Chapter 43 Raine NARAMDAMAN kong unti–unting bumibigat ang mga talukap ng aking mata. Napapikit ako habang parang humihinto ang lahat sa paligid. Nang bumukas ang mga mata ko, nasa gitna na ako ng isang malawak na hardin. Ang hangin ay banayad, malamig, at napapalibutan ako ng mga iba't ibang bulaklak. Sa di kalayuan, may batang lalaki na masayang tumatakbo papunta sa akin. Parang kilala ko siya, ngunit hindi ko alam kung paano. Nakatingin siya sa akin ng may saya sa mga asul niyang mga mata. Hawak ko ang isang clear mangkok na puno ng tubig, at sa loob nito, mga koi fish na kumikislap sa ilalim ng araw. Lumapit ako sa kanya at iniabot ko ang mangkok. "Happy birthday, Kuya," sabi ko, kasabay ng ngiti. "That's my gift for you." Tumingin siya sa mga koi fish, at ang saya sa kanyang m

