Dahil sa labis na saya ay halos hindi ako makatulog nang gabing 'yon. Para akong lumulutang sa cloud nine. Pabaling-baling ako sa aking higaan. Ano bang gagawin ko upang makatulog ako? Dahil mailap ang antok ay nagpasya akong bumangon at kinuha ang librong binigay ni Anwyll sa akin. Gusto ko pang makakuha ng iba pang tips mula sa libro. Hindi ko alam kung nagtagumpay ako n'ong nakaraan sa experiment ko kuno. Binuklat ko ang libro at naghanap ng magandang tips. Dumako ang paningin ko sa french kiss. Namula ang mukha ko. Huminga ako ng malalim. Nakita ko ang malaking teddy bear na regalo ng yaya ko noon bago ako lumipad patungong US. Kinuha ko 'yon at iniharap sa akin. Human size iyon kaya may kalakihan talaga. Binasa ko ang instruction sa libro. Choose a comfortable position. Umayos

