Chapter 44 Raine DALAWANG araw na ang lumipas, pero wala pa akong balita kay Damon. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng lahat, parang mas lumuwag ang pakiramdam ko. Si Carissa, palagi siyang nandiyan, inaasikaso ako, tinatanong kung kumusta ako, at marami siyang kwento sa akin na puro masasaya lang. Parang tunay na anak ang trato niya sa akin, kaya kahit paano ay nagiging kalmado ako at ang gaan–gaan ng aking loob sa kanya. Si Kieran naman, napakagalang at palakaibigan. Kapag magkasama kami ni Carissa, palagi siyang nariyan, nakikinig at minsan ay nagbabahagi ng mga bagay tungkol sa buhay niya. May mga oras na mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, pero hindi tulad ng kay Damon—may respeto at kabaitan sa mga mata niya. Pero iba si Ceasar. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero

