Chapter 42 Raine NAPUNO ng galit at sakit ang dibdib ko sa bawat salita niya. Hindi ko na kayang palampasin ang mga sinasabi niya. Agad akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak niya sa braso ko, hinila ko pabalik ang braso ko, pilit na kumakawala sa kanya. "Ano ba, Damon? Bitawan mo ako!" sigaw ko, habang nilalakasan ang loob ko. "Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin 'yang mga sinasabi mo!" Pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Bakit? Totoo naman, di ba? Hindi ka sanay sa ganitong buhay, Raine. Akala mo ba madadala mo dito 'yung mga kinasanayan mo sa bundok?" Napuno ng galit at luha ang mga mata ko habang patuloy akong nagpupumiglas. "Oo, taga–bundok ako! Pero hindi ibig sabihin na wala akong alam o wala akong halaga! Wala kang karapatan na tratuhin ako nang

