'm not american." Paliwanag nya. "You're smart, Miss AMY" napairap sya, hindi nga madam Miss naman. Pero okay na yun kumpara sa madam. "Where's your house" tanong ni Kiel. "Bakit mabigat?" Nang-aasar nyang tanong pero umiling ito. Tsk, wala talagang enjoyment ang taong ito asarin. "I'm curious about how big and beautiful your house is" humagalpak sya ng tawa. Mukha ba syang rich kid sa paningin nito at ang taas ng expectation sa kanya. "Huy, Mih, anong nangyayari sayo?" Tanong sa kanya ng kapit-bahay na nasa tabi pa rin nya. Si Kiel naman ay nagtatanong na nakatingin sa kanya. "Akala nya, anak mayaman ako!" Natatawang sabi nya na tinawanan rin ng mga kapitbahay. "Magugulat ka kapag nakita mo bahay namin" natatawa nyang paliwanag pati mga taong kasama nilang nakikitawa na rin. "Pero 'di ko sya boyfriend " bigla nalang nyang pahabol. "Wala akong boyfriend remember? Kaibigan lang sya ng mahal kong kaibigan kaya sya pinasama ng kaibigan ko sakin. Sya may - ari ng kotse" paliwanag na nya dahil alam nyang magtatanong ang mga ito. "Anak" nakangiting salubong sa kanya ng kanyang ina. Ang mga kapatid naman nya ay nag-unahang kunin ang bagahe nya kay Kiel na hindi alam ang gagawin. Natatawa nya itong tinanguan kaya nakahinga ito ng maluwag. "Psst, sino sya ate Amy?" Tanong ni Enzo at Aenah na kinalabit pa sya. "Hindi ko sya boyfriend" with that answer, umalis na ang dalawa. Isa lang ang gusto marinig ng mga ito na pagkakainteresan, kung may boyfriend na ba sya at paano nagkaroon. Di ba? Pag nabanggit ang pangalan nya unang unang word na papasok sa utak ng pamilya nya at kahit kapitbahay nila ay ang word na BOYFRIEND. Ganun sila kainteresado sa lovelife nya. Tsk tsk hay naku! "Bakit kasama mo yang lalaki na yan?" tanong ng mama nya, buti napaghandaan na nya. Humarap sya rito bago sumagot. "Pinadala sya ng CEO friend ko para samahan ako dito, sya nga nagdrive ng sasakyan na pag-aari din ng kaibigan ko" tumango-tango ang nanay nya. Haha, effective ang palusot nya. "Oh sige, halika na kayo't pagod siguro kayo sa byahe. Ijo, halika sa loob" tumango lang si Kiel at sya naman ay kasabay ng ina nyang pumasok. Tatango-tango si Kiel habang tinitignan ang kabuohan ng bahay, hindi kasing laki na gaya ng mga nakasanayan nitong bahay pero hanggang 2nd floor ang bahay. Pinagawa talaga ito para bakasyunan nila kapag kumpleto sila. Bahay lang ito ng kuya nya at asawa nito pero nung nagkatrabaho ang isa nya pang kuya, ang ate nya at sya ay pinarenovate nila ang bahay, pinalawak at pinadagdagan ng floor kaya malaki na. "Ano, pasok ba sa expectation mo?" Natatawang pang-aagaw nya sa atensyon ni Kiel. Wala pa rin itong emosyon, robot yata talaga ito eh. "Not much" sagot nito. So may na reach na expectation nito? aba, di nya akalain yun. "Yung laki at lawak hindi pareho ng expectation ko, pati design but the neatness and environment, okay" aba, ibang klase 'to, pinapahanga sya nito ah. "Environment? As in nitong bahay pati kapit bahay?" Napanganga sya nang tumango ito. Akala nya sa environment ito pinaka maninibago. "Most of the neighborhood in province are relatives. You know it's a part of Pilipino culture" waahh talino ng bodyguard nya. "Umamin ka nga, bodyguard ka lang ba talaga? Mukhang hindi eh" seryoso itong tumingin sa kanya. Saka tumango. Ano tumango? Anong meaning nun?. "Hindi ka lang talaga basta-basta bodyguard?" "Yeah, lets say that I'm a priceless bodyguard" sagot nito. Mukhang ayaw naman talaga nitong idescribe ang sarili kaya hinayaan nya nalang yun. Basta hindi ito bodyguard na nababayaran ng mura lang, priceless? Hindi 'to nababayaran?. Ay basta yun na yun. "Nak, kamusta ang byahe?" Ang papa naman nya ngayon ang lumapit sa kanya. Nakaupo na sa sofa si Kiel at sya naman ay nasa couch. "Oh, Nandito na yung walang jowa!" Nagtawanan ang mga kapatid nya pati papa nya at mama nya ay tumawa. Silang dalawa lang ni Kiel ang hindi, kunot ang noo ni Kiel na nakatingin sa kanya. Paniguradong napapaisip ito at naguguluhan sa nangyayari kaya sinenyasan nya nalang ito manahimik. Kinuha nya ang sapatos nyang kahuhubad nya lang saka binato sa pagmumukha ng kuya nya. BWAHAHAHAHHAA! muntik-muntikan syang mahulog sa kinauupuan nang matamaan sa mukha ang kuya nya. Mabuti nga! Hindi manlang umilag? Kung si Weyn ang binato nya panigurado nakailag yun, pero yung kuya nya!? Anak ng tokwa! Gustong-gusto mag army tapos di manlang nakailag!?. "Hindi ka umilag!?" hawak-hawak ang tyan na hindi sya matigil sa kakatawang sabi nya. Yung kuya nya naman ay galit na galit na, halos lahat yata ng mura nasabi na nito sa galit. Kasalanan ba nyang anlakas nito mang-asar pero 'di naman marunong umilag?. "Ethan, ano ba yan!? May bisita oh" saway ng mama nya sa kuya nya na panay ang mura at galit na bumubwelo para batuhin sya. Kawawa 'di nakaganti, tumatawa pa rin sya habang nakatingin rito. "Miss Amy, ang galing mo" napatingin sya kay Kiel nang magsalita ito. Muli syang natawa at tumango sa sinabi nito. Galit yung kuya nyang napatingin kay Kiel. "Sino ba yan? Boyfriend ni Amy?" Baling ng kuya Ethan nya kay Kiel na nakaupo sa mahabang sofa. "Hindi" sagot ng mama nya. Nagdududa ang kuya nya sa sagot ng mama nya kaya lumapit ito sa kanila. "Hindi ka boyfriend ng kapatid ko?" Madiin na tanong ng kuya Ethan nya kaya napairap sya sa hangin. "Gwardya ka nanaman!? Sipain kita eh, tapos kung makaasar kang wala akong jowa wagas! Hmnn gigil mo ako!" Nanggigigil na sabi nya't akmang babatuhin ulit ito ng sapatos. "Anong ginagwardyahan, nagtatanong lang eh!" Pagdadahilan nito. "Atsaka, kung mambabato ka wag sapatos ang baho kaya! Sa mukha pa talaga!" Inis na reklamo nitong ikinairap nya. "Wag ka kasing tukso dyan, kaya ka nababato eh" saway naman ng mama nya. Buti na lang talaga kampi mama nya sa kanya. "Tukso daw?" Parang batang katwiran ng kuya nya. "Wag mo kasing tinutukso ng walang jowa kapatid mo" dagdag pa ng papa nya. Di ba, lakas nya sa magulang nya. "Alam mo naman nang totoo eh" "Pa!" Sigaw nya. "Pfft" sinamaan nya ng tingin si Kiel. Did he just laughed at her? Tumawa ito? Di ba robot 'to? Aba, anlakas naman ng loob nito. "Sorry" bawi agad nito nang mapansing masama ang tingin nya. "Naniniwala na ako, di ka boyfriend ng kapatid ko pero bakit ka nandito?" Akala mo'y naghahamon ng away na tanong ng kuya Ethan nya. Umirap lang sya, yabang talaga. "I'm here as miss Amy's bodyguard" sagot ni Kiel. Mas maaasar pa ang kuya nya kapag nagpatuloy itong magtanong tapos sasagot lang si Kiel ng kung anong sagot. No explanation etc. "Bodyguard? Bakit ako maniniwala sayo?" Tanong ulit ng kuya nya. "Did I tell you to believe me?" "Pfft" pinigil nyang matawa. "Namimilosopo ka?" Napipikon na tanong ng kuya nya. "No" pocker face na sagot ni Kiel. "Bwisit ka!" Asik ng kuya nya. "I'm not" wala pa ring makikitang kahit anong reaction sa tono at mukha ni Kiel. Ibang klase talaga. "Sinusubukan mo—" "Ethan, bisita natin yan. Umayos ka nga!" Putol ng papa nya sa nanggigigil sa inis na kuya nya. Dun sya bumigay sa tawang kanina pa gusto kumawala. "Kuya, nakahanap ka ng katapat?" Napahawak sya sa tyan, grabe buo na araw nya ngayon. Nag-thumbs up sya kay Kiel pero nagpantay ang kilay nitong tumingin sa kanya. Wew, ibang klase talaga itong taong 'to. "Tama na kasi kuya, bantay ko nga lang sya" natatawa pa ring pang-aasar nya sa kuya nya. "Gusto away?" Tumigil sya sa pagtawa at tinukso ang kuya nya. At dahil hindi pa ito nakakabawi sa galit kay Kiel ay pumayag ito. Pabiro ang pagsagot nito pero alam nyang gusto nitong masapak si Kiel. Tatawa - tawa nyang sinenyasan si Kiel na lumaban kaya tumango ito at tumayo saktong nakalapit na rito ang kuya nya kaya pagtayo nito ay hanggang leeg lang nito ang kuya nya. "Wahahahahaha kuya, ang pandak mo!" Pang-aasar pa nya. Napahakbang paatras ang kuya nya, hindi rin nya inakalang ganun kataas si Kiel. Matangkad ang kuya nya pero wala itong binatbat kay Kiel na animo'y basketball player. Lahat ng tao sa bahay ay natawa pati ang asawa ng kuya nya na kararating lang. "Baby, matangkad ka pero wala kang laban sa foreigner na bisita natin" tatawa-tawang kumento nito na nilapitan ang kuya Ethan nya. "Ate" nakangiting tawag nya rito at sinalubong ito ng yakap. Sa totoo lang mas close sya sa asawa ng kuya nya. "Tabi" halos matumba sya nang itulak sya ng kuya nya. Aba't nananadya!. Sinamaan ng tingin ng asawa ng kuya nya ang kuya nya, di ba, pati asawa ang kuya nya kampi sa kanya. "Ma, magpapahinga na nga muna ako" paalam nya't pupunta na sana sa kwarto nya nang maalala si Kiel. "Ma, saan kwarto pwede si Kiel?" Tanong nya ulit sa ina. Alam nyang maspagod ito dahil ito ang nagmaneho. "Sa kwarto ni Enzo, sa tabi ng kwarto mo" tumango sya't hinila sa kamay si Kiel. Alam nyang tatanggi nanaman kasi ito. "Magpahinga ka muna, matutulog lang naman ako. Don't worry hindi delikado buhay ko dito" nag-aalangan itong tumango. Halos itulak na nya ito sa loob ng kwarto dahil nagdadalawang isip pa itong pumasok buti nalang at mukhang pagod rin ito at hindi na ito pumalag. Sa wakas, makakatulog sya ng palagay ang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD