Kabanata 1
"Ate, bumangon ka na. Ala-sais na."
Naalimpungatan si Tayla nang marinig niya ang boses ng kanyang kapatid na si Tinsley.
"Hm~" Pag-inat ni Tayla habang nakahiga siya sa kanyang kama.
Siya si Tayla Ruiz. Dalawampu't limang taong gulang. Nagtatrabaho siya sa Data Company as a Data Encoder.
Gabi ang trabaho ni Tayla pero paiba-iba ang oras ng pasok niya sa gabi. Minsan nauusog, minsan naman ay maaaga. Depende sa mood ng Operation Manager niya.
Sa pamilya naman ni Tayla ay dalawa lang silang magkapatid ni Tinsley na bunso niyang kapatid--- na nag-aaral sa kolehiyo. Ang ina niya na si Kayla ay isang housewife at ang ama niya na si Terry naman ay isang engineer.
Wala naman problema si Tayla sa kanyang pamilya. Dahil kung hindi sa pagkastrikto ng ama niya ay hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral. Kasi ang sabi ng ama niya ay 'study first bago landi'. Dahil kapag nilabag nilang magkapatid iyon ay hihinto sila sa pag-aaral. Pero syempre, may lihim si Tayla noon. Nagkaroon siya ng nobyo noong nasa kolehiyo pa siya. Pero hindi rin nagtagal ay nakipaghiwalay din siya dito dahil baka malaman ng ama niya kung nilabag ang kasunduan nila ay ipatitigil siya sa kanyang pag-aaral.
Narinig ni Tayla ang pagtunog ng cellphone niya mula sa ilalim ng kanyang unan. Kinapa-kapa niya ang ilalim ng unan niya upang kunin ang kanyang cellphone.
Hindi rin naman nagtagal at nakuha niya rin ang cellphone niya mula sa ilalim ng kanyang unan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata at binuksan ang cellphone niya.
Pagkabukas na pagkabukas niya ng cellphone niya ay unang bumungad sa cellphone niya ang message ng kanyang dating nobyo.
Aish, si Brandon...
Ibinagsak ni Tayla ang cellphone niya sa kama nang makita niya ang message ni Brandon.
Si Brandon ay pangalawang ex ni Tayla. Ito ay nakatira sa South America. Ang lengguwahe nito ay spanish pero marunong naman ito mag-ingles--- dahil ang trabaho nito ay isang English teacher. Kaya naman ay naiintindihan ni Tayla si Brandon.
Nakilala ni Tayla si Brandon sa 'dating app' noong siya ay bente'y dos anyos pa lang siya ay kaedad niya si Brandon.
Wala pang trabaho si Tayla noon at nalaman niya kay Fritz na kaibigan niya, na gumagamit ito ng 'dating app'. Kaya naman ay sinubukan niya rin ang 'dating app', ngunit, binalaan siya ni Fritz na huwag na siyang gumamit ng 'dating app' dahil hindi naman siya makakahanap ng matinong lalaki doon.
Pero makulit si Tayla at gusto niya pa rin na subukan ang 'app'. Dala rin ng kyuriyosidad ay walang pagdadalawang-isip na nag-download siya ng 'dating app'. At umpisa pa lang niya na gamitin iyon ay marami na ang nag-message sa kanya na lalaki. Pero habang tumatagal ay nabo-boring siya dahil puro Arabo ang nagme-message sa kanya.
Ilang araw lang din ang lumipas noon ay nakita ni Tayla ang message ni Brandon. Nag-aalinlangan pa siya noong una dahil baka peke lang si Brandon at baka ibang tao ang nasa likod ng litrato nito. Pero hindi niya maiwasan na hindi reply-an si Brandon dahil sa mestizong look nito.
Habang tumatagal ang kanilang pagcha-chat noon ni Brandon ay nahuhulog na ang loob niya dito. Hanggang sa, sinabi sa kanya ni Brandon na gusto siya nitong maging girlfriend, ngunit, sinabi sa kanya ni Brandon na nahihiya itong sabihin sa kanya dahil baka i-reject niya ito. Pero nagtapat din siya kay Brandon noong araw na iyon na gusto niys rin ang binata; at naging sila agad.
Naging sila nang hindi nila alam ang mga buong pangalan nila ng isa't isa. At hanggang sa, magtatlong buwan na ang kanilang online relasyon ay nagkaroon sila ng problema. Mali, si Brandon lang pala ang problema.
Hindi maintindihan ni Tayla kung ano ang ginagawa ni Brandon. Paano niya nasabi? Dahil unti-unti niya nang napapansin na ang kanilang routine na kung anong oras sila mag-uusap ay nawala na.
Gumawa ng paraan si Tayla upang malaman ang buong pangalan ni Brandon, at madali lang para kay Tayla na hanapin si Brandon sa social media. Nakita niya na may babaeng nag-tag kay Brandon ng picture--- picture na magkasama sina Brandon at iyong babaeng nag-tag. Dito ay tila nanlamig ang buong katawan ni Tayla nang makita niya ang picture na may kasamang babae si Brandon noon.
Ilang araw nang nagbago si Brandon noon sa kanya. Kinamusta niya si Brandon ulit at nag-reply naman sa kanya ang binata. Hanggang sa, maisingit niya ang relasyon nilang dalawa. Sinabi sa kanya ni Brandon na nawala ang nararamdaman nito sa kanya. Tinanong niya rin kay Brandon kung sino iyong babaeng kasama nito. Sinagot siya ni Brandon na estudyante at kaibigan lang nito ang babae na kasama nito sa picture. Pero may pahabol pa na salita si Brandon sa kanya na ikinasakit ng loob niya. Sinabi sa kanya ni Brandon na type nito ang babaeng iyon at nagde-date na talaga sila.
Napakasakit na marinig iyon ni Tayla pero mahal niya pa rin si Brandon at tinanggap na lang niya ang desisyon nito. At si Brandon mismo ang nakipaghiwalay sa kanya.
Wala naman magawa si Tayla at pinilit niyang magpakatatag. Ano pa nga ba ang magagawa niya kung ayaw na ni Brandon sa kanya? At siya lang ang nananatiling lumalaban?
Ang mga pinag-usapan nila noon ni Brandon na balang-araw ay magkikita sila, magpapakasal, bubuo ng pamilya ay wala na. Lahat ng iyon ay isang imahinasyon lang at hindi na maaaring matupad. Dahil ang kanilang imahinasyon ay matutupad lang sa talagang makakatuluyan nila sa hinaharap.
Nabalik sa ulirat si Tayla nang marinig niyang tumunog na naman ang kanyang cellphone. Ngayon naman ay tunog na tumatawag. Nataranta naman siya at agad niyang kinuha ang cellphone niya na nasa kama, at dahil sa pagkataranta niya ay naisagot niya ang tawag ni Brandon. Pero nagulat siya nang makita niya ang mukha ni Brandon. Bigla niyang natandaan na dalawa pala ang pantawag--- na pwedeng call or videocall.
Ngumiti si Tayla kay Brandon at nginitian din siya pabalik nito. Parang wala lang ang nangyari sa kanila noon. At parang sila pa rin na dalawa. Pero hindi, dahil magkaibigan na lang sila ngayon at dahil pareho silang single ay ginagawa na lang nilang dalawang sandalan ang isa't isa.
(Hi Babe!) Bati ni Brandon sa kanya.
"H-Hello... I'm sorry that you see me like this," nahihiyang sabi ni Tayla habang inaayos niya ang buhok.
(It's okay.)
Hindi na alam ni Tayla kung ano ang sasabihin niya kay Brandon. May pasok pa siya pero ito siya ngayon at kausap si Brandon. Imbes na nakaligo na siya at nakahanda na siya lahat-lahat.
(I'm sorry if I called this time. I just... I just missed you.)
Nang sabihin sa kanya ni Brandon iyong huling sinabi nito ay wala na siyang naramdaman na spark. Ang tanging nararamdaman niya na lang kay Brandon ay ang ibinibigay nitong init na nagmumula sa kanilang katawan. Ginagamit niya si Brandon upang mawala ang pawi ng init sa kanyang katawan.
Dahil ang nagturo lang sa kanya ng pumasok sa makamundong lugar ay si Brandon. Kaya naman mas mabuting kay Brandon niya gawin dahil parehas lang sila ng nararamdaman--- at iyon ang sa tingin ni Tayla.
"I missed you too," pagsisinungaling ni Tayla, sabay ngiti kay Brandon. Para na naman nabuhay ang nasa kanyang kalamnan ng pasadahan niya ang tingin ang mukha ni Brandon. At dahil hindi niya kita ang lower body ni Brandon ay napansin niya na parang may ginagalaw si Brandon sa ibaba nito.
Kaya naman ay napakagat labi si Tayla at may pang-aakit na tumingin siya kay Brandon.
"What are you doing?" May pagkapilyang tanong ni Tayla. Napansin niya ang pagngiti ni Brandon sa kanya--- na sa tingin niya ay may kahulugan ang ngiti ng binata.
(Oh, it's nothing. Don't mind me.)
Pansin pa rin ni Tayla ang pilyong ngiti mula sa labi ni Brandon. Kahit tatlong buwan lang ang tinagal ng relasyon nilang dalawa noon ay alam niya ang mga galaw nito.
Biglang may pumasok sa isip ni Tayla na pang-akit kay Brandon.
"Oh well..." Bumangon si Tayla sa pagkakahiga sa kanyang kama. "... I have to take a bath now. You know that I have work today, right?"
(Can I join?)
Ngumiti na naman sa kanya si Brandon na may kahulugan na alam niya na gusto nitong gawin nila ang ginagawa nila dati.
Inaasar lang ni Tayla si Brandon pero natauhan na siya at ayaw niya ng gawin iyon ulit. Besides, they are not a couple anymore. Ayaw niya ng maulit iyon dahil feeling niya na ang baba ng tingin niya sa sarili niya. Dahil iniisip niya na kailangan lang siya ni Brandon dahil sa tawag ng laman nila.
Kahit wala na siyang nararamdaman kay Brandon ay naalala niya pa rin iyong dati sila. Kung sakaling magkabalikan sila ni Brandon ay may posibilidad na balikan niya ito, ngunit, sa nakikita niya ngayon ay wala na. Dahil lahat ng sweet talk ni Brandon sa kanya ay hindi na siya kumakagat at ayaw niya ng mahulog pa dito.
"Not now... I really have to take a bath or else I'm gonna be late," sagot ni Tayla kay Brandon ng may mapang-akit na tono.
(Aw... Maybe I should reserve this next time. This can be wait.) Tukoy ni Brandon sa alaga nito.
Napakagat-labi na naman si Tayla sa sinabi ni Brandon. Para siyang kinuryente sa sinabi ni Brandon, lalo na sa kanyang baba na tila nabasa. Normal na ito sa kanya ang pag-uusap nila ni Brandon. Gustuhin man niya na gawin nila kahit huli lang ay hindi pwede dahil may pasok siya. At isa pa, gusto na niyang itigil ang ginagawa nilang dalawa dahil gusto niya nang umusad na walang Brandon na siyang nakakausap. In short, gusto niyang mag-umpisa na parang wala siyang kilala kahit na sino.
Bahagyang ngumiti si Tayla kay Brandon at tumango.
"Well I guess, I have to say goodbye for now," pagputol ni Tayla ng pag-uusap nila ni Brandon.
(Okay. See you. I love you.)
"I love you too. Bye~" paalam ni Tayla kay Brandon at in-end niya na nag call.
Ipinatong ni Tayla ang kanyang cellphone sa side table. Napabuntong-hininga na lang siya at napatingin sa kawalan.
This is not so good...
Bakit nga ba may koneksyon pa rin silang dalawa ni Brandon hanggang ngayon? Matapos ang isang buwan na hiwalay nila ni Brandon noon ay hindi siya mapakali kung kukumustahin niya ba ito. Pero nagulat siya nang si Brandon na mismo ang nagparamdam sa kanya at kinamusta siya nito.
Natuwa si Tayla noon dahil kinamusta siya ni Brandon kahit na nasa stage pa siya ng pagmo-move-on. Nagdadalawang-isip din siya noon kung re-reply-an niya ba si Brandon. Kasi kapag nag-reply siya ay baka bumigay siya sa mga message nito.
Pero hindi rin nagtagal ay nag-reply siya kay Brandon. Mas nangingibabaw ang pag-aalala niya kay Brandon at curious siya sa mga ginagawa nito noong mga nagdaan ng isang buwan.
Hanggang sa, ang kamustahan lang nila ay nagtuloy-tuloy. Nang sumunod na araw na animo'y sila pa rin. At dahil mahal nga niya si Brandon ay parang bumalik sila sa dating gawi kahit hindi naman na sila. In short, they are friends with benefits.
Pero habang tumatagal ay napagtanto ni Tayla na ang akala niya na pagmamahal pa rin kay Brandon ay iyong nararamdaman niya. Ngunit hindi, dahil ngayon ay napagtanto niya na ang nararamdaman niya na lang kay Brandon ay ang libido na nagmumula sa kanilang katawan. Kailangan niya si Brandon dahil gusto niyang makaraos ang kanyang katawan na nagke-crave sa laman ng lalaki.
Tatlong taon na ang nakakalipas ay ito ang lihim nilang dalawa ni Brandon. Hindi man unang naging nobyo ni Tayla si Brandon ay dito niya naramdaman ang pagmamahal.
Ang unang nobyo ni Tayla ay noong siya ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Tatlong buwan din ang itinagal nilang dalawa. Sumunod naman si Brandon na tatlong buwan din ang itinagal ng relasyon nila. At hindi si Brandon ang huling naging dating nobyo niya. Ang pangatlo naman ay same year din noong makilala niya sa ibang 'dating app' ang pangatlong ex-boyfriend niya na isang buwan lang ang itinagal ng relasyon nila. Dahil natatakot si Tayla na makipagkita siya dito. At kaya naman ay ang ending ay hiniwalayan siya nito dahil sa walang dahilan.
Gusto talaga ni Tayla ang pangatlong nobyo niya. Alam niya na siya ang nagkamali noon. Kaya naman ay nagsisisi siya at kung sakaling bumalik man siya sa nakaraan nila ay hindi na siya matatakot pang muli.