Chapter#11

2181 Words
Inaantok na bumangon si Amy dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Kumunot ang noo nya nang bumungad sa kanya ang napakaraming pagkain, case ng alak at mga bisita. Anong meron? Hindi pa naman birthday ng papa nya ah?. "Ma, anong meron?" Tanong nya sa inang abala sa pagpupunas ng mga plato. Inilapag muna nito ang platong napunasan na saka sya binalingan ng tingin. "Maraming pumunta para makita ka nung nabalitaan nilang dumating ka na" Tumaas ang kilay nya sa sinabi nito, sa haba ng panahon na tumira sya sa probinsya nila ay hindi nya akalaing ganun sya kasikat para dayuhin ng mga tao kapag nakauwi na. "Tita, kami na po dyan" halos mawala na sa balat nya ang kilay sa sobrang taas nang marinig ang hindi pamilyar na boses. "Amy!" Tawag nito sa kanya atsaka sya agad na niyakap. "Na miss kita, Gaga!" "Cassandra?" Hindi na nya ito makilala pero dahil sa paraan ng pagsasalita nito mukhang alam na nya. "Di mo ko nakilala? Ganda ko na noh" tumawa lang sya't niyakap ulit ito. "Shia!" Baling naman nya sa isa pang kaibigan. "Amy!" Bulalas rin nito at inagaw sya nito mula kay Cassandra. "Reunion na ba this?" Sabay -sabay silang natawa sa sinabi ni Cassandra. "Amy, alam mo bang nandito sina, Dion, tapos yung mga famous nung high school tayo?" pagbabalita ni Shia. "Luh, anong ginagawa nila dito?" Tanong nya dahil sa pagkakaalam nya ay hindi naman nya close ang mga iyun. "Ewan, halika" hihilahin na sana sya nito palabas pero binawi nya ang kamay nya. "Wait lang, bihis lang ako. Gaga ka, wala akong bra" nagtawanan ang dalawa saka ito na ang nagtulak sa kanya papuntang kwarto nya. "Dito, bilis." Gusto nyang matawa sa ginagawa nila, akala mo'y mga agent silang minamanmanan ang mga suspect. "Ayun si Dione" tumingin sya sa tinuro nito at totoo nga naruon si Dione na dating presidente ng school nila na super famous. Ano kayang ginagawa nito rito?. Naalala pa nya kung gaano ito ka epal at kontrabida sa highschool life nya. Di na nga nya mabilang kung ilang ulit sya nitong sinumbong na maagang nagre-recess. Ito rin yung bugok na nasa eleksyon debate ng school nilang namimilosopo, ano kayang naisipan nito at dumayo pa rito?. "Si Raine yun 'di ba? Kanina wala sya" mabilis nyang sinundan ng tingin ang tinuturo ni Shia at tama nga si Riane nga. Anong ginagawa ng babaeng yun? Wow, namiss din ba sya nito?. Anong ginagawa ng mga kontrabida sa highschool life nya sa bahay nila ngayon?. Lumapit sila sa table kung saan naruon ang mga kaklase nila nung grade 10 and there narinig nila ang mga pinag-uusapan ng mga ito. "Sabi nila maganda na raw si Amy" ano ba namang pinag-uusapan yan, dati na syang maganda! Di lang nila matanggap. "Naniwala naman kayo?" si Riane yun. "Kung maganda sya ba't hanggang nyayon wala pa rin syang boyfriend?" Tignan mo talagang kahit kailan ay kontrabida sa buhay nya ang babaeng ito. "Sapakin ko na ba bhe?" Gusto nyang tumango sa tanong ni Cassandra pero pinigilan nya. Wag, masyado yung bad. "Kapal talaga bhe!" Gigil namang sabi ni Shia. "Pero malamok" kumento nito na ikinatawa nya, totoo malamok nga sa pwesto nila. Nasa labas kasi sila at naruon ang mga table at upuan, duon lugar ng kainan at iinuman ng mga bisita dahil sa andami ba naman kasing bisita. "Kung ano-anong sinasabi nyo, malay nyo may dahilan kaya hanggang ngayon wala pa rin syang boyfriend" Aba, mabait si Dione na unggoy. Aniya sa isip. "Mas okay nga yung hindi pa nagkakaboyfriend kesa sa divorce 'di ba?" Dugtong nito. Sinong divorce?. Si Riane ba? Pansin nya kasing tumahimik ito tapos tumingin kay Dione. Siguro nga! "May asawa na ba si Dione?" Napatakip sya ng bibig, napalakas yung tanong nya. "Gaga ka talaga!" Inis na sabi ni Cassandra. "Sira ka, huli tayo!" Si Shia naman. "S-sorry" nasabi nalang nya kasabay nang pagtawag sa kanya ng mga classmates nila noon. "Anong ginagawa nyo dyan?" Tanong ni Enrico na kaklase rin nila nuon. Wala silang nagawa kundi ang lumabas sa pinagtataguan at magpakita ng pekeng ngiti. "H-Hi, anong ginagawa nyo rito?" Tanong nya dahil yun naman talaga ang gustong nyang malaman. Iminuwestra ni Dione ang upuang nasa tabi nito at dahil ang dalawa nyang kaibigan ay naupo na sa ibang bakanteng upuan wala syang choice kundi umupo sa tabi ni Dione. "Para makita ka" aba, casual na casual pre ah, close tayo?. Gusto nyang sabihin pero imirap nalang sya. "Kaya naman pala di ka nagkaka-boyfriend eh" muling pumihit rito ang ulo nya't binalingan ito ng tingin. Tumawa ito pagkatapos ay uminom ng alak. "You know what, walang nagbago sayo" sabi nitong ikinataas ng kilay nya. "Masungit ka pa rin. Lahat yata ng lalaki nasungitan mo eh, 'di ba?" Sumang-ayon ang lahat ng lalaki sa grupo nila. Di nga? Nasungitan nya?. "Manliligaw sana ako noon kaso nasungitan ako" gatong pa ni Enrico. Binato nya ito ng nahawakang karne ng manok. "Paanong 'di kita susungitan, sinumbong mo akong nagpapakopya! Masama ba maging mabait?" Dipensa nya na tinawanan nito. "Amy may tanong ako" kay Riane naman sya napatingin. "Bakit wala kang boyfriend?" Ang babaeng 'to talaga. Sasamaan nya sana ito nang tingin pero minabuti nyang kumalma. "Kasi wala akong mapili" pagdadahilan nya. "O baka, walang nanliligaw" ang sama talaga ng ugali nito. Himutok nya sa isip. "Riane" Saway ni Dione, na ang bait yata sa kanya. Paganti nga kay Riane. Malokong bulong ng isip nyang ikinangiti nya. "Sinong divorce sa inyo?" Sakanya lahat napatingin pagkatapos ay halos sabay-sabay na napalunok. Hanggang ngayon pa pala ay magkakaibigan pa rin ang grupo nito?. Mangha nyang pansin sa kilos ng mga ito. "Me" nanlalaki ang mga mata nyang napatingin kay Dione. "I-ikaw?" Di makapaniwalang tanong nya rito. Tumango ito saka uminom ulit ng alak. Nakokonsenya tuloy sya. "S-sorry" paghingi nya ng despensa pero umiling ito. "Wala kang dapat ihingi ng sorry. Nagtanong ka lang at sinagot ko" nakangiting sabi nito na mas lalo syang nakokonsensya. "So, lahat kayo may asawa na?" Tanong nya sa iba pang kasama para maiba ang usapan. "Ako wala" si Riane yun na grabe makalait sa kanya pero wala rin naman palang asawa. "Hindi natuloy ang kasal namin nung ex k. Hindi ko alam pero bigla ko nalang kasi na-realize na ayaw ko pala sa kanya" pagkukwento nitong gusto nyang murahin. Ang sama talaga nito, ang haba ng panahon pero sa kasal mismo narealize na ayaw nito?. Samantalang sya nga ay nakasal ng walang nare-realize. Okay, cut with her marriage. "Ah, so kayong dalawa walang asawa" si Cassandra naman ang nagsalita. "Galing" sarkastikong dagdag nito. "Amy anong sabon gamit mo?" Hindi nya inaasahan ang tanong out of nowhere ni Enrico. "Bibilhan ko asawa ko" "Ah, h-hindi ko rin alam eh" sagot nya. Hindi talaga nya alam. Sa susunod babasahin na nya ang brand. "Ganun? Pano mo yun nabibili?" Tanong ulit nito. "Hindi ako yung bumibili, may nagbibigay sa akin" lalo tuloy na curious yung mga kasama nya na nagigingproblema pa nya. "Joke lang, safeguard lang" pagsisinungaling nalang nya. Mahirap na baka madulas pa dila nya. Kahit hindi pa kumbinsido ay nagtanguan nalang ang mga ito, mabuti narin yun. "Amy, may aaminin ako sayo" nakanguso nyang binalingan si Dione. May ginawa ba ito sa kanya noon na hindi nya alam?. "Simula nung grade 9, when we face each other as an enemy in election debate" huminga ito ng malalim para kumuha ng lakas. Ano bang sasabihin nito at mukhang kabado ito. "I already like-" "You're here" hindi nya narinig ang sinasabi ni Dione dahil narinig nya ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Halos lumuwa ang mata nya nang makita si Kiel na walang suot na pang itaas. He's elegal for freakin sake, nasa probinsya ito at s**t!. Walang ganito ka perfect na katawan sa probinsya nila. Naagaw nito ang atensyon ng lahat, mapa babae man o lalaki, bakit kasi ito lumabas?. "Pumasok ka sa loob bilis" nagtataka itong tumingin lang sa kanya. s**t! Pinagpipyestahan na ito. "Magbibis ka! Bilisan mo!" Halos sigawan na nya ito kaya siguro ay napilitan itong pumasok sa loob. "Sino yun!?" Nakangangang tanong ni Shia. Pati si Cassandra ay hinampas ang sarili para lang makabalik sa katinuan. Si Riane ay hindi makapaniwalang tumingin sa kanya at ang mga lalaki nilang kasama ay nagtatanong ang mga mata. Alam na nya ang iniisip ng mga ito! Loko-loko kasi. "Hindi ko sya boyfriend!" Sigaw nya para marinig ng lahat. Ang iba ay nagdududa pero si Dione ay nakahinga ng maluwag, si Riane naman ay napangisi na para bang inaasahan na nito ang sinabi nya. "Sayang, may asawa na ako. Ang gwapo, ang hot, ang tangkad, at s**t ang perfect! San mo nakuha yun?" Naghihisterikal na sabi ni Cassandra, grabe talagang kaharutan nito. "Bakit ka nya hinahanap?" Tanong ni Enrico. "Kasi ano, bodyguard ko sya na pinadala ng CEO friend ko, at babae yung CEO" pinahabol na nya dahil mga iba pamandin ang isip ng mga tao sa lugar nila. "Bodyguard? Holy f**k!" Gusto nyang batukan si Cassandra dahil sa pagmumura. "Ang gwapong bodyguard nun! Bilhin ko nalang" Napangisi sya't umiling. "He said, he's a priceless bodyguard" proud na sabi nya. Sya lang ang may bodyguard na gaya ni Kiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD