Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nangyaring paghalik ni Iñigo sa akin. That jerk! I really hate him! Pangahas talaga at nagawa niya akong halikan sa aking labi. Naalala ko tuloy 'yong panaginip- no it's a nightmare for me. His lips touched mine. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking labi na nadampian ng halik ni Iñigo. Ang lambot ng labi nito, I felt heat on my cheeks. What the heck? Am I blushing? No, of course not, namumula ako dahil sa galit at inis. Umuwi na ako sa bahay at hindi na tinapos ang pagyo-yoga ko. Nawalan na ako ng gana. Pasulpot-sulpot kasi ang nerd na 'yon. Nakakasira nang araw. Paglabas ko pa lang ng kotse ay nakita ko na si Kuya Anwyll, mukhang kanina niya pa ako inaabangang dumating. Tinaasan ko lang ito ng kilay. "We need to talk." Seryoso niyang pahaya

